Chapter 39- Jessica

1.4K 13 3
                                    

Sorry kung matagal ko magud :D

--------------------------------------

Sinimulan ko na ang aking pagiging isang alipin XD

Pero seryoso, ginawa talaga akong alipin nitong si Tyler, ako ba naman ang pinagdala ng mga gamit niya na sobrang bigat! Tapos pinagawa pa sakin yung homework niya! Well, mas mabuti na yun kesa patayin niya ako XD

Sinubukan ko rin kausapin yung gf niya, banas na banas nga ako dun sa babaeng yun! Tinapunan ba naman ako ng iced tea sa centeen kanina! Kasi daw lumalandi ako tapos inaagaw ko daw si Tyler sa kanya! Magkasama lang kami kasi ALIPIN niya ako!! Kaloka! XD

Anyway ilang buwan na rin ang nakalipas tapos ganto pa rin kami. Walang nagbago, feeling ko nga isang malaking panaginip lang to nangyayari.

Ang ending ay, di na nagkabalikan sila Tyler at yung babae, basta! Nakalimutan ko yung pangalan ^-^

Di man sila nagkabalikan, naging kami naman! Charot!!! Haha! Joke lang! Well, close lang kami. Hihihi! Sa tingin ko nga crush ko na to ehh...

"Hoy panget! Ano tinitingnan mo diyan!" Sitsit niya.

"A-ah, e-eh, ah, eh, wala."

"Wala?."-Tyler

"Stargazing!" Sabi ko tapos natawa kami. Alam niyo, kahit alipin niya ako, nakikisama na siya sakin, nakikitawa na rin, naglolokohan kami kaso may mga times lang na talagang sungit niya na nakakabwisit na talaga. Pero nagbabati rin kami later on...

"Oo nga pala, alam mo na ba na pupunta tayong Boracay?..." sabi niya sakin.

"Owss?! Talaga?!" Di ko mapakaniwalang tanong sa kanya.

"Oo bukas na tayo aalis, barkada trip natin to..." sabi niya sakin.

"Sino ba kasama bukas?..." tanong ko. Baka naman konti lang kami, di na ako sasama.

"Marami tayo! Kasama natin sila Edison, Henry, Tiffany, Luna, Krystal, Amber, si Chen at isama mo na rin si Yuri!" oohhh, so mas madami kaming mga babae, pwede na rin, ka-close ko na rin yung mga yun.

"Sige...magkita na lang tayo dito sa park, para malapit lang" sabi ko. Papayagan ako ni mama! Utang niya to sakin kasi di ako nakasama sa kanila nung pumunta sila dun.

"Uhmm sige, uwi na ako gabi na e" paalam ko sa Kanya at umalis.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Bye ma! Aalis na ako! I love you ma!" Sigaw ko mula sa baba. "Ingat ka anak! I love you rin!" Sigaw niya pabalik at lumabas na ako ng bahay. Gulat ako ng may sasakyan dun sa labas ng gate namin. May isang lalaking bumaba sa kotse...

...si RYAN!!!

"Sumama ka na sakin papuntang airport" sabi niya tapos kinuha yung mga dala ko at nilagay sa loob ng sasakyan. Sumakay ako at umalis na kami.

Pagdating namin sa airport, naghintay muna kami para sa ibang kasama namin kaso thirty minutes na ang nakalipas pero wala pa sila.

Nauna na lang kami ni Tyler papuntang Boracay.

-------------------------------------------------

Wow! Ang ganda pala dito sa Boracay

Dumeretso agad kami sa hotel na pagsstayan namin. Habang nagbabayad pa si Ryan, tumawag sakin si Yuri.

"Uy! Nasaan ka na ba? Kakarating lang namin dito!!"

"Hehe...sorry pero di ako makakapunta, kasal kasi ng tita ko eh-ah! Sige bye! Magsisimula na!! Byiee! Enjoy ka diyan!!" Tapos binaba na niya yung phone. Huhu...di na siya dadating :( Okay lang, naandiyan pa naman yung iba kong katropa eh :D

Tinawag ako ni Ryan at umakyat na kami papunta sa room.

Laking gulat ko ng makita ko na ISA LANG yung kama.

"B-bakit isa lang yung kama?" Nauutal kong tanong.

"Tumawag sakin yung iba kanina, di na daw sila matutuloy tapos ito na lang daw yung available na kwarto dito sa hotel kaya eto na lang yung kinuha ko na kwarto, malayo na kasi yung susunod na hotel, isa pa pagod na tayo" minamalas nga naman oh! Ano yun? Tabi kami diyan? Hello?! Ano kayo sinuswrte? XD Sa sahig na lang ako matutulog lol.

"Ahh okay...sa baba na lang ako matutulog ha" sabi ko.

"Wag na! Ako na lang! Solohin mo na yang kama!" Tanggi niya.

"Owwss? Di nga? Ikaw ba talaga yang kausap ko?" Kasi nga ang totoong Tyler, maarte XD

"Oo walang halong biro, diyan ka na matulog" sabi niya tapos nagayos na kami ng gamit.

Naglibot libot kami sa labas, grabe! Sobrang ganda! Kaso nakakapagod rin :) Inabutan na kami ng gabi pero pasyal pa rin kami ng pasyal, sinusulit namin to, maalamang matagal na rin bago pa ako makabalik dito.

Nasa isang sky garden dito sa bora, ang daming mga flowers tapos ang kukulay.

"Uhmm.......Jessica" rinig kong sabi ni Tyler.

"Ano yun?"

"May sasabihin ako sayo..." lumapit siya sakin.

"Ano yun? Ang ganda ng mga bulaklak oh tapos ang ganda rin nung beach, perfect scenery" masyado akong nakatutok sa mga nakikita ko ngayon.

"Gusto kasi kita..." napatigil ako at paulit na nageecho yung sinabi niya sakin.

"Pakiulit, a-ano sabi mo?" Tanong ko.

"Gusto kita! Ano? Pwede ba?" Wow! Ang bilis!

"Haha, ikaw ba talaga yan?" biro ko pa sa kanya. Lumapit siya sakin at hinawakan yung kamay ko.

"Mahal kita, pwede mo rin ba ako mahalin?..."

Hanggang sa palapit ng palapit yung mukha niya sakin, alam ko na kung saan mapupunta to!! Nagsalita na agad ako bago niya pa ako mahalikan.

"Oo, mahal rin kita..." sabi ko at tuluyan na niya nga ako hinalikan.

---------------------------------------
Stop muna dito hehe!

Sorry kung matagal ako magud, pero at least mahaba diba?

Thanks for reading guys! Please vote and comment :D

Lovemuchxoxo

Starting Over Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon