Chapter 42- Tyler

1.1K 14 6
                                    

Hehe sorry ang tagal.

-----------------------------

TYLER

Ilang buwan na rin ang nakalipas pagkatapos kami maghiwalay.

Balita ko nga pumunta na sila sa ibang bansa, siguro nga, di kami nakalaan para sa isa't isa.

Eto naman ako, sunog-baga. Beer at sigarilyo ang lagi kong katapat ngayon.

Minsan na lang rin ako pumapasok, wala eh, ano pa ang silbi magaral kung ang kinabukasan ko ay wala na?

"Ano ba Tyler! Umayos ka nga! Tigil tigilan mo na yan!" Saway sakin ni Sulli, yung kaibigan ko.

"Wag mo nga ako pigilan! Wala na akong pake kung mamatay na ako dito! Mas mabuti pa nga yun eh!!" Sigaw ko.

"Gusto mo ba talaga mamatay?! Yung iba nga diyan mahal na mahal yung buhay nila tapos ikaw sasayangin mo lang?"

Umalis na lang ako kasi gulong gulo na ako, I need to get away from here.

Umuwi na lang ako sa bahay pagkatapos uminom ulit. Wala na talaga akong pagasa sa kanya. Bakit niya ba kasi ako kailangan iwan? Di ko naman pagsisisihan kung mawawala siya eh, at least alam kong mararamdaman niya na mahal na mahal ko siya sa mga huli niyang oras.

SULLI

I decided to go to Tyler's house, malamang umiinom nanaman yun.

Pero bago ako pumunta sa bahay niya, dumaan muna ako sa bahay ng kaibigan ko, kawawa talaga yun, may cancer kasi siya eh, stage 4 na.

Nakita ko siya sa harap ng bahay, naka-wheelchair na pala siya, nakatingin sa kawalan. Nung nakita niya ako palapit napangiti siya.

"Hi Sulli" bati niya ng mahina, halata sa boses niya na hinang hina siya.

"Kamusta ka na Jess? Buti naman lumabas ka na ng bahay, tagal na kita di nakikita eh" sabi ko.

"Oo nga pala, pandesal oh, mainit pa yan!" Tapos inabot ko sa kanya yung plastic. Sarap sana kainin eh, anyway, may tinira pa ako para kay Tyler.

"Salamat ha,

Narinig kong may kumatok sa pinto at agad ko naman binuksan yun.

Naandiyan na naman yung pagmumukha ni Sulli.

"Oh? Ano sadya mo dito?" Tanong ko sa kanya. Pumasok na lang siya bigla at umupo dun sa dining table at naglabas ng pagkain.

"Yan ang lamunin mo! Hindi alak!" Sabi niya at kumain. Pshh, akala ko ba ako ang kakain? Umupo na lang ako sa harap niya at kumain na rin.

"Alam mo Tyler, pareho lang naman tayo eh...may pinagkaiba nga lang" sabi niya habang ngumunguya.

Si Sulli kasi, namatayan rin ng minamahal, parang ako, si Jessica.

"Pero ako nagbago, I tried to move on, so why won't you do the same? It will also hurt them also seeing that you're like that" dagdag niya pa.

Di na lang ako umimik at patuloy na kumain.

"Buti ka pa nga eh...buhay pa, alam mo may kaibigan ako na may sakit, kawawa talaga yun"

Oh really? Parang si Jessica lang ah...

Honestly, di ko naman talaga alam kung buhay pa ba siya o wala na, pero wala na talaga siya kasi iniwan niya ako.

"May cancer siya, stage 4" coincidence nga naman...

"Ano ba pangalan niya?" Tanong ko.

"Uhmm, Jessica, bakit?"

Ewan ko ba kung bakit pero nas mabilis pa sa alas-kwatro ay nasa sasakyan na agad kami papunta dun kay Jessica, di naman ako sure kung siya talaga yun but I have a strong feeling it's her.

"Huy! Dahan dahan lang Tyler! Kung gusto mo mamatay wag mo ako idadamay!!!" Saway niya sakin kasi ang bilis bilis ko magmaneho.

Basta ang alam ko, kailangan ko siya puntahan.

------------------------------------------------------

Tinuro sakin ni Sulli yung bahay niya at kumatok ako agad sa pinto nila.

"Jessica! Kailangan kita kausapin please!! Just give me one more chance!" Sigaw ko mula sa labas.

Agad naman bumukas yung pinto pero nanay niya pala yun.

"Tita, pwede ko po ba kausapin si Jessica? Sige na po please??" Pagmamakaawa ko dun.

"Hijo, nagpapahinga siya sa taas. Next time na lang" hinarangan ko na yung pinto bago niya pa masara. "Sige na po....kailangan ko lang siya makausap" sabi ko ulit.

Mukhang walang magawa si tita at pinapasok niya na lang ako. Agad naman ako umakyat sa taas at lumapit sa kwarto niya.

Dahan dahan kong binuksan yung pinto, at sa wakas, parang nabuhayan ako ng loob ulit...

Si Jessica, naandito pa siya, pwede pa kami magkaayos.

--------------------------------------------------------

Hehe, sorry kung maikli lang to...wala kasi ako sa mood eh, hb pa nga eh :'( </3

Pasensya na po talaga...
Lovemuchxoxo

Starting Over Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon