Chapter 44- Tyler

1.5K 12 7
                                    


Naabutan ko si tita sa labas ng kwarto kasama yung kapatid ni Jessica. Umiiyak silang dalawa.

Eto na ba yung kinakatakutan ko?

"T-tita bakit po?" Tanong ko.

"Tyler, s-si Jessica..."

"Ano po?" Tanong ko at sumilip dun sa kwarto pero doktor at mga nurse lang ang nakita ko.

Hindi na nakapagsalita si tita. Sumilip ulit ako sa kwarto tapos nakita kong lumabas yung doktor.

"I'm sorry pero, wala na siya....ginawa na po namin ang lahat, pasensya na" sabi niya at umalis.

Di ko napansin na tumutulo na pala yung luha ko.

Itutupad ko naman yung pangako ko, di ako gagawa ng kung anu-ano dito, pramis, di ako magpapakamatay, at least alam kong hinihintay mo ako diyan.

Pinapasok na kami dun sa loob ng kwarto at agad ko niyakap ang walang buhay na si Jessica.

Iyak pa rin ako ng iyak habang yakap siya.

Mamimiss ko to....

Hinalikan ko siya sa labi ng huling beses.

Paalam na, 사랑해....

Starting Over Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon