PARANOIA
Pag siya’y wala ikaw ay nag-aalala
Na baka may nangyari ng hindi maganda
Sinubukan mong huminahon pero wala
Ang tangi mo lang nagawa ay magtiwala
Nag-aalala ka kasi mahal mo siya
Magtetext para malaman kung nasan siya
Walang reply kaya ikaw ay mababaliw
Katinuan mo ay malapit ng bumitiw
Nag-aalala ka kung siya’y kumain na
Mukha ka ng tatay sa pa-isip sa kanya
Ano bang pake mo kung kumain na ba siya
Kakain sya kung gutom, hindi siya tanga
Sana pag-aalala’y iyo nang itigil
Idamay mo na rin ang iyong panggigigil
Oo nga totoong ikaw ay nag-aalala
Pero natanong mo ba sayong pag-iisa
Nag-aalala ka ba dahil mahal mo sya
O baliw ka na dahil di mo alam kung mahal ka din niya?
#TAGA-ILOG09 03/19/2015

BINABASA MO ANG
Bulong ng Damdamin #Wattys2015
PoetryMga tulang binubulong ng damdamin. Mga tulang nais sambitin, sa mga taong nais 'tong intindihin, lalo na sa taong aking mamahalin.