CHAPTER 1

2.6M 49.1K 9.3K
                                    

CHAPTER 1

LONELINESS was inevitable, especially when someone was alone. At iyon ang nararamdaman ni Mhel habang mag-isa siyang nagkakapae sa isang coffee shop sa Russia. It was Sunday. It was boring. I wish I could go back home.

She was now twenty-nine years old. Eight years had passed already.

There was never a day that she didn't remember her father and mother. Palagi niyang naaalala ang mga magulang niya. Kumusta na kaya ang mga ito? Gustong-gusto na niyang umuwi at balikan ang buhay niya noon pero natatakot siya na baka kontrolin na naman siya ng ama niya.

Ayaw na niyang bumalik sa buhay na lahat ng galaw niya ay kontrolado ng kaniyang ama. Pati ang personal niyang buhay ay pinapakialaman nito. Ayaw na niyang maulit na wala siyang boses para magdesisyon sa gusto niya. Masyadong strikto ang daddy niya. Walang boyfriend at walang manliligaw. Bawal iyon sa kaniya habang nag-aaral siya. He was preserving her for a better man he said. Halos lahat yata ng sulok sa paaralang pinapasukan ay may mata ang ama niya at mabilis na nagsusumbong ang mga ito kapag may ginagawa siyang labag sa kagustuhan ng ama, katulad nalang ang makipag-usap sa mga lalaking napupusuan niya noon. Wala siyang kalayaan. Isa lang ang tanging kaibigan niya na hinayaan ng mga magulang niya na makasama niya at si Raine iyon.

She already tasted what freedom felt like and it was amazing. She didn't want anyone stealing away her beloved freedom.

Walong taon na rin siyang nakatira rito sa Moscow. Nuong una, natakot siyang mag-isa. She had never been alone all her life. Palaging nariyan ang mga magulang niya para sa kanya pero sa nakalipas na walong-taon, mag-isa niyang hinarap ang buhay. Kahit nakakatakot, para sa kalayaan niya, kaya niyang gawin ang lahat.

Hindi niya kinaya ng malaman niya noo na ipapakasal siya ng ama niya kay Iuhence Vergara kaya naman tumakbo siya at nagtago sa Russia. Ang tanging bansa na hindi i-che-check ng ama niya sa kadahilanang hindi nito aakalain na pupunta siya roon. It was very far away. Nahirapan siyang makapasok sa nasabing bansa kasi kailangan ng mga papeles. Dahil wala siyang mga papeles at saka wala siyang sapat na pera para kumuha ng visa para makapasok sa Russia, kinailangan pa niyang tumigil muna sa Belarus bilang tourist, wala kasi iyon boarder patungong Russia. At mula sa Minsk, Belarus, may truck na nagpasakay sa kaniya patungong Moscow kapalit ng pera na pang-gasolina ng mga ito.

Yes, she was an illegal immigrant. Sa walong taong pananatili niya sa Russia, wala pang police na nakasalubong siya na hinanapan siya ng passport o visa. Pinagpasalamat niya iyon sa Diyos dahil alam niyang makukulong siya kapag nalaman ng mga ito kaya naman naging maingat siya sa lahat ng bagay na ginagawa niya sa Moscow.

"Hello, beautiful lady. Can I sit with you?" Pukaw sa kaniya ng isang baritonong boses.

Tumayo siya at hinarapan ang lalaki. "You can have my table, sir," aniya sa lengguwahing Russian at naglakad palabas ng coffee shop.

Sa walong taon na narito siya sa Russia, natutunan niya magsalita sa lengguwahe ng mga ito pero hindi siya gaanong kagaling. Sa walong taon na mag-isa siyang naninirahan dito, wala pa siyang lalaki na pinapasok sa buhay niya.

She was afraid to welcome a man in her life for a reason that he might steal her freedom away from her.

Habang naglalakad siya patungo sa apartment niya, tumunog ang cell phone niya.

Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng suot ng pantalon saka sinagot ang tawag.

"Hello? Mhel Lorenzo, speaking," aniya sa kabilang linya.

Nang umapak ang mga paa niya sa Moscow, iniba na niya ang kaniyang apelyido. Ginamit niya ang apelyido ng ina niya ng dalaga pa ito na Lorenzo.

"Mhel, hello," said a woman with a heavy English accent on the other line. "I know it's your day off, but I have a favor to ask."

POSSESSIVE 2: Iuhence VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon