Chapter 15
Missus’s POV
“Detective!”sabay naman kaming napalingon ni Archangel nang tawagin ito sa kung saan. Maski ang mga kasama naming kapre ay napalingon din. Pinagtaasan ng kilay ni Archangel si Officer Ramos na siyang kasama niyang magmamanman sa drug lord na matagal na nilang pinaghahanap.
“Nasiraan ka?”tanong nito.
“Hindi.”malamig na saad ni Archangel sa kanya. Nagtataka naman tuloy na napatingin sa kanya si Officer Ramos.
“Anong ginagawa mo dito sa kalagitnaan ng kagubatan kung ganoon?”tanong sa kanya ni Officer Ramos.
“Binalikan ka namin, Detective! Akala ko’y nasiraan ka na.”sabi pa ni Officer Ramos. Napalingon kami sa kasama niya pang isang officer. Ngumiti lang ‘to kay Archangel.
“No, I’m just thinking that we can camp here. I’ll suggest to chief.”sabi ni Archangel bago pumasok ulit sa loob ng kotse niya. Nakita ko naman ang panlalaki ng mga mata ng dalawang officer at kita ko rin ang pagtataka sa mukha nila habang nakatingin kay Archangel na mukhang wala namang pakialam sa mga ito.
“Ano naman kayang pumasok sa isip ni Detective? Bakit naman dito? Ang creepy! Nakatayo pa lang ako’y talagang kinikilabutan na ako.”sabi pa ni Officer Ramos. Napailing na lang ako at pumasok na sa loob ng kotse ni Archangel. Maya-maya lang ay sinimulan na rin naman nitong paandarin ang kotse niya. Nagpaalam naman na ako sa mga kaibigan kong kapre na nakangiti pa habang pakaway kaway sa akin.
“Subukan niyo kaming paglaruan, nako, hindi ko kayo tutulungan.”banta ko sa kanila.
“Grabe ka naman sa amin, minsan lang naman ‘yon.”natatawa nilang saad kaya napairap ako. Gaano kaya kadalas ang minsan ng mga ito.
Madilim dilim na rin ng makarating kami sa halos tagong bayan. Kinukulit ko lang siya at tanong lang ng tanong ng kung ano habang pasensosiyo niya naman akong sinasagot, hindi tulad no’n na para lang akong multong hindi niya nakikita, well, multo rin ako, no, I’m not ghost, go-between kaya ako! Saka nakikita niya ako, umaarte lang na hindi ako nakikita.
Nanahimik na rin naman ako nang inayos niya na ang sumbrero niya at papasok na kami sa loob ng isang lumang motel na kahit akong multo’y talaga namang kikilabutan habang pinagmamasdan ‘yon. Natawa pa ako kina Officer Ramos na nagtutulakan pa habang papasok sa loob, nagunahan ng parehas silang tinignan ni Archanhgel.
“Sungit mo masiyado, kaya wala kang friends e.”sabi ko sa kanya.
“What? I didn’t even do anything.”nakasimangot niyang saad sa akin kaya napangiti na lang ako habang nakasunod sa kanya.
Magkaiba silang ng kwarto no’ng dalawang officer. Nasa may pinakataas kaming room habang ang mga ito naman ay nasa baba.
Pinagmasdan ko lang ang kwartong pagtutulugan namin ngayong gabi. It wasn’t that clean. Para na nga ‘tong aamagin sa sobrang dumi, nilingon ko naman si Archangel na siyang tinignan lang ang mga ‘yon at nagtungo sa malinis na parte. Hindi ko rin maiwasang mapangiwi habang nakatingin sa buong kwarto. Parang may kung ano. Imbis na sumunod pa kay Archangel sa kwarto na pagtutulugan nito’y nagtungo ako sa bodega rito sa loob.
Mas lalo akong napangiwi nang may makitang bakas ng dugo, hindi talaga ‘yon mapapansin dahil maliit na butil lang ngunit kita ko talaga ‘yon dahil maski ang isang baril na natatakpan ng carprt ay nakita ko.
“Archangel!”sigaw ko mula rito. Lumabas na lang ako dahil hindi talaga siya lumalapit. Mukhang mas seryoso pa ang mukha nito habang nagtitipa sa kanyang laptop.
“Hoy, may baril. Doon sa carpet.”sabi ko kaya agad siyang napatayo at dahan dahan na naglakad patungo roon. Inalis niya pa ang sapatos para hindi maingay kapag naglakad doon. Dinig na dinig kasi ang yabag kung sakali. Hindi ko naman maiwasang magtaka sa kanya dahil wala namang tao dito kung hindi kaming dalawa lang. I mean siya lang pala. Dahan dahan niya namang tinaas ang carpet na siyang may baril.
“Peke.”sabi niya at dahan dahang binaba ‘yon ngunit nanatili lang siyang nakatingin do’n kaya napakunot na lang ang noo ko.
“Bakit?”tanong ko at sumilip din sa tinitignan niya. Nanlaki naman agad ang mga mata ko nang makita kong may butas sa ilalim ng carpet at kitang kita ang tao mula sa baba.
“Huh? That’s the drug lord. ‘Yan ang matagal na naming pinaghahanap.”sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Mas lalo pa ‘yon bumilog nang makita kong unti-unting tinataas no’ng drug lord ang kanyang ulo.
Mabilis namang naiayos ‘yon ni Archangel at binalik sa dati kaya lang ay mahinang tumunog ang sahig. Pinagkunutan ko siya ng noo.
“Meow.”sambit ko oara gayahin ako nito. Nakasimangot naman niyang ginaya ‘yon bago kami bumalik sa kwarto niya. Maya-maya lang ay kausap niya na sina officer at pinag-uusapan na nila ang planong panghuhuli kay June.
Imbis na manatili rito’y naglakad naman ako patungo sa babang building. Ang creepy talaga nitong motel na ito, parang anytime ay magigiba. Hindi ko pa maiwasang mapatingala nang makita kong maski ang ilaw ay gumagalaw galaw na at para bang anytime ay malalaglag ito sa kisame. Napakibit na lang ako ng balikat at sumakay pa sa elevator na parang kapag sumobra sa isa ang sasakay ay talagang mahuhulog ka na lang.
Expected ko naman na agad na mayroong ligaw na kaluluwa na nandito, hindi ko pinansin ang kasama kong kaluluwa rito sa elevator. Napatikhim pa ako nang makita kong nakatitig lang ito sa akin. Kung ibabase ko sa unipormeng suot nito’y mukha siyang flight attendant. Anong ginagawa niya rito kung ganoon? Teka nga, ano nga rin bang pakialam ko?
“Can you help us?”tanong niya. Hindi ko naman alam kung ako ba ang kausap nito kahit ako lang naman talaga ang kausap niya. Diretso lang ang tingin ko. Well, hindi ko naman trabaho na tulungan ang mga ito o ano. Lumusot lang ako sa elevator dahil ayaw niya akong padaanin.
“Help us, please. We need your help.”umiiyak na saad niya habang nakasunod sa akin. Base sa itsura nito, mukhang kamamatay lang dahil hindi pa ganoon katapang ang mukha nito at mukhang nasa tama pa rin namang pag-iisip. Hinawakan niya ang damit ko habang nagmamakaawa sa akin.
“How can I help you? Katulad mo’y kaluluwa lang ako.”sambit ko at napakibit ng balikat. Lalagpasan ko na sana siya ngunit lumuhod siya sa harapan ko.
“I know you’re different. Alam kong iba ka dahil kasama mo ‘yong tatlong pulis kanina, hindi ba? And your face? It’s completely different spirit na nagpapagala gala rito.”saad niya na patuloy ang pag-iyak habang nakatingin sa akin.
“Please.”umiiyak na saad niya. Lalagpas na sana ulit ako kaya lang ay hindi ko rin naman mapigilang maawa pa sa kanya kaya napabuntong hininga ako bago ko siya nilingon ulit. Pucha, imbis na bakasiyon ay narito ako sa haunted na motel na ‘to.
“My body. Help us have a proper burial, please.”sambit niya habang pinapahid ang luha mula sa kanyang mga mata.
“That fucking ruthless guy killed us. Wala siyang awa.”umiiyak na saad nito. Hindi ko naman alam kung paano ako magrereact, nakatingin lang ako sa kanya.
“Wala siyang awa.”ngayon naman ay nakikitaan ko na ito ng galit mula sa kanyang mga mata.
“Hindi lang ako, ang dami niyang pinatay na para bang mga laruan lang.”tumutulo na ang luha na saad niya.
“And that fucking psychopath is fucking smiling everyday, walang konsensiya! Nakakasuka.”galit na galit niyang saad. Nakaramdam din ako ng panibugho habang nakikinig sa kwento nito, how can they fucking kill someone na para bang pumapatay lang ng mga insekto?
“That fucking bastard, hindi lang dapat sa presinto ang bagsak niya, he fucking need to be boiled alive.”sabi ko na gigil na gigil.
“He fucking did that to me.”napatalon naman ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko nang makarating kami sa tapat ng isang bakanteng kwarto. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang sunog na mukha no’ng babae. Maski ang kasama ko pang isang babae ay gulat na gulat din sa presensiya nito. Mukhang ngayon lang din niya nakita ang babae.
“Wala siyang awa. He need to rot in hell.”galit na galit nitong saad.
Kinuwento nito kung paano siya walang awang pinatay ng drug lord. He rape them and fucking set her apartment in fire. Her name is Marie. Ang isa naman ay si Tessa. They fucking kill her dahil ayaw sumunod, they are planning to sell her. Nang manlaban ay pinatay mismo nila sa elevator. Isang linggo lang ang nakalipas. Fuck them, talagang sinulit ng mga putanginang hinayupak, masusulit din nila ang sarili sa empyerno. Hindi ko maiwasang manggigil dahil hindi lang ‘yon ang unang beses nilang ginawa at gagawin. Hindi lang din sina Marie at Tessa ang biktima ng mga ito.
They were holding me when we walk towards the door of the offender. Kita ko rin ang panginginig ng dalawang ‘to.
“You can stay here if you don’t want to face the fucker.”sambit ko sa kanila. Marahan naman silang umiling sa akin at sabay sabay kaming pumasok sa loob.
Maayos ang sala, tila walang ginagawang kababalghan. Nakita ko ring nagtatawanan ang ilang tauhan ng drug lord. Nagkatinginan naman kami nina Marie at Tessa. Parehas na tumutulo na lang ang mga luha ng mga ito. Hindi ko naman maiwasang mapakagat sa aking labi dahil sa awa sa mga ito, parehas silang galit ngunit hindi magawang ipaglaban ang sarili.
Nagpatuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa bodega. Kung hindi lang ako go-between ngayon, malamang ay nasuka na ako, paano’y amoy na amoy ang masangsang na amoy mula rito. Kita ko rin ang ilang kababaihang nakatali sa gilid. Ni hindi rin magawang umiyak dahil nakatali ang mga bunganga at nakapiring ang nga mata.
Kitang kita ko ang panghihina mula sa mga ito, parang baboy na walang sawang pinagsamantalahan.
“Ayusin niyo na ‘yang si si Number 179, kailangan na ni Boss.”sabi ng isang tauhan sa kanyang kasamahan.
Nang lingunin ko sina Marie at Tessa’y parehas na nakatutop lang ang mga bibig at halatang hindi alam kung paano sisikmurahin ang lahat ng nakikita. Maya-maya lang ay nakita ko ng humahagulgol na si Marie.
“That’s my sister. No! No!”sigaw niya ng hilain lang ng lalaki ang kapatid na para bang hayop lang na ayaw sumama sa kanila, mas masahol pa sila sa mga hayop. Galit lang ang nararamdaman ko, ni hindi ko magawang lingunin ‘to.
“Stay here.”bilin ko sa dalawa bago ako naglakad patungo sa kung saan ang drug lord. Kita ko namang abala lang ito sa paninigarilyo at mukhang tuwang tuwa pa sa mga pangyayari. Demonyo. Walang awa. Gusto kong doblehin ang sahol ba ginawa niya. Mas masahol pa siya sa mga hayop.
Agad akong bumalik at nagtungo sa taas para puntahan si Archangel. Talagang minadali ko siya para agad na mahuli ang hinayupak. I need to help para kahit paano’y mailigtas ang ilang kababaihang nasa ibaba.
Ilang oras ang lumipas nang dumating ang maraming back up, napalibutan na ng tuluyan ang motel. Maya-maya lang ay nagkagulo na rito sa loob ng motel. Abalang abala naman na si Archangel sa pagtatawag sa kanyang mga kasama habang ako’y nanlaki ang mga mata nang makita kong tumatakbo na ang drug lord patungo sa likod ng motel. May sikretong lusutan ito na hindi nakikita ng mga pulis.
Hindi ko mahanap pa si Archangel kaya naman sumunod na lang ako kina Marie at Tessa na nakasunod sa drug lord. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang hindi lang pala sila, mahigit sampung tao ang naroon. Sumakay ang drug lord sa kanyang kotse kaya sumakay din ako sa likod, ganoon din sina Marie at Tessa. Napapreo siya ng lumitaw ang mga ito mula sa kanyang side mirror. Mukhang nanghihina ang kalooban nito ngayon. Takot na takot siyang napahinto.
“Hustisya.”
“Hustisya”
“Hustisya.”
BINABASA MO ANG
Touch of Death
FantasyMissus is a messenger between Living and Dead. She's a go-between. Pinapadala ang mga mensahe ng mga patay sa pamamagitan ng panaginip at mga mensahe naman ng mga buhay kapag sila'y nagtutungo sa sementeryo. Ngunit sa hindi niya inaasahang pangyayar...