Chapter 27
Missus’s POV
Nang lumabas ako mula sa kwarto ni Archangel, parang nagwawalang preso na gustong makawala sa kanyang hawla ang tibok ng puso ko ngunit mas doble pa ang kung ano mang nararamdaman nang tuluyan nang makalabas. Inihanda ko na rin ang sarili na masermonan ni Tatang Pedro, inihanda na rin para sa mga consequence sa pinaggagawa ko.
Pinaglalaruan ko lang ang mga dalirin habang naglalakad ako palabas ng dreamland. Nang makita ko si Tatang Pedro ay bahagya pa akong napapikit at hinihintay na tawagin ako nito ngunit wala naman siyang sinabi sa akin na kung ano. ‘Yon ang akala ko.. nilapitan niya ako nang wala na ang mga go-between na kasama.
“Missus, alam ko ang ginawa mo..”seryoso ang mga matang sambit niya sa akin.
“Binabalaan kita, Missus, hindi na tama kung ano man ‘yang pinaggagawa mo.”sambit niya pa sa akin.
“Hindi ako ang magdedesisyon pero alam mo naman na gusto ko na lahat kayo’y makapunta sa utopia.”saad niya pa sa akin.
“Huwag mong sayangin ang pagkakataon na ipinagkaloob sa’yo.”sabi niya pa bago ako tinapik at naglakad na patungo sa may train. Napakagat naman ako sa aking mga labi bago sumakay do’n. Nilingon naman ako ni Analita at Paulita nang makabalik ako sa train. Agad silang nang-usisa habang nakatingin sa akin.
“Anong nangyari?”hindi maiwasang itanong sa akin ni Analita.
“Bakit mukhang seryoso si Tatang Pedro nang kausapin ka?”tanong pa ni Paulita sa akin. Umiling lang naman ako at nagkibit na lang ng balikat bago sila nginitian.
“Huwag niyo ng isipin pa ‘yon, ang mabuti pa’y ipagcelebrate natin ang pagpunta ni Paulita sa utopia para bukas!”sambit ko sa kanila.
“Oo nga! Huwag kang makakalimot na bumisita, huh?”tanong pa namin sa kanya.
“Oo naman! Paulit ulit na lang tayo diyan ahh?”natatawa niya pang biro. Nang makarating kami sa afterlife. Ipanagdiwang talaga namin ang pagpunta ni Paulita sa afterlife bukas. Doon lang namin ginamit ang natitirang oras namin.
Maya-maya lang din ay nagtungo na kami sa living realm. Para nanamang ilang beses na hinampas na tambol ang puso sa sobrang lakas, naiisip ko pa lang na makikita si Archangel. Alam kong posibleng hindi niya matandaan ang sinabi, ang daya talaga pero mas ayos na rin ‘yon, iwas awkwardness.
“Good morning, Kaleb!”nakangiti kong saad kay Kaleb nang magtungo ako sa bahay. Inaasikaso na nito ang sarili niya at palabas na rin ng bahay. Napatingin naman si Tita kay Oscar nang sasabay ito sa kapatid ko.
“Sumabay ka na sa Ate mo, Oscar!”sabi ni Tita sa kanya. Napangiwi naman ako dahil do’n, hanggang ngayon ay hindi pa rin ata gustong magkasama si Kaleb at Oscar.
“Isabay mo na rin si Kaleb.”nakasimangot pa nitong saad. Parehas kaming nagulat ni Kaleb do’n pati na rin si Oscar, madalas kasing hinahayaan lang ni Tita si Kaleb na naglalakad papasok ng eskwela, kailanman ay hindi nito ito niyaya man lang na sumabay sa magkapatid. Hindi ko alam kung anong nakain niya pero sana’y palaging masarap ang ulam nito para laging mabait.
Sumakay naman sila sa service nila, nag-uusap lang si Kaleb at Oscar tungkol sa kung ano habang ang Ate ni Oscar ay wala namang pakialam sa kanila dahil as usual kausap nanaman nito ang kanyang nobyo.
“Dito na lang po ako.”sabi ni Kaleb nang malapit na kami sa kung saan namamalagi si Blackie.
“Bakit? Hindi ka ba pumapasok, huh? Aba’t huwag kang masiyadong tumulad sa Ate mo! Sayang naman ang pinagpapaaral sa’yo ni Mama!”sabi pa nito kaya hindi ko maiwasang mapangiwi at hilain ang kanyang buhok. Anong tutulad sa akin? Matalino ang kapatid ko! Malayo ang mararating niyan sa buhay no!
“Aray!”inis niyang sambit kay Oscar at hinila pa ang buhok nito.
“Aray, Ate! Papansin ka?”inis na sigaw ni Oscar sa kanya at hinila pa ang kanyang buhok bago sumabay kay Kaleb na siyang nakayukom lang ang kamao, mukhang ayaw din namang patulan pa ‘to. Kahit kailan ay hindi pa rin kasi talaga nawawala ang pagkamaldita ng taong ‘yon.
Kumalma rin naman si Kaleb nang makita si Blackie. Agad niyang inabutan ‘yon ng makakain. Tumalon din si Blackie kay Oscar kalaunan.
“Iuuwi ko siya.”sabi ni Oscar kaya agad napatingin sa kanya si Kaleb. Bahagyang nagulat sa sinabi ng pinsan.
“Hindi papayag si Tita.”sabi naman ni Kaleb nang may mapagtanto.
“Papayag ‘yon! Akong bahala.”natatawa pang saad ni Oscar. Well, basta anak niya’y paniguradong hindi niya matitiis, papayag talaga ‘yon. Sa amin lang naman kasi talaga siya malupit.
Pumasok na rin naman sila sa eskwela kalaunan. Nagtungo naman na ako sa bahay ni Archangel nang matapos akong makisusisa sa pangyayari sa buhay ng kapatid ko. Nang marating ako roon ay agad kong nakita si Archangel na nakadapa lang sa kama niya at nukhang mahimbing pa rin ang tulog. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ko lang ‘tong nakapikit, hindi talaga maitatangi ang kakisigang taglay nito. Maski ang pilik mata nito’y talaga namang mahaba, sinubukan ko pa ‘yong paglaruan, bahagya akong natawa ng tumagos lang naman ang mga daliri.
“What are you doing?”tanong ni Archangel kaya napatalon ako sa gulat nang nagmulagat ‘to.
“Good morning!”natatawa kong saad at kumaway pa sa kanya. Kakita ko lang sa kaniya kanina at nandito nanaman ako nanggugulo ngayon.
“It’s your day off today!”nakangiti kong saad sa kanya.
“Yeah, it’s your day again.”naiiling niyang saad dahil alam na agad nito ang mangyayari. Nakasunod lang naman ako sa kanya habang papunta kami sa kitchen nito. Naupo lang ako sa may countertop habang pinapanood siya sa pagluluto. Malapad naman ang ngiti ko doon. Maya-maya lang ay natapos na siyang mag-ayos, casual lang ang damit nito pero ang lakas ng dating, mukhang modelo.
“Pwede ka ng mag-artista, Lods.”sabi ko pa sa kanya kaya napailing na lang siya sa akin.
“Saan tayo pupunta?”tanong ko sa kanya. Napakibit lang naman siya ng balikat at pinagbuksan ako ng pinto. Napatawa naman ako sa kanya dahil do’n.
“Baka nakakalimutan mong kaluluwa na lang ako, hindi na kakailangan pa ng pinto.”natatawa kong saad bago ako umupo sa front seat. Nagkibit lang naman siya ng balikat sa akin bago siya nag-umpisang magmaneho.
“Maglalaro ba tayo sa arcade?”tanong ko agad na malapad ang ngiti nang makarating kami sa mall.
“Hindi ka pupwede roon.”natatawa niyang saad sa akin at nauna pang naglakad. Nagtaka naman ako nang huminto kami sa isang botique na puno ng damit pangbabae.
Mas lalong kumunot ang noo ko sa kanya nang kumuha siya ng eleganteng damit. Kulay itim na floral ‘yon na mayroong mga kumikinang na parang diamond. Pagkakaalam ko’y wala naman ‘tong girlfriend na pagreregaluhan ng mga ganyang bagay kaya nakapagtataka na bumili siya ng mga ganito. Huwag mong sabihing para sa akin nanaman ‘yan? Agad naman akong napailing sa ideyang ‘yon. Huwag kang assuming, Missus.
“Try it.”sambit niya at iniabot sa akin ‘yon. Nagulat naman ako doon pero kinuha ko rin naman at sinuot. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ang istura ko nang suotin ang eleganteng damit na ‘yon. Malapad ang naging ngiti ko lalo na’t nang ipakita kay Archangel.
“Oh, huwag kang masiyadong tumitig, ikaw din, baka mamaya’y mahulog ka.”natatawa kong biro sa kanya kaya nailing na lang siya ngunit nandoon naman ang ngiti mula sa kanyang mga labi habang nakatitig lang din naman sa akin.
Maya-maya ay pinasakay niya ulit ako sa kotse niya. Bahagya naman akong nagtaka nang pamilyar ang pupuntahan namin. Lagi ako rito e. Sa sementeryo. Bahagya naman napakunot ang noo ko habang naglalakad kami papasok. Mayroon pang ilang go-between na nasa akin ang tingin at nagtataka pa kapag nakakasalubong nila kami.
“Missus, umaasenso ka na ahh!”sabi pa ng ilang nadadaanan namin.
“Wow, Missus! Saan galing ‘yan?”nagtataka nilang tanong habang tinitignan ang dress na suot ko. Nginitian ko lang naman sila at hindi na rin pinansin ang nga tingin ng mga ito.
Huminto naman kami sa puntod ng Ate nito. Bahagya naman akong nahiya habang nasa tabi pa rin ni Archangel. Ni hindi man lang ‘to nagsasalita kaya napatingin ako sa kanya. Binabati ko naman na ‘to sa utak ko dahil alam kong hindi rin naman niya ‘yon naririnig.
“Ate..”nagulat naman ako ng nagsalita si Archangel. Agad akong napasulat sa aking notebook. Well, hindi ko lang maiwasan dahil nasanay na palagi sa trabaho.
“This is Missus. I’ve been friends with her.. don’t worrry about me.. I’ll be fine, I’m sorry if it took me a while to talk to you again. I miss you too, Ate..”pabulong na saad ni Archangel Nilingon niya naman ako kaya wala akong nagawa kung hindi ang magsalita na lang din. Banati lang namin ito, hindi rin naman kami nagtagal. Nang matapos kami doon ay dumeretso na rin kami sa isang fast food chain sa malapit. Hindi ko naman maiwasang mapakunot ng noo sa kanya.
“You said you wanted to try eating here.”sabi niya sa akin habang nakangiti.
“Oh? Naalala mo?”tanong ko at nagulat ng bahagya. Ibig bang sabihin ay naalala niya rin ang ilang detalyeng sinabi niya sa akin.
“Yeah, I remember some of it.”sabi niya naman kaya napatango na lang ako. Hindi ko naman siya tinanong pa sa kung anong naalala nito. Baka mamaya’y sabihin pa nitong sobrang big deal ng sinabi niya although medyo big deal nga ‘yon para sa akin.
“Thank you..”hindi ko mapigilang sambitin nang makarating kami sa loob at nang makitang ang dami na agad pagkain sa lamesang pinag-upuan namin.
“Anong thank you? Hindi ‘yan para sa atin.”natatawa niyang saad kaya agad ko siyang nilingon saka sinamaan ng tingin.
“Just kidding. You can eat whatever you want. Tell me if you like something, I’ll order it for you.”sabi niya pa sa akin kaya hindi ko mapigilang mapangiti at napatango. Parehas lang kaming kumakain ngunit kapag may napapadaan ay nagtataka dahil sobrang dami ng nasa lamesa.
“Ang lakas naman kumain niyan..”sabi pa no’ng isa. Hindi ko naman mapigilang mapangiwi, kahit ano talagang gawin mo’y mapapansin at mapapansin ng ibang tao. Gumawa ka man ng tama o ano, may masasabi pa rin kaya gawin mo na lang talaga ang gusto basta ba wala kang natatapakan na ibang tao, basta alam mong tama ka.
“Don’t mind them.”sabi ko pa kay Archangel ngunit natawa siya sa akin ng mahina. Napanguso naman ako dahil do’n at bahagya pa siyang pinaningkitan ng mga mata.
“You were the one who’s minding them. Kunot na kunot nanaman ‘yang noo mo.”natatawa niyang saad ngunit napasimangot na lang ako at napairap.
“I already stop thinking about things that they want to say.. I just don’t care anymore.”sabi niya pa bago ngumiti sa akin. Napangiti na lang din ako dahil do’n. Dapat lang. Wala naman silang ambag sa buhay niya kaya bakit pa, hindi ba?
Naging abala naman kami sa pagkain kalaunan. Nagkukwentuhan lang din kami ng kung ano-ano habang kumakain. Nang matapos kami’y parehas lang kaming naupo sa playground na katapat lang din naman ng fast food chain.
“If we met each other that day, do you think we will be good friends?”tanong ko sa kanya. Nilingon niya naman ako dahil do’n.
“Hmm, probably not. You’ll probably find me weird.”
“You’ll probably be disgusted at me.”
Parehas pa kaming nagkatinginan dahil sa sinambit.
“Aba’t ganyan ba ang palagay mo sa akin?”halos sabay pa kaming tanong. Nagtalo pa kami bago natawa na lang dahil sa isa’t isa.
“Come to think of it, kahit naman no’ng nandito pa ako sa lupa’y hindi naman na talaga tayo nagkakasundo. Aba’t ikaw ‘tong laging kontrabida sa buhay ko.”natatawa kong saad dahil nga noong madalas pa akong magnakaw, lagi siya ang humuhuli sa akin.
“Yeah, right, let’s just be thankful meeting like this.”sambit niya at napakibit pa ng balikat. Hindi ko naman mapigilang mapangiti, should I be really thankful that I met him like this? I hope I met him more earlier although I met him bago pa ako mawala, ‘yon nga lang hindi talaga maganda ang simula naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Touch of Death
FantasyMissus is a messenger between Living and Dead. She's a go-between. Pinapadala ang mga mensahe ng mga patay sa pamamagitan ng panaginip at mga mensahe naman ng mga buhay kapag sila'y nagtutungo sa sementeryo. Ngunit sa hindi niya inaasahang pangyayar...