PROLOGUE
NAKAHINGA ng maluwang si Iuhence ng lumapag ang eroplano na trip lang lumipad sa himpapawid dahil may isang baliw na lalaki na umupa no'n para mag tapat ng nararamdaman at mag-propose sa isang babae. His friend, Tyron Zapanta, was one crazy man. Baliw na baliw ito kay Raine. At dinamay pa siya.
You volunteered, remember? Anang isip niya na palaging hindi sang-ayon sa kanya.
"What the hell ever," he muttered under his breath, and then stepped out from the airplane.
He was walking towards the exit when an irresistible scent filled his nostrils. Saglit niyang ipinikit ang mga mata at sinamyo ang hangin sa paligid. Sinundan niya ang amoy at dinala siya no'n sa likod ng isang babae na abala sa pagka-kalkal sa dala nitong pouch.
Naka-focus ang atensiyon ng babae sa pouch nito kaya naman hindi niya makita ang mukha, tapos natatakpan pa ng mahaba at straight nitong buhok iyon.
Tumikhim siya para kunin ang atensiyon ng babae. Natigilan ito at kapag kuwan ay nag-angat ng tingin. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo niya ng magtama ang mata nila ng babae. Dahan-dahang napaawang ang labi niya habang nakatitig sa babae na nakatitig din sa kaniya. She was so beautiful— no, pretty—no. Gorgeous? No. There were no words to describe the beauty this woman possessed.
Nakamaang lang siya sa mala-diyosa nitong kagandahan.
Kulay abuhin ang mahaba at straight nitong buhok na sa hinuha niya ay kinulayan. Matangos ang ilong nito at may mga mapupula nitong labi na para bang nang-aakit iyon at napakasarap gawaran ng halik. His mouth watered for a taste. Then her expressive— wait what? Her eye color was red?
Mas sinuri pa niya ang mga mata nito. Baka nagkakamali lang ang paningin niya. Yes, definitely red. What the fucking hell? Siguro nakasuot ito ng contact lens, napaka-imposible naman kasi na maging kulay pula ang mga mata nito. Now he wondered, ano kaya talaga ang tunay na kulay ng mga mata nito?
Ang ganda niya. Komento niya sa kaniyang isip.
"Need anything?" Mataray nitong tanong sa kaniya.
Hindi siya nakasagot. Nakatitig lang siya sa babae na nakataas ang kilay sa kaniya. Ibinuka niya ang bibig para magsalita pero walang lumabas ni isang kataga mula do'n.
Fuck! Ano ba ang nangyayari sa'kin? I really should look away. By now, this woman thinks that I am a lunatic for staring at her face for more than a couple of minutes.
Napakurap-kurap siya at inilahad ang kamay. "Hi, I'm Iuhence Vergara." He flashed his infamous smile that made women knees wobbled.
Nasa isip na ni Iuhence ang sunod na mangyayari. Tatanggapin nito ang nakalahad niyang kamay at ngingitian din siya. Pero hindi nangyari ang inaasahan niya. Tinaasan siya nito ng kilay at matalim ang mga mata na pinukol siya nito ng masamang tingin.
"I didn't ask for your name," anito at nilampasan siya, sabay bangga sa balikat niya.
Hinabol ng mga mata niya ang papalayong bulto ng babae. Bumaba ang mga mata niya sa maumbok nitong pang-upo. He felt his groin tightened inside his pants. Damn it!
Hindi niya napigilan ang sarili na sipulan ang babae. "Nice ass, Miss White-Gray hair!" Sigaw niya na saglit na ikinatigil nito sa paglalakad.
Mahina siyang napatawa ng makitang halos liparin nito ang daan patungong exit ng airport. Napailing-iling siya ng makaramdam ng panghihinayang. Nakakapanghinayang naman kasi e. Hindi man lang niya nalaman ang pangalan nung babae.
Sayang.
Naglakad siya patungong exit ng airport saka dumeretso sa parking lot kung saan naroon ang sasakyan niya. Kailangan niyang makauwi sa bahay ng mga magulang niya dahil mamaya na ang kaarawan nito. Kailangan present siya.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 2: Iuhence Vergara
General FictionEight years ago, Iuhence met Mhelanie Tschauder at his mother's birthday party. She was the most stunning and ravishing woman his eyes ever laid on. In just one night, she managed to awaken emotions that only a man who had a heart could feel-apparen...