CHAPTER 9

2.3M 43.7K 4.9K
                                    

CHAPTER 9

NANG matapos silang maghapunan, kaagad na nag-aya si Mhel na maligo. Excited na siyang lumangoy sa dagat. Ang tagal na rin mula ng huli siyang lumangoy at mag-floating kaya naman excited siyang lumusong sa tubig.

Kinalkal ni Mhel ang travelling bag kung saan naroon ang mga damit niya. Dito lahat inilagay ni Iuhence ang mga damit niya sa apartment ng kidnapin siya nito. Sana naman nadala nito ang swimsuit niya.

Unfortunately, tanging ang kulay itim lang niyang bikini ang nasa bag niya.

Haixt!

Dahil wala siyang ibang pagpipilian, isinuot niya ang itim na bikini at pinatungan iyon ng roba. Pagkatapos ay nagtungo siya sa dalampasigan kung saan naroon na si Iuhence at hinihintay siya. Napatigil sa paglalakad si Mhel at napalunok ng makita si Iuhence na halos wala nang suot. Tanging ang swimming trunks lang na suot nito ang tanging saplot sa katawan. He was standing by the shore with all his glory and she couldn't help but to appreciate that glory of his.

Napakaguwapo at napakakisig talaga nito. Hindi kataka-taka na ang puso niya ay palaging bumibilis ang tibok kapag malapit ito.

Pinalakas niya ang kaniyang loob at hinubad ang roba na suot saka lumapit sa binata na nakatayo at nakaharap sa karagatan.

"Hey," aniya ng makalapit sa binata.

Humarap ito sa kanya at pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa pagkatapos ay sumipol ito. "Damn, woman, are you trying to seduce me?" May pilyong ngiti ito sa mga labi.

Tumingin siya sa suot niyang bikini at namula. "H-Hindi. That's not what I'm planning—I just want to swim and—"

"Relax." Tumawa ito. "Binibiro lang kita." Hinaplos nito ang pisngi niyang namumula. "By the way, you're so beautiful when you blush."

Mas lalong namula ang pisngi niya sa papuri nito. Napakalakas ng tibok ng puso niya at para siyang kinakapos ng hininga habang nakatitig sa berde nitong mga mata.

"S-Salamat," aniya na pinilit ang bibig ng magsalita.

Gumuhit ang malapad na ngiti nito sa mga labi at iminuwestra ang kamay sa dagat. "Come on. Let's swim."

"Sige," excited niyang tugon.

Nawala ang excitement sa mukha niya ng lumapit sa kanya si Iuhence at walang sabi-sabing binuhat siya—bridal style! Napatili siya pero agad din naman iyong napalitan ng matinis na tawa ng maglakad ang binata patungo sa dagat at naramdaman na sumayad ang likod niya sa tubig.

"Ang lamig!" Tili niya at mas nangunyapit sa leeg ni Iuhence at sinusubukang takasanan ang lamig ng tubig. "Iuhence!"

Tumawa lang ito at naglakad patungo sa malalim na parte. Kahit anong gawin niyang pangungunyapit sa leeg ng binata, nilamon pa rin ng tubig ang likod niya hanggang sa inilapag siya ni Iuhence.

"Ang lamig." Nanginig ang katawan niya at nagsitaasan ang balahibo niya.

Her feet touched the sand below the water. Napapikit si Mhel habang ninanamnam ang malamig na tubig na bumabalot sa kalahati ng katawan niya.

"Malamig pa ba?" Tanong ni Iuhence kapagkuwan.

"Hindi na masyado," sagot niya.

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at nag-umpisang lumangoy.

"Huwag kang masyadong lumayo," paalala sa kanya ni Iuhence habang lumalangoy siya.

Tumigil siya sa paglangoy at humarap dito. "Hindi ka lalangoy?"

POSSESSIVE 2: Iuhence VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon