CHAPTER 20

1.8M 39.8K 17.3K
                                    

CHAPTER 20

NAKAPIKIT ang mga mata ni Iuhence habang nakasakay siya sa private plane niya na patungong Spain. Kung may patrol plane lang na nagmo-monitor sa bilis ng lipad nila baka kanina pa sila dinakip. Iuhence concluded that Valerian Volkzki was better off as businessman rather than a freaking crazy pilot. Nagtataka siya kung paano ito nagkaroon ng lisensiya para maging isang piloto.

"Kapag namatay ako sa sobrang bilis magpalipad ni Valerian, mumultuhin ko talaga siya," wika ni Dark na mahigpit na nakakapit sa arm rest ng upuan.

Mahinang natawa si Ymar. "Bakit mo naman siya mumultuhin? Para sa dagdag kaalaman, mas naunang namamatay ang piloto kaysa sa pasahero."

Nagkibit balikat si Dark. "I know that. Sinabi ko lang 'yon para may masisi ako habang nabubuhay pa ako."

"Ikaw, Lander, sinong mumultuhin mo?" Tanong ni Calyx sa katabi.

Sumagot si Lander sa bored na boses. "Si Iuhence, kasi siya naman ang dahilan ng lahat ng ito."

Umalma siya. "Anong ako? Kusa kayong sumama."

Mahinang natawa si Calyx saka napailing-iling. "Oo nga pala. Mananahimik na ako." Tumingin ito sa direksiyon niya. "Just pretend that I didn't ask."

Itinirik niya ang mga mata. "Puwede bang huwag kayong maingay? Nag-iisip ako ng magandang gagawin kapag nakarating na tayo sa Spain."

"Oh, huwag daw kayong maingay," saway ni Lander sa mga kaibigan niya na hindi naman nag-iingay. "Nagmo-moment si Vergara. Na-i-isturbo niyo siya."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata na agad din namang iminulat ng marinig ang boses ni Valerian sa speaker box.

"I have good news and bad news for you, my fellow handsome men," ani Valerian sa may speaker box. "The good news is we are already inside the border of Spain. Ang bad news, hindi naka-register ang private plane na ito kaya hindi tayo makakalapag sa kahit na anong airport. At nakatanggap palang ako ng mensahe galing sa air command center nila na kapag hindi tayo umalis kaagad, magpapadala sila ng military jet para pasabugin tayo. So." Valerian sighed dramatically. "Ipagpapatuloy ba natin ang biyahe para sa ngalan ng pag-ibig o babalik tayo para mabuhay pa ng ilang taon?"

"What? No!" Iuhence roared in frustration. "Nandito na tayo e. Wala bang AirJem Airport dito—"

"And no, walang airport ang AirJem Airlines ko rito. Hindi ko feel ang Spain dahil sa pananakop ng mga ito sa Pilipinas kaya hindi ako nagpalagay," dagdag ni Valerian na mas lalong dumagdag sa frustrasyon na nararamdaman niya.

"No, no, no, no! This is not happening right now!" Napatingin siya sa labas ng bintana ng eroplano. "Malapit ng magbukang liwayway. Mag-uumpisa na ang kasal. No. No. No way!" Sinapo niya ang mukha at paulit-paulit na ini-untog ang ulo sa likod ng upuan. "Fuck it! Fuck this! I screwed up!"

Mukhang napagdesiyunan ni Valerian na umalis nalang at bumalik sa Canada dahil naramdaman niya ang pag-ikot ng eroplani pabalik sa Canada. They had wasted seven hours for nothing!

"Fuck!" Sigaw niya at ini-untog ang ulo sa bintana ng eroplano.

The frustration, anger, hopelessness, fear and pain that he was feeling went through his eyes and became tears. Nararamdaman niya ang mainit na likido na dumadaloy sa pisngi niya.

"I can't lose her. Hindi ko kayang mawala si Mhelanie. I can't bear the thought that someone is touching her, kissing her and owning her. Hindi ko kaya." Hinilamos niya ang kamay sa mukha at tumingin sa mga kaibigan niya. "Wala na bang ibang puwedeng daanan? Kahit maglakad ako, gagawin ko, makarating lang ako sa Spain. I have to see Mhelanie. Ngayon ko kailangan ang moral support niyo."

POSSESSIVE 2: Iuhence VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon