CHAPTER 19

1.5M 34.9K 6.6K
                                    

CHAPTER 19

NAPAPITLAG si Mhel ng malakas na isinara ng ama ang pintuan ng bahay nila ng makapasok sila sa loob. Mula ng umalis sila sa clinic ng kilalang OB-GYNE ng daddy niya, hindi na ito nagsalita pa. Nararamdaman niyang sinusubukan nitong pakalmahin ang sarili.

Naririnig niya ang malakas na pagtibok ng puso niya ng marinig niya ang boses ng ama.

"Let's talk, Mhelanie," anang malamig na boses ng ama niya.

Nanlalamig ang kamay na humarap siya sa kanyang ama. "Daddy..."

Napatiim-bagang ito. "Who?"

Napalunok siya. Sasabihin ba niya? Anong gagawin nito kay Iuhence kapag nagkataon? Pinili ng ama niya si Knight kasi mas makapangyarihan ito at mas marami ang pera at koneksiyon. Ngayong hindi mangyayari ang gusto nito dahil sa pagbubuntis niya, anong gagawin nito? Baka pilitin nito si Iuhence na pakasalan siya. Ayaw niyang magpakasal sila ni Iuhence kung wala itong pagmamahal sa kanya.

"I'm asking you for the second time, Mhelanie." The coldness of his father's voice can freeze the whole Canada in summer. "Who is the father of your child?"

Hindi siya makatingin sa matalim na mga mata ng ama niya. Hindi niya kayang makipagtitigan dito.

"Mhelanie!" Her father's voice boomed at every corner of their mansion.

"Dad..."

"Answer me, Mhelanie."

"Daddy—"

"Who is the father, Mhelanie?" Biglang nag-iba ang timbre ng boses nito. Mula sa pagiging malamig ay naging malambot. "Does the father of your child love you? Is he going to marry you?"

"Hindi ko alam," pabulong na sabi niya pero alam niyang narinig nito iyon. "Hindi ko alam kong mahal niya ako. Wala siyang sinasabi pero nararamdaman ko naman na mahal niya ako. And he is a good man, daddy. Pananagutan niya ang pagbubuntis ko." Sana nga tama ang iniisip niya.

"If he loves you like you claimed, why is he not here?" Naglakad palapit sa kaniya ang ama at tumigil sa harapan niya. "Who is he?"

Hinaplos niya ang kaniyang tiyan. "Kilala mo po siya, daddy. Kilalang-kilala."

Mas lalong kumunot ang nuo ng ama niya. "Who?"

"Siya ang nakahanap at nakakita sakin sa Russia. Tapos kinidnap po niya ako at dinala sa isla niya sa Pilipinas. Those weeks with him in his island, 'yon yung mga pinakamasasayang araw sa buhay ko. Nuong una, galit na galit ako sa kanya. Pero nuong lumaon na nakasama ko siya, nagbago ang lahat. Mahal na mahal ko siya, daddy"

"The name, Mhelanie." His father said. "Who is he?"

"Hindi mo kailangang malaman ang pangalan niya, daddy. Hindi ko sasabihin. Alam kong sasaktan mo siya o kaya naman pipilitin mo siyang pakasalan ako. Hindi ko kayo hahayaang gawin iyon." Matapang na sinalubong niya ang mga mata ng ama. "Mahal na mahal ko siya at hindi ako papayag na pilitin niyo siyang magpakasal sa akin. Kahit naman hindi kami ikasal, alam kong papanagutan niya ang anak namin."

Nagdilim ang mukha ng ama niya. "You don't even know if he cares for you but still, you love this man?"

"Yes, Dad. I do. I love him."

"For the love of God, Mhelanie! Just tell me who he is!" Singhal nito sa kaniya.

"No." Pagmamatigas niya.

"Mhelanie—"

"Excuse me," anang boses ni Knight mula sa pintuan ng bahay nila.

Sabay silang napatingin doon ng ama niya.

POSSESSIVE 2: Iuhence VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon