"CHAPTER 25!"

414 25 0
                                    

Bully Girl (Chapter 25)

"Wow ang laki na nang tyan mo kath!" Bati sakin ni pearl.

Nandito kami sa hardin ng mansyon nila vince.

"Oo naman!" Swempre 5 months na ang nakalipas. Kaya malaki na ang tyan ko!" Sagut ko sakanya.

Oo limang buwan na ang nakalipas. Naka pagtapos kami ni vince. Magna Cum Laude ako samantalang si Vince ay nasa top ten with honor students sya.

Naging maayos naman ang lahat. Nang makapag tapos kami. Kinuha sya ng kanyang dad nya para mag manage ng kanilang companya.

Sila tatay at nanay naman ay nagkaroon ng negosyo na dahil binigyan sila ni Vince ng puhunan. May isang restaurant na si Tatay at nanay na pinagkakaabalahan nila ngayon.

Ako naman ito. Habang palaki ng palaki ang tyan ko ay nahihirapan ako sa pagkain. Masyado akong mapili sa mga amoy.

"Oh kath!" Ikaw ang magiging baby ko huh?" Sabi ni pearl habang hinahawakan pa nya ang kanyang tyan.

Nagulat ako sakanyang sinabi nag asawa na rin pala ang bruha.

"Talaga? Sino ang ama nya,?" Taka kong tanong sakanya.

Nag biglang may yumakap sa aking likuran at hinaplos ang lumalaki kong tyan. Si Vince at nakangiti ito sakin. Kasama si Bark.

"Hey!" Babe!" Bati sakin ni Vince.

Hapon na nga pala kay nandito na pala si Vince.

"Oh bakit nandito si Bark?" Tanong ko.

At lumapit naman si Bark kay Pearl inakbayan nya ito at hinalikan sa noo.

Namilog ang aking mata. Silang dalawa ang nagkatulyan?.

"Oh kath? Mukhang gulat na gulat ka jan!" Hayaan mo hindi ko naman sasaktan si Pearl..nalatawang sabi sakin ni Bark.

Natawa ako at yumakap ako kay vince.

"Babe!" Bakit di mo sakin sinabi na naging sila?" Nagtatampo kong tanong kay vince sabay turo sa dalawang uguk na si Pearl at Bark.

"Babe, matagal nang inlove yan si Bark kay Pearl di lang makaporma si Bark dahil ang gusto ng bess mo ay si James.!" Mahabang sabi ni vince at umakbay sakin.

"Ahhh.. !" Napatango naman ako.

"So? Kath magiging ninang ka ba?" Nakatawang tanong ni pearl sakin.

"Oo, na!" Ilang buwan na ba yan?" Mauuna pa akong manganak sayo eh!" Sabi ko.

"Tatlong buwan na ito!" Sagut ni pearl.

"Wow! Halos mag kasunod pala tayong eere!" Nakatawa kong sabi sakanya.

Hinawakan naman ni vince ang tiyan ko.

"Hellow baby!" Hindi na makapag hintay si Daddy Vince na makita ka!" Kausap ni Vince sa aking tiyan.

"Wow ang sweet naman!" Pang aasar ni Bark samin.

"Hoy wag kang maiinggit jan kila vince at kath, magkakababy na rin tayo nuh!" Nakanguso namang sabi ni Pearl.

Nagtawanan naman kami at nagpasyang mag meryenda. Nagkwentuhan at nag asaran kaming apat.

Nang dumating sina Cha at Darius.

"Hi mom! Dad!" Bati ni Darius samin ni Vince

Ako na ang tumayong mommy ni Darius mabait at masunurin naman sya. Wala akong problema sakanya.

Si cha naman ay lagi akong binibisita para tignan ang aking pagbubuntis.

"Kain na kayo!" Sabi ni Vince kina Darius at Cha.

Masaya namang nakisalo samin ang dalawa.

"Mom, gusto ko pag labas ng baby, kakargahin ko kaagad!" Sabi ni Darius sakin. Kahit 7 taon palang sya eh bibo at madaldal na sya.

"Oo ba!" Kahit ikaw pa ang mag alaga!" Sagut ko sabay tawa.

Nagtawanan naman sila at inasar si Darius.

"Yan may taga alaga kana Kath!" Sabi pa ni Bark.

"Aba bigboy na nga Si Darius at mag aalaga na ng baby!" Sabi naman ni cha at hinawakan pa ang ulo ni Darius.

"Swempre!" Para di na mahirapan si Mom!" Sagut naman ni Darius.

Masaya akong tanggap nya ako. Lalo na masaya sya nang magkakaron na sya ng kapatid.

"Oh kaya be a good boy kana hah? Sabi ni Vince.

Tumango nman si Darius saka sumubo ng pagkain.

Masaya kaming nagsalo salo sa meryenda. Maraming kwento sila cha nung baby palang si Darius mukhang asar talo naman si Vince kay cha.

Tawa lang ako ng tawa lalo na kpag naasar si Vince.

Kahit kelan hindi na nag matured ang asawa ko.

"Next week na pala ang kasal nyu ah!" Pag iiba ng usapan ni cha.

"Yup!" Wag kayong mawawala !" Sabi ni vince.

Napag pasyahan namin na kapag 6 na buwan na ang tyan ko ganapin ang kasal dahil nung mga nakraaang buwan nahirapan akong maglihi. Ngaun naman ay okay na.

"Aba!" Magiging Mrs. Hidalgo kana Kath!" Pang aasar ni pearl sakin.

"Matagal nang Mrs. Hidalgo si babe ko!" Sagut naman ni vince.

"Yieeeeee!" Pang aasar nila samin.

"Ewan ko sainyo!" Sabi ko sabay irap sakanila. Ang lakas talaga nila mang asar.

Tinawanan lang nila ako.

#BabyisReaL👶👪😇

BULLY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon