CHAPTER 21

1.8M 40.9K 13.9K
                                    

CHAPTER 21

GULAT na gulat si Mhel ng makita si Iuhence na pumasok sa silid na pansamatala niyang inuukupa sa palasyo na pag-aari ni Knight. Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ang lalaking tinitibok ng puso niya.

"Anong ginagawa mo rito?"

"I miss you and I can't lose you," wika nito saka naglakad palapit sa kaniya at sinapo ang mukha niya.

"Iuhence..." tinitigan niya ito sa mga mata. "Iyon lang ba talaga ang rason kung bakit ka narito?" Gusto niyang marinig na sabihin nitong mahal siya nito. "Sagutin mo ako Iuhence, bakit ka nga ba narito? Napakalayo mo sa Pilipinas."

"I love you. That's why I'm here." Huminga ito ng malalim saka hinapolos ang pisngi niya. "Hindi ko alam kung anong nangyari sakin. Ever since I met you, I was thrown into a pit of strange emotions. Ayos lang 'yon noon kasi umalis ka. Pero nang makita kita ulit pagkalipas ng walong naroon, those strange emotions are still there. It resurfaced. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga emosyong nararamdaman ko. Every emotion is new to me. You awakened my sleeping heart and taught the beast I called heart to beat and live for you.

"Marami na akong babaeng na nasaktan. Maraming babae na ang hindi ko binigyan ng halaga. I discarded them like trash. Akala ko nga noon wala akong puso. I thought that the only things I knew in life are business and pleasure. When I thought of women, I thought of sex. But now, when I thought of you, I thought of how my world will crumble if you discard me like what I did to other women before you. Natakot ako sa isiping nasa mga kamay ng isang tao ang kaligayahan at kalungkutan ko. Natatakot ako na nakadipende sayo ang kasayahan ko. Just the thought of letting you go was enough to suffocate the beast inside my ribcage."

Nanubig ang mga mata niya sa sobrang kasiyahan sa narinig. "Iuhence..."

"Mhelanie, from the moment I laid my eyes on you in the airport eight years ago, you stole my heart in that very moment. Ikaw ang kauna-unang babae na nagpatibok sa puso ko na akala ko ay bato. Nang makita kita, nag-iba ang lahat. I used to laugh at my good friend, Tyron, because he is a lovesick fool when he fell for Raine pero mas malala pala ang magiging sakit ko sa pag-ibig. Nuong unang may nangyari sa atin, right there and then, I knew, you are the one for me. You managed to awaken my cold slumbering heart. You stirred my heart alive. When I woke up in the morning, wala ka na."

Mapakla itong ngumiti. "Hinanap kita, alam mo ba 'yon? Pinasuyod ko ang buong Pilipinas mahanap ka lang. Pero pagkalipas ng tatlong taon na paghahanap sayo, wala akong nakita. I stopped looking for you, but I never gave up that someday, if God, destiny and fate permit, magkikita rin tayo. At nangyari nga. Nang makita kita ulit, tumigil ang pag-inog ng mundo ko. Wala akong nasa isip kundi ikulong ka sa mga bisig ko para hindi mo na ako iwan ulit. Dahil alam ko, mas magiging masakit kung iiwan mo ako sa ikalawang pagkakataon."

"So, I blackmailed you, romanced you, hell, I even kidnapped you. Even if I have to be the devil himself, I will, just so I can have you. Ayoko lang na makatakas ka na naman muli. At nuong nasa isla tayo, nuong galit na galit ka sakin, gumawa ako ng plano. And that plan is to make you fall for me. Sa ginawa ko, ako yata ang napa-ibig mo ng sobra-sobra. Mas lumalim pa ang nararamdaman ko para sayo. Mas nagulo ang sistema ko. Nuong nasa Russia tayo, right there, I was falling for you already. Pero nuong nagtagal tayo sa isla, I wasn't falling anymore. I already had fallen for you, Mhelanie. I fell hard and fast. I was so scared that you are not there to catch me."

"Natakot ako kaya hindi ko masabi sayo na mahal kita. Ang ginawa ko, pinaramdam ko nalang kung gaano kita kamahal. When we went back to Manila, handa na ako. Handa na akong magtapat. Bahala na si Iron Man sa'kin. Pero umalis ka na naman habang tulog ako. Alam mo ba ang takot na naramdaman ko ng magising ako at wala ka sa tabi ko. I know, it was selfish of me not tell you abut your mother's condition and I'm sorry for that, pero masisisi mo ba ang puso ko na natatakot na iwan mo kapag nalaman mo?

POSSESSIVE 2: Iuhence VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon