"CHAPTER 17"

349 23 0
                                    

Bully girl (Chapter 17)

Nakaupo ako sa bench ng school. Bumibili si vince ng aming pagkain. Breaktime ksi namin.

"Hi, kath!" Bati sakin ng lalaki at tumabi sa aking tabi.

Lumingon ako at nakita ko si James.

"Mag isa ka lang?" Tanong nya sakin.

Umiling ako at ngumiti sakanya.

"Hindi, hinihintay ko si Vince bumili lang sya ng pagkain." Sagut ko.

"Ahhh,..!" Sagut ni james at tumango pa sya.

"Bakit? May kelangan ka ba? Tanong ko sakanya.

"Wala akong kelangan sakanya." Sagut nya.

"So? Bakit ka nandito? Nakataas kilay kong tanong sakanya.

"May nabanggit ba si Vince about sakin?" Tanong ni James.

Nagtaka naman ako. Anong about sakanya.

"About sayo?" Wala naman! Sagut ko.

"About my feelings for you!" Sagut pa ni James sakin.

"Wala nga!" Sagut ko at umayos ako ng upo.

"Alam mo bang gusto kita dati pa!" Sabi ni James habang nakatitig sakin.

"Oo alam ko!" Sinabi sakin ni Vince.!" Sagut ko sakanya kahit ang totoo hindi naman talaga sinabi ni Vince sakin ang pagkagusto ni james sakin. Ayoko ko kasing umasa sya sakin. Hindi ko hahayaan na magkasira kami ni vince.

Bakit ganito si james kung kelan okay na kami ni Vince saka naman sya magsasabi ng tunay nyang nararamdaman sakin. Wala sya nung kelangan ko ng tulong nuon. Si Vince ang tumulong sakin at nagbihis ng ganito ayokong saktan si Vince at hindi ko hahayaang mawala ang tiwala nya sakin.

"Ako ang unang nagkagusto sayo!" Pinigilan lang ako ni Vince. Ang akala ko nun may galit sya sayo. Pinipigilan nya akong lapitan ka. Ayaw nyang tulungan kita kahit gustong gusto ko nuon.!" Pero di ko magawa. Umalis nalang ako para makapag move on. After 2 months umamin sakin si Vince na gusto ka rin nya. Hinayaan ko sya. Pero hindi sya talaga patas lumaban dati pa. Gusto nya sya lagi ang lamang. Sya lagi ang masusunod. Kaya umalis nalang ako kahit ayokong iwan ka nun!" Sabi ni james sakin.

Nagulat ako  sa nalaman ko. Si Vince? Matagal nang may gusto sakin? OMG?? Bakit nya ako sinasaktan?..

"Alam kong nagtataka ka, kung bakit ka nya binubully, dahil gusto nyang mapansin mo sya. Kahit labag sa loob ko ang pagpapahirap nila sayo noon wala akong magawa si Vince ang leader ng grupo wala akong kakayahan na pigilan sila!" Sabi pa ni James.

Bumuntong hininga ako at humarap sakanya.

"Salamat sa lahat ng sinabi mo, pero hindi mo dapat isisi lahat kay Vince," alam mo james ang tawag sayo duwag..!" Kung talagang mahal mo ang isang tao kahit isang million pang katao ang pumigil sayo gagawa ka ng paraan para makalapit sa taong gustong gusto mo!" Hindi lahat nakukuha sa pagsisi sa iba.!" Oo hindi patas lumaban si Vince pero para sakin sya ang lalaking may paninindigan!" Mariin na sabi ko sakanya.

Nagulat naman ako ng hawakan nya ang kamay ko.

"Ako dapat ang boyfriend mo at hindi si Vince!" Sabi ni james na naiiyak.

Mabilis ko namang kinuha ang aking kamay.

"Sorry!" Pero ayokong isipin ni Vince na niloloko ko sya!" Sabi ko sakanya habang itinatago ang kamay ko sa bulsa ng aking palda. Ayukong saktan si Vince.

"Tsk.. mahal mo talga sya!" Sabi pa ni james at umiling  iling pa sya.

"Pasensya kana james!" Makakahanap ka rin ng babaeng deserve na mahalin ka at mahamahalin mo!" Sabi ko sabay tayu.

Sakto namang dumating si Vince. Agad ko naman syang sinalubong at niyakap. Ipinakita ko talaga kay james.

"Oh babe!" Bakit? Miss mo na agad ako?" Takang tanong ni Vince sakin.

"Oo, ang tagal mo kaya!" Nakanguso kong sagut sakanya.

Pinindot ni Vince ang ilong ko At hinalikan ang noo ko.

"Ang babe ko, talaga!" Sabi ni Vince at inakbayan nya ko.

Nakita ko namang umalis na si james sa bench kung saan kami nag usap kanina.

"Babe? Si james un ah," nag usap kayo,?" Tanong ni Vince sakin.

Tumango naman ako at pumulupot ako sa braso nya.

"Okay!" Kain na tayo!" Aya sakin ni Vince at umupo kami sa bench at nagsimula nang kumain.

Nakauwi na kami sa mansyon nila Vince. Nagulat ako ng maraming sasakyan at mga tao ang naroon.

"Anong meron? Takang tanong ko kay vince.

"Shockss!" Umuwi ata sila mom at dad!" Sabi nya.

Patakbo kaming pumasok sa loob ng mansyon.

Nandun nga ang mga magulang ni Vince at may kasama pa itong ibang tao. Ang dami nila siguro mga 30 silang lahat.

Lahat binati si Vince. Nakasunod lang ako sakanya habang hawak nya ang kamay ko.

Ngumiti at nagbatian naman silang lahat. Pati ako binati rin ng mga tita at tito nya. Ang mom at Dad nya naman ay niyakap ako. Matagal na nila akong kilala. Kaya naman nakakahiya nang malaman nilang ako ang gf ni Vince ngayon. Ayos naman kasi tanggap nila ako. Nakipag kwentuhan na ako sakanila.

Nang may dumating pang isang sasakyan.

Pagbukas ng pinto ng van na kadarating lang bumaba agad ang 7 years old na batang lalaki at sumigaw ito

"Daddy Vince!!!!!" I MISS YOU!!!" Sigaw ng batang lalaki... Hinabol naman ito ng babaeng halos kaedad ko lng. Mommy ata ng bata un.

"OMG... May anak na si Vince?????" Tanong ko sa utak ko.

#Secrets🤔

BULLY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon