Chapter 43- Jessica and Tyler

1.2K 10 4
                                    


Naandito na naman ako sa kwarto, naghihintay para sa araw kung saan ako mawawalan ng hininga, kung saan ako mamamatay.

Pero sa dinami-raming tao na pwedeng makaharap ko ngayon...bakit siya pa?

"JESSICA!!" sabi niya at tumakbo papunta sakin sabay yakap.

Bakit ba parang nabuhayan ako ngayon?? As if parang bumalik ako sa dati...

Dahil sa kanya malamang...

"Wag mo na ako iiwan ulit please???..." rinig ko siyang umiiyak.

Yan tuloy! Pati ako umiiyak na rin! Bwisit ka kasi Tyler eh!

"H-hinding hindi na...." sagot ko at niyakap rin siya ng mahigpit.

TYLER

Naiyak ako dahil naandito na siya...nayakap ko na siya ulit.

At hindi niya na rin ako iiwan....

Humiwalay na ako sa yakap niya at nagusap kami ng sandali.

"Wag ka nang hihiwalay sakin okay?" Sabi ko pero isang malumbay na ngiti ang natanggap ko, as if parang inaantok yung hitsura niya.

"Jessica okay ka lang?" Tanong ko at bago ko pa siya mahawakan nahimatay siya.

Dali dali ko siyang kinarga pababa at pumunta kaming ospital.

----------------------------------------------------

Naghintay lang ako dun sa labas ng kwarto niya, naghihintay kung kailan siya gigising.

Sabi nung doctor, malala na yung sakit niya, kaya di daw dapat siya masstress or kung ano mangmakakapagpagod sa kanya, baka daw sa susunod ay...matuluyan na siya.

"Tyler, gising na siya" sabi yun ni tita at pinapasok na ako sa loob.

Nakatingin siya dun sa may bintana, as if parang may hinahanap siya.

"Jess..." sabi ko at umupo sa tabi niya. Nginitian niya ako at hinawakan ko kamay niya.

"Tyler, gusto ko lumabas..." nanghihina niyang sabi.

"P-pero baka mapagod ka, bawal pa naman yun sayo..." nagaalala kong sinabi.

"Sige na please? For me?" Pilit niya.

Pucha, pano ko ba siya tatanggihan?

"Please?..." tanong niya.

Syet, di ko kaya mag-no!!!!

"Sige na nga! Halika na!" Tinulungan ko siyang makatayo at pinaupo ko siya dun sa wheelchair.

"Punta tayo dun sa garden ha?" Sabi niya at um-oo naman ako.

Actually, bawal tong ginagawa namin, di naman kami nagpaalam sa nurse eh, or kay tita pero ginusto niya to, at least may time kami para sa isa't isa.

Nakarating na kami dun at tinulungan ko siya makaupo dun sa bench.

"Hayy, grabe no? Ang presko sa pakiramdam ng hangin" sabi niya at sumandal sa balikat ko.

"Tyler, pagnawala ako, wag kang gagawa ng kung-anu-ano ha?" Sabi niya habang nakangiti.

"Jess naman eh, wag kang ganyan!" Saway ko sa kanya.

"Seryoso ako, hihintayin kita dun ha, magkikita pa ulit tayo okay??" Sabi niya pa.

Di na lang ako sumagot, ayokong sirain yung peace namin dito.

"Promise mo ha? Hihintayin mo ako?" Tanong ko.

"Promise."

Nanatili kaming tahimik ng ilang sandali tapos nagsalita ako.

"I love you...."

"I love you too Tyler..."

Hinalikan ko siya tapos sumandal na ulit siya sakin.

Mamaya maya nung medyo madilim na, nakatulog siya tapos binuhat ko na lang siya paupo sa may wheel chair at bumalik na kami dun sa kwarto at nagpahinga na rin ako.

----------------------------------------------

Umalis muna ako ng ospital pero bago yun, binigyan ko muna si Jessica ng goodbye kiss :D

Pupunta lang naman ako ng palengke at dadalaw lang sa bahay. Bumili ako ng grapes kasi favorite yun ni Jessica para kumain siya mamaya.

Papunta na ako ng bahay ng biglang tumawag si tita sakin.

"Hello?"

"Tyler!! Pumunta ka na agad dito sa ospital!! Si Jessica!!!"

Di na lang ako sumagot at bumalik sa ospital.

Wag ka muna bibitaw, dadating rin ako, magkikita pa tayo....

---------------------------------------------------------

Eto na ud niyoooo!!! Thank you for reading!!! (And voting too!!! :D)

lovemuchxoxo

Starting Over Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon