BITTERNESS OVERLOAD

156 9 7
                                    

BITTERNESS OVERLOAD

 

Itapon ang lahat ng sulat at alaala

Iyan ang sabi mo para makalimutan ka

Wag mo kong turuan, ginagawa ko’y alam ko

Hindi ako tanga, lahat iyon ay kaya ko

Ginawa ko na ang lahat para sa relasyon

Pero binasura mo lang, anong tawag mo dun

Sa aking paningin ay tinuring kang prinsesa

Pero tila isang hangin, hindi mo makita

Nagpunta ko sa Baguio para doon ibaon

Iyong alaala, lilimutin ng panahon

Ang akala mo ba lahat ng ito ay biro?

Isasama kitang ibaon walang halong biro.

#TAGA-ILOG09 03/15-16/2015 (midnight kase)

 At bago may mabuong spekulasyon sa mga malilikot nyong mga isipan ... nabuo lang yang tula na yan dahil sa malikot kong isipan. Kakapanood kase. :D

Bulong ng Damdamin #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon