CHAPTER 11

2.1M 39.4K 9K
                                    

CHAPTER 11

KUMUNOT ang nuo ni Mhelanie ng magising siya isang umaga at wala si Iuhence sa tabi niya. Saan naman kaya 'yon nagpunta? Siguro kausap lang nito ang sekretarya nito. Iyon na ang routine ni Iuhence sa dalawang linggo na narito sila sa isla. Hindi pa siya nagising na wala ito sa tabi niya.

And yes, they were sharing a room. They slept on the same bed and they enjoyed each other bodies until their energy gives up on them.

Inunat muna niya ang braso at likod bago umalis sa kama at inayos ang sarili. Paglabas niya sa kuwarto, natigilan siya at napakunot ang nuo ng mapansing may maliit na envelop na pakalat-kalat sa sahig.

Puno ng kuryosidad na pinulot niya iyon saka binuksan at binasa ang nakasulay sa papel na may mabangong halimuyak.

'Good morning, Mhelanie. I hope you had a very nice sleep. Siya nga pala, may surpresa ako para sa'yo. But first, go to the kitchen and eat your breakfast. I cooked it. Huwag magreklamo sa lasa, 'yon lang kaya ng cooking skills ko. – Iuhence V.'

Parang sira ulong nakangiti siya ng mag-isa habang naglalakad patungo sa kusina. Nang makarating siya roon, nasa lamesa na ang agahan niya na sigurado siyang tinorture na naman ni Iuhence.

While eating her breakfast—chicken soup that tasted awful, burnt toasted bread and coffee—may nakita siyang envelop sa silya na kapareho ng envelop na nakita niya sa labas ng silid. Kinuha niya iyon at binasa na naman ang nakasulat sa scented paper.

'Enjoy your breakfast. Pinaghirapan ko 'yan. Don't worry, walang gayuma 'yan. Eat well. – Iuhence V.'

Pagkatapos niyang mag-agahan, binuksan niya ang cup board para sana kumuha ng baso dahil iinom siya ng tubig ng may makita na namang maliit na envelop. She opened it.

Mhelanie, if you found this then you must be thirsty for my kiss. Mwah. There you go. Anyway, are you ready to hunt down your surprise? If it's a yes—I'm sure it's a yes— go to the foyer and look for a bracelet. – Iuhence V.'

Nawala sa isip niyang ang pag-inom ng tubig. Mabilis na sinunod niya ang nakasaad sa maliit na papel. Nang makarating siya sa foyer, kaagad na nakita niya ang bracelet na tinutukoy ni Iuhence. It was rose gold and glistened under the sun. Nang suotin niya iyon, bumagay ang bracelet sa maputi niyang balat. Kabati ng bracelet ay isang maliit na envelop nanaman.

Isuot mo ang bracelcet saka magtungo ka sa dalampasigan. You'll find a bottle there with your next clue on where to find your surprise. Happy hunting. – Iuhence V.

Naiiling na nagtungo siya sa dalampasigan. Hindi niya alam kung bakit sinusunod niya ang pinagsasasabi ng lalaking 'to pero nag-i-enjoy siya sa ginagawa at excited siyang malaman kung ano ba ang surpresa nito para sa kanya.

Nang makakita ng bote, mabilis na tumakbo siya palapit doon at pinulot iyon. There was a letter inside the bottle. Beside it was a small white velvet box. Una niyang binigyan ng atensiyon ang bote at inilabas ang maliit na sulat na naroon.

'Mhelanie, go to the forest. Nakikita mo 'yong malaking puno ng narra malapit sa bahay? The trail starts there. Trust m, it's going to be worth it. Dahan-dahan lang baka makatapak ka ng ahas. Haha. Just kidding. Walang ahas sa islang ito. Pina-cleaning ko na ang buong isla. By the way, before you do what I said, open the velvet box and put it on your bracelet. – Iuhence V.

Binuksan niya ang puting velvet box at may nakitang bracelet pendant. It was shaped into five letters. So small. So cute. The word was: PARTY. At mayroon ding nakasulat na salitang 'WILL' sa likod ng cover ng velvet box.

Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin no'n kaya naman ikinabit niya ang pendant sa bracelet na suot saka patakbong naglakad patungo sa narra tree na tinutukoy nito. Pagdating doon, may nakita na naman siyang envelop at kulay red na velvet box. Magkatabi ang dalawa. Kaagad niyang binasa ang sulat na laman ng envelop.

POSSESSIVE 2: Iuhence VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon