CHAPTER 8

2.1M 42.7K 10.7K
                                    

CHAPTER 8

Abala si Mhel sa paglalagay ng band-aid sa mga maliliit na giwa sa kamay ni Iuhence ng tumunog ang cellphone nito. Nagkatinginan sila ng binata kapagkuwan ay tumingin silang dalawa sa cell phone nito na nasa ibabaw ng lamesa.

"Pakisagot," Ani Iuhence. "Ako nalang ang maglalagay ng band-aid sa kamay ko."

Kaagad naman niyang ginawa ang sinabi nito.

Hindi pa siya nakakapagsalita ng sagutin ang tawag ng biglang may nagsalita sa kabilang linya. Boses iyon ng isang babae at kaagad na kinain ang selos ang puso niya.

"Sir Iuhence? Nandito po si Ma'am Honeydew sa opisina. She is demanding to know where you are. Gusto niyang malaman ang personal number niyo at kung kailan niyo daw siya balak tawagan kasi magtatatlong buwan na raw na hindi niyo siya tinatawagan. Nagwawala na po siya rito sa office. Gusto niya po talaga kayong makausap. Ano po ang gagawin ko?"

Napatitig siya sa binata na abala sa paglalagay ng band-aid. Wala itong pakialam sa paligid. Nararamdaman niyang parang kumirot ang puso niya at nakaramdam siya ng sakit sa narinig.

Honeydew? Iyon ba ang kasintahan nito? O, babaeng parausan nito? Whichever of the two, kumirot pa rin ang puso niya sa sakit.

Inilapag niya ang cell phone sa harapan ni Iuhence. "Sekretarya mo yata 'yan. Hinahanap ka raw ni Honeydew." Pagkasabi niyon ay umalis siya at iniwan ito sa teresa.

Pumasok siya sa kaniyang silid. Gustong-gusto niyang kutosan ang sarili. Sabi nang masasaktan lang siya, e. Bakit ba ang tigas ng ulo ng puso niya. Letse! Sabi ng masasaktan lang ako e! Bwesit!

Huminga siya ng malalim at pinakalma ang puso na bahagyang nasasaktan. Dapat niyang tanggapin ang sakit na lumulukob sa puso niya. Pain was good. Dahil sa sakit, makakalimutan niya ang kakaibang nararamdaman para kay Iuhence. Dapat ng patayin kung ano man ang nararamdaman niya para sa binata.

MHELANIE was bored to death. Isang araw na siyang hindi lumalabas sa silid niya. Nagugutom na siya pero hindi siya lalabas. Hinding-hindi! Naiirita siya sa pagmumukha ng lalaking 'yon! Ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Iuhence.

Doon siya kay Honeydew! Buwesit! Letse! Peste! Argh!

Nagpupuyos siya sa galit habang inaalala ang sinabi ng sekretarya nito. Hindi pa rin mawala ang galit niya. Sa tuwing naalala niya ang pangalang honeydew e gusto niyang pag-umpugin ang ulo ng dalawa.

Ano kaya ang pinag-usapan ni Iuhence at ng Honeydew na 'yon? Nag-uumpisa na naman siyang mairita. Baka nagkabalikan na ang dalawa at kasama na nito Iuhence dahil mula kaninang umaga, hindi na kumatok sa pinto ng silid niya ang binata.

Hmp! She was pretty sure that they were ucking each other face off!

Hinay-hinay lang, Mhel. Huwag masyadong magselos. Ani ng isang parte ng isip niya.

She froze at that. Selos?

Selos?

Selos?

Selos?

Teka, bakit naman siya magseselos? Bakit naman siya magseselos sa babaeng 'yon e sigurado namang mas maganda siya sa babaeng 'yon! Hmp! Buwesit na babae!

Akmang tatayo siya at kakastiguhing muli ang babaeng nagngangalang Honeydew sa isip niya ng makarinig siya ng pagkaskas ng gitara mula sa labas ng silid niya.

Kapagkuwan ay may baritonong boses na nag-umpisang kumanta.

Binuksan niya ang pinto ng silid niya at bumulaga sa kanya si Iuhence na tumutugtog ng gitara. He was downright gorgeous as he strummed his guitar and sang. Hindi niya maiiwas ang mga mata sa binata na nakangiti sa kanya habang kumakanta.

POSSESSIVE 2: Iuhence VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon