CHAPTER 15

1.9M 40.2K 9K
                                    

CHAPTER 15

NANG MAKAPASOK si Mhel sa loob ng penthouse ni Iuhence, naalala niya ang bahay nila sa Canada. Malaki rin iyon at maganda. Just like this penthouse. Parang napaka-sarap tumira doon ulit. But, unlike Iuhence's penthouse, hindi niya matatawag na bahay ang bahay ng mga magulang niya kundi isang hawla na nagkukulong sa kanya.

But that wasall in the past now that she was with the man she should have married eight years ago. Ang pinagkaiba lang ay hindi niya ito tatakbuhan tulad ng ginawa niya noon. At malaki ang posibilidad na baka ito pa ang tumakbo palayo sa kanya.

Iuhence Vergara now owned her heart, body and mind. Hindi niya alam kung paano nangyari iyon basta nagising nalang siya na mahal na niya ito. She wanted to deny the fact that she loved him, but she couldn't. Kahit anong deny ang gawin niya, ito pa rin ang itinitibok ng puso niya.

Iuhence Vergara didn't just kidnap her, he also kidnapped her heart and locked it away in the place where she couldn't take it back anymore. Gusto niyang labanan ang nararamdaman pero kahit anong pigil niya sa pagmamahal niya sa binata, lumalabas pa rin. Every time he touched her felt like heaven. Every kiss felt like a sweet delight that needed to be savor. And when she looked into his emerald eyes, she could see her future in them. And this scared her. Pero mas nangingibabaw ang pagmamahal niya sa binata kaysa sa takot na lumulukob sa puso niya. Before, mas importunate ang kalayaan niya pero ngayon wala na siyang pakialam sa kalayaan niya. Buong puso niyang ipagkakaloob ang sarili kay Iuhence. He could cage her in his heart and he would not hear any violent reaction from her.

Gusto niyang isigaw sa buong mundo na mahal niya ito. Gusto niyang malaman ng buong mundo na pag-aari niya ang binata pero hindi naman niya puwedeng gawin ang mga bagay na 'yon. Una, hindi niya alam kung pareho sila ng nararamdaman. Duwag na kung duwag pero mas mabuti nang hindi niya malaman ang nararamdaman nito para sa kanya kaysa harapan siya nitong i-reject at sabihing wala itong nararamdaman para sa kanya. Pangalawa, hindi niya pagmamay-ari ang binata. Wala siyang karapatan dito. That thought hurt her so much.

"Tatayo ka nalang ba riyan?" Pukaw ng boses ni Iuhence sa pag-iisip niya.

Napakurap-kurap siya at bumalik sa kasalukuyan. "Anong sabi mo?"

Kinunotan siya nito ng nuo. "Okay ka lang? Kanina pa ako salita ng salita, hindi ka naman pala nakikinig." May pagtatampo sa boses nito.

She gave him an apologetic smile. "Pasensiya ka na. May naisip lang ako. Ano ba ang sinasabi mo kanina?"

"Wala," anito at isinara ang pinto ng penthouse. "It was nothing." Kinuha nito ang bag na dala niya. "Ako na. Ilalagay ko sa kuwarto natin."

Kumunot ang nuo niya sa tinuran nito at nakita iyon ni Iuhence.

"Ayaw mo akong makasama sa iisang kuwarto?" Tanong nito habang madilim ang mukha. "Magsabi ka lang, hindi naman kita pipilitin." Halata sa mukha nito ang pinipigilang pagtatampo sa kanya.

"Okay lang naman sa akin na makasama ka sa iisang kuwarto." Nagulat lang siya na gusto pa rin siyang makasama nito sa iisang kuwarto. Makakaasa ba siya na hindi ito magbabago? "Nagulat lang ako."

Does he still want me? Sana nga...

"Come on. I'll show you our room," anito at inilahad ang kamay nito.

Nang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan, lumapit sa kanya ang binata at sinapo ang mukha niya at matiim na tumitig sa mga mata niya.

"May problema ba, Mhelanie?" Tanong nito habang hinahaplos ang pisngi niya. "Mula ng umalis tayo sa isla, parang wala ka sa mood. You are here with me, but you seem so far away. Ayaw mo ba akong makasama? Is it me? I'm sorry but I can't let you go so you're stuck with me."

POSSESSIVE 2: Iuhence VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon