CHAPTER 4

2.6M 47K 12.5K
                                    

CHAPTER 4

NAPABALIKWAS ng bangon si Mhel at mabilis na pinalibot ang tingin sa kabuonan ng maliit niyang apartment. No Iuhence. Kumalma sa pagtibok ng mabilis ang puso niya. Oh. Thanks God it was just a dream. Nakahinga siya ng maluwag sa isiping panaginip lang pala ang lahat ng nangyari kagabi. Napakurap-kurap siya ng makakita ng nakatuping papel sa night stand.

Pinulot niya ang nakatuping papel saka binasa ang nakasulat do'n.

I'll be back soon, honey. - Iuhence V.

Nabitawan niya ang papel at bumaba ang tingin niya sa katawan niya. Napasinghap siya ng makita na wala siyang saplot. Napahawak siya sa leeg niya at pinakalma ang puso na napakabilis ang tibok.

No! This is not happening!

Mabilis siyang bumangon at tinungo ang maliit na closet para mag-impake. I have to leave. Now! Natigilan siya ng may makitang maliit na folded note sa ibabaw ng mga nakatupi niyang damit.

Kinuha niya ang papel at binasa ang sulat kamay na naroon.

Don't ever think of running away, honey. I can track you down in just a matter of seconds, Miss Mhelanie Lorenzo. - Iuhence V.

Napaawang ang labi niya ng mabasa ang apelyido ng kaniyang ina kakabit ng pangalan niya. No way! Alam na nito na ang ginagamit niyang apelyido ay ang sa ina niya. Mahahanap talaga siya nito kahit saan siya magpunta. Iuhence was one of the richest men in Asia and now competing to be one of the richest bachelors in the U.S. She watched the news and read Business Magazines. Alam niyang marami ang koneksiyon ng binata.

Napahakbang siya palayo sa kaniyang maliit na closet saka umupo sa maliit niyang mesa. Mabilis niyang pinulot at binasa ang maliit na papel na naroon na nakita niya.

'Good girl. Hindi ko hahayaang tumakbo ka na naman. Now, I prepared you breakfast. It's in that small box you called refrigerator. Have a nice day ahead. Susunduin kita mamaya sa Dio Flower Shop pagkatapos ng shift mo. Take care, honey. - Iuhence V.'

Umawang ang mga labi niya. Hindi lang ang ginamit niyang pangalan ang alam nito, pati rin kung saan siya nagta-trabaho. Jesus! Paano iyon nalaman ng lalaking 'yon? Marahas siyang napailing. Bakit ba niya tinatanong iyon? He was Iuhence Vergara, after all. He had lots of connections.

Tumayo siya at binuksan ang refrigerator. Natigilan siya ng makakita ng fried rice, bacon, tuna sandwich and a cup of latte. Did that devil incarnate bought these or did he cook— nah. Sa mukha ng lalaking 'yon? Hindi iyon marunong magluto.

Kinain niya ang biniling agahan ni Iuhence at pumasok na siya sa trabaho na ito pa rin ang nasa isip niya.

"Good morning," bati ni Ayane sa kanya.

Magkasing-edad sila ni Ayane. Ayane was a professional Florist at talagang napakaganda nitong gumawa ng bouquet. Tinuturuan siya nito pero hindi siya kasing galing nito.

"Good morning, too," aniya at tumungo sa likod ng counter.

Siya ang cashier at si Ayane naman ang nag-i-entertain sa mga costumer. Wala kasi siyang alam sa mga bulaklak kaya nagpalit sila ng trabaho ni Ayane. Buti nga tinanggap siya nito bilang trabahante kahit wala siyang alam sa mga bulaklak. Ayane was the nicest person she had a privilege of meeting.

Sa araw na iyon, ang dami nilang costumer. Halos hindi siya maka-upo sa dami ng nagbabayad. And then around lunch, nagpaalam si Ayane na bibili ng pagkain para sa kanilang dalawa. Palaging ganoon ang routine nila sa shop. Palagi siyang naiiwang mag-isa kapag lunch.

She was busy playing soda crush when someone put one stem of rainbow rose on the counter. One stem of that rainbow rose cost an arm and a leg. Hindi kasi normal na rosas ang rainbow rose. It was an artificial rose, made by Ayane. May ininilalagay ito na kung anong bitamina at kimikal sa bulaklak para maging kulay rainbow iyon.

POSSESSIVE 2: Iuhence VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon