CHAPTER 17

1.7M 35.9K 7.8K
                                    

CHAPTER 17

HABANG nasa eroplanong patungong Canada, abot-abot ang kaba ni Mhel. Pagkalipas ng walong taon, saka lang siya babalik sa bansang kinalimutan na niya. Hindi lang iyon ang ikinakakaba niya. She was worried of her mother. Kailangan niyang makita kung ano ang lagay nito at saka lang siya mapapanatag.

Sa loob ng walong taon, palagi niyang itinatatak sa isip niya na maayos ang lagay ng mga magulang niya. Kaya naman kahit papaano ay panatag ang kalooban niya. Pero ngayong nalaman niya na nasa Hospital ang ina niya, puno ng pag-aalala at pagsisisi ang puso at isip niya.

Tama nga ang kasabihang palaging nasa huli ang pagsisisi.

Kahit minsan ay nagtatampo siya at nagagalit sa mommy at daddy niya, mga magulang pa rin niya ito at mahal na mahal niya ang mga ito.

Ayaw niyang isipin na iniwan niya ang lalaking pinakamamahal para makita ang mga magulang.

Yes, she left Iuhence.

She left him while he was sleeping peacefully on their bed. Tinulungan siya ni Raine kaya nasa eroplano na siya ngayon. Raine lent her money and she pulled some of Tyron's connection in the embassy para magawan kaagad siya ng Passport para makaalis kaagad siya.

Naninikip ang dibdib ni Mhel habang iniisip niya si Iuhence. Ano kaya ang magiging-reaksiyon ni Iuhence kapag nalaman nitong umalis siya ng walang paalam? She left a note saying, 'I'm sorry, but I have to go.' Iyon lang ang mensahe na iniwan niya para sa binata.

Babalik din naman siya. Soon, Iuhence. Babalikan kita. Pangako niya.

Nang lumapag ang eroplanong sinasakyan, isa siya sa mga pasahero na nagmamadaling lumabas. Halos tumakbo siya patungo sa exit.

When she exited the airport, Mhel quickly called a cab at nagpahatid sa bahay nila. Nang makarating siya roon, parang nakakita ng mga multo ang mga katulong nila ng pagbuksan siya ng mga ito ng pinto.

"Miss Mhelanie?" Paanas na wika ng mayordoma ng bahay ng makita siya. Halata sa mukha nito ang gulat.

Nginitian niya si Nanny Mercy. "It's me, Nanny Mercy. Nasaan si Mommy at Daddy? Saang Hospital dinala si mommy?" Aniya sa tagalog dahil Filipino si Nanny Mercy at nakakaintindi ito ng wikang Filipino.

"Nasa Victoria General Hospital," sagot nito. "Paano mo nalaman?"

"A friend told me." Valerian was definitely not a friend. "Ayos lang po ba si Mommy?"

"See for yourself, hija."

Napakagat labi siya at naramdaman may nahulog na isang butil ng luha mula sa mga mata niya.

Tinuyo ni Nanny Mercy ang luha niya. "Ipapahanda ko na ang sasakyan para ihatid ka sa Hospital. Nadoon din ang Daddy mo."

"Salamat ho," mahinang wika niya.

NANG MAKARATING sa Hospital kung saan dinala ang Mommy niya, iginiya siya ng Family driver nila na si Mang Michael patungo sa silid ng ina. Isa rin itong Filipino kaya nakakaintindi rin ito ng Tagalog.

"Iyon po ang silid ni Ma'am," ani Mang Michael sabay turo sa kuwarto na nasa harapan nila. "Pumasok nalang po kayo, Miss Mhelanie. Hihintayin ko nalang po kayo sa parking lot."

"Salamat ho." May tipid na ngiti sa mga labi niya pagkatapos ay binuksan ang pintuan at pumasok sa loob.

Tumambad sa kanya ang nakahiga niyang ina sa Hospital bed at ang ama naman niya ang nakayopyop ang ulo sa gilid ng kama habang hawak ang kamay ng mommy niya.

Kinagat niya ang labi para pigilan ang luhang nagbabadyang mahulog mula sa mga mata niya. Sa walong taon na nawala siya, bahagya lang ang itinanda ng ina niya.

POSSESSIVE 2: Iuhence VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon