CHAPTER 12

2.1M 39.5K 10.3K
                                    

CHAPTER 12

"EARTH to Iuhence!" Sigaw ni Valerian—ang pinsan ni Tyron na may ari ng AirJem Airline and Airport— na ka-skype ni Iuhence. "We're talking about business here, man. Kung wala ka sa mood, magsabi ka lang."

Nasa gitna si Iuhence at Valerian sa isang mahalagang business meeting. Dahil ayaw niyang umalis sa isla, sa skype nalang sila nag-uusap.

Napatingin si Iuhence sa kaniyang laptop. "Sorry. Anong sabi mo?"

Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga at nag-umpisa na namang magpaliwanag. "Pinag-uusapan natin ang AirJem Airlines and Airport na itatayo natin sa Singapore. I am presenting you the report and you are not fucking listening to me."

Malalim siyang napabuntong-hinga. "Sorry, man. Puwede bang i-e-mail mo nalang sakin ang report?"

Bumuga ito ng marahas na buntong-hininga saka hindi makapaniwalang tinitigan siya. "Fuck off, Vergara. Kung kanina mo pa sinabi iyan sana hindi ko na kinansela ang meeting ko with Knight Velazquez."

Napakunot ang nuo. "Knight Velazquez?" Pamilyar sa kaniya ang pangalang 'yon. "Diba isa siyang Spaniard Count? Siya diba yong may-ari ng Bank of Asia, Bank of Spain at Bank of Middle East?" Napangiti siya. "Sobra-sobra na ba ang pera mo at kailangan mo ng mag-bangko. Mukhang pera ka kasi e."

Ngiting aso lang ang tugon sa kanya bago nito i-ni-end call ang Skype.

Naiiling na natawa siya at isinara ang laptop. Pagkatapos ay hinanap niya si Mhelanie. Natagpuan niya ang dalaga sa dalampasigan at nakatingin sa karagatan.

Tumabi siya ng upo rito.

"What is going on in that pretty little head of yours?" Tanong niya.

All his life, wala siyang pakialam sa iniisip ng mga babaeng dumaan sa buhay niya. Pero iba si Mhelanie. He wanted to know everything about her.

Gumuhit ang malungkot na ngiti sa mga labi nito. "Nami-miss ko na si mommy at daddy. I wonder what happened to them." Bumaling ito sa kanya. "Kapag bumalik ako sa kanila, ano kaya ang magiging reaksiyon nila? Magagalit kaya si daddy? Iiyak ba si Mommy kapag nakita ako? Ang daming katanungan sa isip ko na masasagot lang kapag umuwi ako sa amin. Freedom was everything to me, siguro dahil masyadong mahigpit si daddy. When I tasted freedom in Russia, it was the best feeling in the whole world. The very best."

At wala siyang puso dahil ninakaw niya ang kalayaang iyon. He felt so fucking bad. Pero nagawa na niya e. Wala nang magagawa ang pagsisisi niya.

Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil iyon. "Gusto mo ng umuwi? Ihahatid kita."

Naguluhan siya ng umiling ito.

"Ayoko pa," anito. "Gusto pa kitang makasama sa islang 'to."

Npangiti siya sa sinabi nito. "Masaya ka ba na kasama ako?"

Tumango ito. "Yes, I never thought that I could be this happy." She smiled warmly at him. "So, let's stay here for a while."

"Okay," tugon saka inakbayan ang dalaga sa balikat at hinapit palapit sa kaniya.

Nangangako siyang bukas, hindi na niya ito ikukulong sa isla. Mhelanie deserved to be free from this island. Kahit ilang oras lang.

Natigilan sa pag-iisip si Iuhence ng maramdamang may lumapat na malambot na labi sa mga labi niya. Binalingan niya ang katabi na nakangiti sa kanya.

"You kissed me," aniya na may munting ngiti sa mga labi.

Matamis itong ngumiti. "Bakit parang nagulat ka? Mas sobra pa nga roon ang ginawa ko sayo."

POSSESSIVE 2: Iuhence VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon