Chapter 9
Missus’s POV
Pinagmamasdan ko si Kaleb habang mahimbing na mahimbing na nanatutulog, mukhang pagod nanaman ito sa araw na ito. Inayos ko naman ang kumot niya at inayos din ang mga libro na nakabuklat pa. Mukhang natulugan niya nanaman ito.
Inayos ko na rin ang mga gamit nito. Nagligpit ligpit na rin ako. Saka ko siya tinitigan, hinalikan ko ito sa noo kaya lang ay tumagos din naman ako. Pinatay ko na ang lamp na siyang ilaw lang dito sa loob.
“Sleep well, Kaleb.”sabi ko at ngumiti.
“Ate, are you here?”tanong nito kaya napaawang ang labi ko.
“Are you really here, Ate?”umiiyak nitong tanong, hindi ko alam kung tulog ba ito o ano.
“If you’re here, I just want to tell you how much I miss you, I hope you’re now in peace. Don’t worry about me.”sambit nito. Nanatili naman ang matinding katahimikan pagkatapos no’n. Napabuntong hininga naman na ako at lumabas ng kwarto niya.
“Aahh!”nagulat naman ako nang mapasigaw si Oscar. Napatingin pa ulit siya sa gawi ko. Sinubukan niya pang kusutin ang kanyang mga mata.
“Ano ba ‘yang, Oscar? Gabing gabi na nagsisisigaw ka pa diyan.”galit na galit na saad ni Tita kay Oscar nang lumabas ito sa kanyang kwarto.
“Oo nga! Gosh! Nakakahiya sa kausap ko!”sabi naman ng Ate nito.
“Gabing gabi na hindi ka pa rin natutulog!”galit na galit na saad naman ni Tita sa anak niyang babae. Sinabunutan niya pa ito.
“Ma! Ang aga pa!”iritado namang sambit ng anak. Hindi ko maiwasang mairita sa kanila, tulog na ang kapatid ko, sigawan pa rin sila ng sigawan.
Napalabas tuloy ito sa kanyang kwarto at tinitignan sila. Nagtataka pa ito dahil sa ingay nina Tita.
“Ma! May nakita talaga ako! Nakatayo siya diyan!”sabi nito at tinuro pa ang pwesto ko.
“Nako, Oscar, imahinasiyon mo lang ‘yan. Tsk.”sabi ng mama nito at tinalikuran na ang anak.
“Napakaingay mo, para kang bakla!”sambit naman ng Ate niya at binato pa siya ng tsinelas.
Nakatingin lang naman sa kanila si Kaleb at hindi maiwasang mapatingin sa gawi ko, napakunot pa siya nang noo at sinubukan pang lumapit ngunit hindi naman niya ako nakikita.
“Anong tinitingin tingin mo diyan, Kaleb? Umalis ka nga diyan, nababadtrip ako sa’yo!”sambit ni Oscar sa kanya. Hindi ko malaman kung ano ba ang kinakagalit niya sa kapatid ko, siguro’y dahil mas pogi ito sa kanya, mas matalino at mas maraming babaeng nagkakagusto. Siguro’y naiinggit dahil panay yabang lang naman kasi ang mayroon siya.
Napailing na lang kaming parehas ni Kaleb, bumalik na ulit ito sa kwarto niya samantalang naiwan naman si Oscar dito sa labas. Naisip ko naman pagtrip-an siya sandali kaya kinuha ko ang remote at talagang dinaan ko sa harap niya.
Nalasigaw nanaman tuloy ang mokong at napagalitan nanaman ng kanyang ina. Nagtatatakbo pa sa kanyang kwarto. Hindi ko naman maiwasang mapatawa ng mahina saka na lumabas ng bahay nila.
Habang naglalakad lakad naman ako, hindi ko maiwasang maawa sa ilang taong natutulog sa kalsada, siguro kung hindi ako gumawa ng paraan para kumita noon, natutulog din kami sa bangketa ni Kaleb. Ayaw kasi kaming kupkupin ni Tita dahil palamunin lang daw kami sa bahay nila.
Wala na kasi ang papa’t mama namin, siya lang naman ‘tong natitirang kilala naming kamag-anak. Kahit nasa bahay na nila kami, para pa rin kaming mga batang yagit noon, ni hindi niya nga kami pinapagamit ng cr nila. Kung pakakainin naman ay kanin lang, wala ng kahit na anong ulam, nagpapasalamat naman kami sa kanya doon.
Napabuntong hininga naman ako, bakit ko nga ba inaalala pa ito, ang kailangan kong gawin ay ang tulungan si Kaleb.
Bago ko lagpasan ang mga taong ito, ibinaba ko ang pagkain na galing sa langit. Kung ang pagkain mula sa living realm ay hindi pupwedeng ipakain sa mga tao sa afterlife, ang sa afterlife naman ay pwedeng kainin nang mga taong nandito sa lupa.
Naging tinapay naman ‘yon kaya napangiti na lang ako. Wala naman din kasi akong perang pupwedeng ibigay, ‘yon lang ang meron ako. Nagtungo naman na ako sa bahay ni Archangel na siyang pupuntahan ko ngayon, well, buong gabi at buong araw kami dito sa lupa ngayon kaya pupwede ko pang gawin ang trabaho ko mamayang umaga.
Pakanta kanta pa ako habang papasok sa loob ng bahay niya ngunit agad akong napatingin nang madaan ako sa kanyang bintana, hindi ko maiwasang mapakunot ang noo nang makitang sobrang daming kaluluwa na nasa kwarto niya ngayon at mukha siyang hindi makatulog.
Tila alam ko naman na tuloy ang sinasabi niyang gustong tambayan ng mga ito ang kwarto niya.
Nagtungo naman ako sa loob. Kitang kita ko naman na nahihirapan siyang makatulog at kitang kita ko rin kung paano nito tinatakpan ng unan ang kanyang ulo at ang kanyang tenga.
“He can see us.”sabi ng isa.
“Why don’t you answer us when you can even hear us.”sabi naman no’ng isa. Naawa naman ako kay Archangel dahil halatang gusto na nitong matulog. Alam kong araw araw ay nananaginip ito ng masasama ngunit parang mas masama pa kung gumising siya lalo na’t halos lahat ng mga ito’y nakakatakot tignan.
“Anong ginagawa niyo rito? Magsilayas kayo!”sambit ko sa kanila at tinaboy ang mga ito.
Nasa lima ang mga ito, sabay sabay naman siyang napatingin sa akin at pinagkunutan ako ng noo.
“Why would we listen to you?”tanong naman nila.
“We like his room, mga tipo namin.”natutuwang saad naman ng isang ligaw na kaluluwa, nakatingin pa siya sa kanyang kuko bago ako tinignan at ngumisi pa.
Nakakatakot ito kaya napaatras naman ako sandali ngunit pinanatili ko pa rin naman ang sarili na kalmado.
“Ano bang ginagawa niyo dito?”tanong ko pa sa kanila.
“Well, we want to hang out and he looks really scared right now, we like that.”tuwang tuwa na saad nito. Hindi ko naman maiwasang samaan ito ng tingin at palihim na pinindot ang isang pulang button dito sa aking notebook.
Wala pang ilang segundo nang makita ko na sina Dael at ilang kasamahan pa nila. Isa isa naman nilang pinasok sa mga bote ang mga kaluluwang ‘to.
“Lucky!”malakas na sigaw ni Bea at napangisi.
“Mukhang mag-iinuman tayo ngayon, Boss.”tuwang tuwa na saad nito kay Dael. Mukhang nakaactivate nanaman ang pangalawang personality nito.
“Of course, quotang quota tayo ngayong araw.”natutuwang sambit ni Dael.
“Here’s a wine, Missus, thanks for the call.”nakangiti nilang sambit at naghagis ng alak sa akin.
“Thanks.”sambit ko naman at ngumiti rin pabalik.
Ang pulang button kasi nandito sa notebook namin ang magtatawag sa mga grim reaper na siyang nanghuhuli at sumusundo ng mga espirito.
Nagsialis naman na ang mga ito. Nginitian ko lang sila at tinanguan, mabilis lang naman na nawala ang mga ito.
Napatingin naman ako kay Atchangel na nanatili pa rin sa kanyang pwesto, pilit pa ring pinapatulog ang kanyang sarili.
“Hey.. they’re gone.”sambit ko sa kanya. Mukha naman akong hindi naririnig nito at nakapikit pa rin. Hindi ko tuloy maiwasang mas lumapit pa sa kanya.
“Hey, don’t be scared na, they are already gone now.”sabi ko sa kanya. Hindi ko naman ito magawang tapikin kaya hinagisan ko na lang siya ng unan. Napakunot naman ang kanyang noo saka lang napatingin sa akin.
“What are you doing here? Where are they?”tanong niya na nagtataka.
“It’s okay now, wala na.”sabi ko naman at nginitian siya. Tila nakahinga naman ito ng maluwag ngunit nananatili pa rin sa kanyang pwesto.
“You can sleep peacefully now.”sabi ko sa kanya at ngumiti. Umiling naman siya at umupo sa kanyang kama.
“Wala o meron mang kaluluwang nandito, I can’t really sleep easily.”malungkot niyang saad.
“Huh? Bakit naman.”tanong ko sa kanya.
“Insomia.”sabi niya na napakibit ng balikat.
“They were here because of that, they were here becausw they know that I’m awake.”sabi niya na napabuntong hininga pa. Hindi ko naman tuloy maiwasang lapitan siya.
“Tara sa labas, you should calm down first.”sambit ko. Tinignan niya naman ako ng nagtataka. Walang sabi sabi naman akong umakyat patungo sa taas ng bahay niya.
Napaawang naman ang labi niya habang nakatingin sa akin.
“Come here.”sabi ko at ngumiti pa. Nagtataka man, nagtungo pa rin siya.
“Teka, diyan ka lang.”sabi ko nang makaupo na siya sa tabi ko. Nagtungo naman na ako sa loob ng bahay niya at naghanap ng pupwedeng pampatulog. Kumuha na lang ako ng chamomile tea na nandito.
Pinagtimpla ko naman siya, nagulat naman ako nang makitang nasa likod ko na siya.
“What are you doing?”tanong niya.
“Making you some tea.”sabi ko at nginitian siya. Tinignan niya naman ako bago niya kinuha ‘yon, sabay naman kaming bumalik sa taas ng bahay niya.
“I don’t know if it will help you, but you know what when ever I’m stress and really having hard time in life, I’m just looking at the moon. It really calm me.”sabi ko sa kanya at ngumiti.
Napatingin naman siya doon at binalik ang tingin sa akin, ngumiti naman ito dahil dito. Nakita ko pa ang pagsimsim niya ng tea.
“I’d already tried drinking this tea, It doesn’t really help.”sabi niya na napanguso.
“Eh, bakit hindi mo sinabi?”tanong ko naman at napanguso. Napakibit naman siya ng balikat. Parehas lang naman kaming nakatingin sa langit.
“It was really scary to be in that dark room, bigla bigla na lang ay may susulpot na ligaw na kaluluwa, akala ko masasanay na ako ngunit kahit ilang taon ko nang nararanasan? I can’t really get used to it.”sabi niya naman na malungkot pang ngumiti.
“I really want to sleep in peace but the thing is I can’t.. nakakainggit ‘yong mga taong pagkapikit pa lang nila’y nakakatulog na agad.”sabi niya ng natatawa. May mga tao pala talagang malaking bagay iyon no?
Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Akala ko kapag nalaman ko na ang mga gustong malaman dito, hindi na ako makukuryoso sa kanya ngunit bawat araw mas parami ng parami ang gusto kong malaman tungkol dito.
Hindi ko rin maiwasang unti-unting humanga sa kanya, ang tatag niya para lagpasan ang araw araw na ‘yon.
“I don’t really know what to say.. hindi ko naman masabing matulog ka lang at huwag mag-isip ng kung ano, alam kong mahirap ‘yon gawin.”sabi ko sa kanya.
“But for now, I’ll be here for you..”sabi ko at ngumiti.
“I’ll make you sleep early today.”sambit ko at ngumiti.
“Let’s go.”sabi ko at tumayo. Naglahad nanaman ng kamay sa kanya kahit alam ko naman na tatagos lang ito. Napakunot ang noo niya sa akin ngunit ngumiti lang ako.
Bumaba naman kaming dalawa sa taas ng bahay niya at pumasok sa kwarto nito. Pinahiga ko naman siya. Humiga naman ito ng nagtataka.
“Just think that I’m here beside your side, I’ll be here ‘till you sleep.”sabi ko at ngumiti. Napabuntong hininga naman siya at sinubukan pumikit.
I started singing, napamulagat siya ng mga mata dahil dito. Nagulat pa siya habang nakatingin sa akin.
“Sleep, I’ll sing a song ‘till you fall asleep.”sambit ko. Kinantahan ko lang ito habang nakatingin sa kanya. I use to sing a song kay Kaleb dahil dumating na kami sa puntong hindi makatulog dahil sa sobrang gutom.
It was really helpful. Hindi ko naiwasang mapangiti nang trenta minutos ang lumipas at tuluyan na itong nakatulog, nakailang kanta pa ako bago huminto at pagmasdan ito.
When I first met him, akala ko’y isa siyang barumbadong walang pakialam sa kapwa dahil maski ang Ate niya’y hindi magawang kausapin ng maayos. But now that I think about it he’s like a baby who needs care.
Hindi ko pa maiwasang mapangiti nang makitang mahimbing ang tulog nito ngayon, pinagmasdan ko lang siya, hindi alam kung kailan ito magigising sa nightmare na mapapanaginipan niya. Ang panalangin ko para sa kanya ay magsimula na siyang managinip ng magaganda. ‘Cause he deserve it.
BINABASA MO ANG
Touch of Death
FantasyMissus is a messenger between Living and Dead. She's a go-between. Pinapadala ang mga mensahe ng mga patay sa pamamagitan ng panaginip at mga mensahe naman ng mga buhay kapag sila'y nagtutungo sa sementeryo. Ngunit sa hindi niya inaasahang pangyayar...