CHAPTER 2

2.5M 50.4K 15.5K
                                    

CHAPTER 2

I HATE WEDDING. Iyon ang nasa isip ni Iuhence habang nakatayo sa harap ng altar sa tabi ni Train, pero wala siyang choice dahil siya ang best man ni Train. Kung puwede nga lang na hindi umatend ay hindi siya a-attend.

Bumuga siya ng malalim saka bumaling sa katabi.

Mahina siyang napatawa ng makita ang itsura ni Train. He looked like a man who was suffering from diarrhea. Sobrang lukot na lukot ang mukha nito at kahit pa siguro si Leonardo Da Vinci ay hindi kayang ipinta ang mukha nito.

"Chill, man," aniya na natatawa. "Look alive, bud. You look like a dead man walking."

Pinukol siya nito ng masamang tingin. "Fuck off, Iuhence. I'm not in the mood today."

Ngumisi siya. "Hindi ko puwedeng gawin iyon. I am your best man after all."

Train puffed an annoyed sigh. "Ipaalala mo nga ulit sakin kung bakit ikaw ang best man ko?"

"Kasi gwapo ako at gusto mong sakin nakatingin ang bride mo kaysa sayo." Nakangising sagot niya.

Umiling-iling ito at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Sana nga ikaw nalang ang nasa posisyon ko ngayon."

Gumuhit ang pagkadisguto sa mukha niya. "Pare, kaya kung gawin lahat para sayo. I can even give you the moon and the sun, but not to be you right now. Mag-isa ka sa kamiserablihan mo. Mandadamay ka pa e."

Humarap sa kanya si Train. Walang buhay ang mukha nito. "Diba kaibigan naman kita?"

"Yeah," nag-aalangang aniya.

"Then take me away from here." Napaka-seryuso ng boses nito.

"Dude, you are so dramatic. Man up. Nasa altar ka na e. At saka, maghunusdili ka naman Train. Sisirain mo ang puri ko kapag itinakbo kita rito."

Pinukol siya ng masamang tingin ni Train at akmang sisinghalan siya ng biglang tumunog ang death march—este, wedding song pala.

Tinapik niya ang balikat ng kaibigan saka umayos siya ng tayo. "Good luck, man. You're going to need lots of it."



RECEPTION was boring as hell. Parang mga-stick ang ikinasal at ilang na ilang ang dalawa. Gustong pagtawanan ni Iuhence si Train. Halata ang pagka-disgusto sa mukha nito. Ang tanging masaya lang yata sa kasal na iyon ay ang mga magulang ng ikinasal.

Itinaas niya ang kamay para kuhanin ang atensiyon ng waiter. Agad naman itong lumapit sa kanya. Napatingin siya sa hawak nitong tray na may lamang isang kopita ng vodka.

"Do you speak English?" Tanong niya sa waiter.

Tumango ang lalaki. "Slight. Not fluent."

"That's good enough." Kinuha niya ang isang kopita ng vodka sa tray. "Can you get me a bottle of vodka please? I don't think this—" Itinaas niya ang kamay na may hawak sa kopita na may lamang Vodka. "—can sate my thirst."

Napatingin ang waiter sa hawak niyang kopita ng vodka. "Sir, that vodka you are holding is already owned by someone. I was about to give it to her when you called my attention. I am sorry, sir. I will get you another one."

Tumaas ang kilay niya. "She?"

"Yes, sir." May itinuro ito sa likod niya. "That's her."

Magkasalubong ang nuo niyang tiningnan ang babaeng tinuro nito.

Parang tinamaan siya ng kidlat ng makilala ang babaeng tinuro ng waiter. Hindi na kulay abu ang buhok nito pero hinding-hindi siya magkakamali na ito ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Imposibleng makalimutan niya ang maganda nitong mukha na palaging laman ng mga panaginip niya mula ng mawala ito.

POSSESSIVE 2: Iuhence VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon