CHAPTER 18

1.6M 35.3K 11.7K
                                    

CHAPTER 18

UMAGANG-UMAGA pero masama na amg mood ni Iuhence. Habang naglalakad papasok sa opisina niya, nakatiim-bagang siya at magkasalubong ang mga kilay. Madilim ang mukha niya at parang lalapain ang sino man na humarang sa dinaraanan niya. Ang mga empleyado niya ay naiilang na mag-good morning sa kanya.

Wala namang good sa morning ko.

Even his secretary didn't great him a good morning. Alam na alam ni Heather kung gaano siya ka-bad mood dahil araw-araw siya nitong nasisigawan. Thankfully, hindi pa ito nagre-resign.

Nang makapasok sa opisina niya, kaagad niyang binigyan pansin ang kabundok na papeles na nasa ibabaw ng mesa niya. Pero tulad ng nangyari kahapon at sa mga nakaraang araw, wala siyang napermahan ni isa sa mga ito. Tinitigan lang niya 'yon hanggang sa mukha na ni Mhelanie ang nakikita niya.

Palagi nalang itong laman ng isip niya. Umaga man o gabi, palagi itong nasa isip niya. At ang mas nagpapa-irita sa kaniya kapag naaalala niya ito ay hindi man lang ito nagpaalam sa kanya ng personal! Nag-iwan lang ito ng sulat! Hahayaan naman niya itong umuwi. Ihahatid pa niya ito at sasamahan.

At nang tumawag siya sa bahay ng mga Tschauder sa Canada, palaging katulong ang sumasagot at ang famous word ng mga ito ay 'Miss Mhelanie is busy'.

Couldn't Mhelanie spare even one minute of her time?! Wala ba talaga siyang halaga rito?

Mhelanie didn't even give any hint in her letter kung babalik ba ito o kung hindi na. Umalis ito ng walang paalam. Dapat matuto itong bumalik ng kusa. Kahit gustong-gusto niyang sundan ito sa Canada, pinipigilan siya ng pagtatampo niya sa dalaga.

He couldn't function well because of her! Kasalanan ni Mhelanie kung bakit malapit na siyang mabaliw. Kaunti nalang, mawawala na sa tamang huwisyo ang utak niya.

"Get out of my office!" Galit na sigaw niya ng marinig na bumukas ang pinto ng opisina at may narinig na yabag ng paa.

"May nasagap akong tsismis." Boses iyon ni Tyron. "Gusto mo bang marinig?"

Nitong mga nakaraang araw, panay ang bisita ni Tyron sa kanya rito sa opisina. Wala naman itong ginagawa kundi ang inisin at asarin siya.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga at nagtaas ng tingin. "Anong kailangan mo? I'm not in a good mood today, Ty. Baka talagang masuntok kita kapag nagalit ako sa kung ano man iyang tsismis na dala mo."

Hindi manlang natinag ang lalaki at umupo sa visitor's chair na nasa harap ng mesa niya. Ngumisi ito sa kanya.

"Gusto mo bang marinig ang balita?" Excited ang boses na wika ni Tyron. "You will really like this one. And anyway, huwag kang magalit sa presensiya ko. Dapat nga magpasalamat sa akin."

Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. "Get out of my office, Zapanta. Wala akong dapat na ipagpasalamat sa'yo."

"Of course, mayroon," wika nito na may bahid na ngiti ang boses. "Ako lang naman ang mabuti mong kaibigan na palagi kang dinadalaw para alamin kung malapit ka nang mabaliw. May kilala akong doctor sa mental hospital, puwede kitang ipa-reserve." Binuntutan pa nito ng nakakainsultong tawa ang sinabi. Kapagkuwan ay naging seryuso ang mukha nito. "By the way, you look like shit, man."

He glared at Tyron. Kaibigan niya ito pero sa pagkakataong ito, gusto niyang suntukin ang nakangisi nitong mukha.

"Ano ba ang kailangan mo?" Paasik na tanong niya kay Ty.

Mas lumapad ang pag ngisi ni Tyron. "Ayon sa balita, mukhang hobby mo ng magtanggal ng empleyado."

"Hindi 'yon totoo," pagkakaila niya.

POSSESSIVE 2: Iuhence VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon