Chapter 1

370 23 0
                                    

Chapter 1
Missus’s POV

“Suhz!”tawag sa akin ni Tatang Pedro.

“Po?!”agad naman akong napatayo sa kinauupuan ko kaya halos masubsob ako rito sa train na sinasakyan namin. Nagtawanan pa ang mga hinayupak na go-between na kasama ko.

“Pasensiya na po.”sambit ko na napakamot sa aking ulo. Hindi ko kasi naririnig na tinatawag ako nito.

“Ito ang sa’yo.”sambit niya na inabot pa sa akin ang isang papel. Napanguso naman ako nang makita ang pangalan ng pupuntahan ko sa panaginip, si Archangel nanaman ngunit bago ‘yon ay mayroon pa akong uunahin. Late kasi ata talaga kung makapunta si Archangel sa dreamland.

Napatingin naman ako sa mga kasama ko na kanya-kanyang mga usapan dito. ‘Yan hindi pa rin natututo ang ilang chismosa na nandito, ang iba kasing nandito’y ang mga mild lang ang kasalanan, ‘yong mga pwede pang pumunta ng Utopia. Hindi ko nga alam kung bakit nandito ako gayong ang dami dami kong nanakawan. Kasama pa naman din ‘yon sa sampung utos.

Lahat naghahangad na makarating sa Utopia, perpekto ang lahat doon ang sabi’y masaya raw na manirahan doon. Ang sabi sabi habang gumagawa ka raw ng good deeds, patuloy naman ang paggawa ng bahay mo sa Utopia kaya kung gaano karami ang mga nagawa mong mabuti, ganoon kaganda ang bahay mo sa Utopia.

Sigurado mga poste lang ang mayroon para sa akin doon. Napatawa na lang ako sa aking naisip.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa dreamland. Naglakad naman na ako palabas ng pinto. Dumeretso na sa masayang parte ng dreamworld. Napatingin naman ako nang makita kong bata ang pupuntahan ko, hindi ko maiwasang malungkot lalo na nang mabasa ko ang script. Wala na pala ang Daddy nito. Naglalaro lang siya ng mga manika habang may mga imaheng binubuo sa kanyang utak.

“Anak..”tawag ko sa kanya.

“Daddy?”tanong niya na hindi pa rin umalis sa pwesto niya. Mukhang sa panaginip nito’y buhay pa ang Daddy niya.

“Anak, halika na’t kumain, hindi maganda na nagpapalipas ka ng gutom.”sabi ko pa at ngumiti sa kanya. Automatic naman na mapapalitan ang mukha ko ng mukha ng Daddy niya. Ang ilan kasi’y nasa Utopia na at gusto lang kamustahin ang kanilang pamilyang naiwan, hindi naman sila pwedeng bumalik dito sa afterlife dahil mahihirapan silang bumalik sa Utopia.

“Mamaya na po, Daddy, dito lang po ako. Ayaw ko pong iwanan si Daime.”sabi niya pa at ngumiti, tinutukoy ang kanyang laruan.

“O siya sige, pero huwag kang magpapalipas ng gutom, Nak, ahh, Bantayan mo rin ang Mommy mo, okay? Pati ang bago mong kapatid.”sabi ko na hinaplos pa ang buhok nito.

Hindi naman siya nagsalita at patuloy lang na naglalaro. Tumayo naman na ako sa pagkakatapat ko sa kanya at aalis na sana kaya lang ay bigla itong tumakbo, niyakap ako ng mahigpit.

“Daddy.. huwag mo akong iwan.. Daddy, parang awa mo na..”patuloy lang ang pag-iyak nito. Wala na ring nakasulat sa script kaya hindi na ako nagsalita. Niyakap ko lang ito ng mahigpit hanggang sa tuluyan na akong nawala sa kanyang paningin.

Nagtungo naman na ako sa kwarto ni Archangel. Lahat na ata ng good deeds ng Ate niya napangbayad na para lang masabi ang mensahe nito sa kapatid ngunit hanggang ngayon hindi pa rin ito nakakaalis sa nightmare side ng dreamland.

Dumeretso naman na ako doon, pagkabukas ko ng pinto, agad na lang akong nagulat nang makitang walang mga masasamang nilalang ang nandito ngayon. Nakita kong nasa dagat kami. Nakita ko ang isang batang lalaki, may kausap na matandang babae, maya-maya ay hinila siya patungo sa dagat, unti-unti naman ng nawala ang matandang babae.

Napakunot naman ang noo ko nang hindi pa rin makita si Archangel. Saka ko lang napagtanto na siya ang batang lalaking ‘yon. Agad akong nagtungo sa dagat at lumangoy. Maya-maya lang ay nakita ko si Archangel sa kanyang totoong itsura. Agad ko ‘yon hinala papataas.

Hindi na ako nabigyan pang tiyansa na kausapin siya dahil tuluyan itong nagising. Nakita ko naman sa screen na nasa likod niya na hinihingal itong bumangon.

Sa ilang araw kong pagtungo sa kanya, hindi ko maiwasang maawa dahil wala atang araw na hindi siya binabangungot. Well, sino nga ba ako para maawa sa kanya?

Nang makalabas na ako sa doon, nagtungo naman na kami sa afterlife. May ilang bahay din dito at maingay ang lugar, napailing na lang ako nang makitang nililibang ng ilan ang kanilang sarili, walang araw at gabi dito, hindi mo na kailangan pang matulog.

Pupwede naman kaming magtungo sa Living realm  kung gugustuhin namin. Kailangan mo nga lang ng good deeds na ipambabayad. Kumbaga ang pera dito sa afterlife ay ang good deeds na nagawa mo sa baba. Kaya kahit na sobrang yaman mo pa sa baba hindi mo maidadala ‘yon dito, ang kabutihan sa’yong puso ang tanging kailangan mo.

“Suhz, get ready na raw, aalis na ang train patungo sa Living realm.”sambit nila sa akin dahil nagpapahangin lang ako dito habang pinagmamasdan ang mga taong nandito sa afterlife.

Nagtungo naman na ako sa train na magdadala sa amin sa Living realm. Habang lulan lulan ako nito. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil tutungo na kami roon, makikita ko na ulit ang kapatid ko.

Pupwede kasi kaming magliwaliw kapag natapos nanamin ang trabaho, 12 hours din kasi bago bumalik ang train sa afterlife. Alasais sa umaga ang byahe patungo rito at alasais naman ng gabi pabalik doon. May quota rin kaming sinusundan kada buwan.

Maya-maya lang ay nakababa na kami, excited ang iilan sa amin ngunit ang iba naman ay mas masaya pa sa afterlife dahil parang ganito rin naman doon, habang hinihintay nga lang kung saan tutungo, sa Utopia ba o ‘di naman kaya ay sa underworld. Kapag dumeretso ka kasi doon, wala ng trial trial kung mabuti ka bang tao o ano. Talagang wala ka ng magagawa pa, kabaliktaran ‘yon ng Utopia.

Lumabas naman na kami ng train. Nagtungo na sa sementeryo, hindi naman kasi namin kayang alamin ang nasa isip ng isang tao kaya naman madalas ay talagang kailangan sa kanila mismo manggaling ang mga salitang gusto nilang sabihin sa kanilang pamilyang pumanaw.

Naglakad-lakad naman na ako habang patungo doon, may iilang kaluluwang nasa isang tabi lang, ang dudungis ng mga ito kumpara sa amin, paano’y ayaw pa nilang magsitungo sa afterlife, may mga taong namumuhay pa na para bang normal pa ang mga buhay nila. Ayaw tanggapin ang tadhanang para sa kanila. Napakibit na lang ako ng balikat.

May bumulaga pa sa akin ngunit hindi ko siya pinansin, normal na normal na lang naman sa akin ‘to, mas nakakatakot pa nga ang mga nasa nightmare.

Hindi naman sila pinipilit na magtungo doon, nasa sa kanila na lang ‘yon, mahihirapan nga lang sila kapag nasa afterlife na lalo na kung nanggugulo ang mga ito. Worst scenario ay ang ipadala sila sa underworld.

Maya-maya ay nakita ko na ang ipinunta ko dito. Si Anita. Nakita ko siyang umupo na sa tapat ng puntod. Inihanda ko naman na ang notebook ko at naupo sa tapat nito.

“Hi, Ma, kamusta ka na? Miss na miss na po kita, kumakain naman po kami ng mabuting magkakapatid, huwag po kayong mag-alala sa amin—“wala akong pinalagpas sa kahit anong mensahe niya, lahat ng sinabi niya’y sinulat ko, maski ang pagkukwento nito sa mga nangyayari sa kanila, paniguradong matutuwa ang Mama niyang nasa Utopia na.

“Nakikinig ka, Ma? Lumakas bigla ang hangin e.”sabi niya pa at ngumiti. Oa naman nitong si Anita, umihip lang ang hangin, ang Mama na raw niya. Napakibit naman ako ng balikat.

Maya-maya ay tumayo na siya. Naghanap pa ako ng isa pang kailangan kong kuhanan ng mensahe. Nakita ko naman na ito. Hindi ko tuloy naabutan ang una niyang sinabi, ang dami dami kasing kwento ni Anita. Sinulat ko na lang ang mga narinig ko.

Nang matapos ay naglakad lakad na ako paalis. Palabas na sana ako sa sementeryo nang makita ko si Paulita na siyang napapakamot lang sa ulo habang nakatunganga sa isang tabi.

“Anong problema mo?”tanong ko sa kanya at tinignan naman ang lalaking nakaupo lang sa tapat ng puntod. Hindi ko naman makita ang mukha nito.

“Hindi naman nagsasalita, Suhz, sa iba na ako.”sabi niya na medyo iritado pang umalis. Natatawa naman akong napakibit ng balikat sa kanya, aalis na rin sana ako para makapagliwaliw nang makita ko ang mukha no’ng lalaki. Si Archangel!

Napasilip naman ako sa puntod na tinitignan niya. Dalawang buwan pa lang simula ng mamatay ang Ate niya at limang beses na agad itong nagpadala ng mensahe para sa kanya. Madalang lang kasi ang pagpapakita sa panaginip. Minsan nga lang sa isang buwan o mas madalang pa roon.

“What are you looking at?”tanong niya na nilingon pa ako. Nanlaki naman ang mga mata ko at nilingon lingon pa ang paligid ngunit ako talaga ang kinausap nito. Agad siyang napaiwas ng tingin nang may mapagtanto ito.

Hindi ko alam kung coincidence lang ba ‘yon ngunit agad ko siyang nilapitan at naupo sa tapat niya. Hindi naman siya nakatingin sa akin.

“Nakikita mo ako?”tanong ko pa sa kanya. Hindi naman siya nagsalita, hindi ko tuloy alam kung coincidence lang talaga ‘yon ngunit wala namang tao.

“Nakikita mo ako no?”pangungulit ko pa bang nakangisi sa kanya. Parang wala itong naririnig. Mas lalo naman akong napangisi nang mapagtanto na naririnig nga rin ako nito dahil hindi siya lumilingon sa gawi ko.

“Nakikita ko ako!”tuwang tuwa na saad ko ngunit mas sigurado na ngayon. Hindi naman siya nagsalita at tumayo na, hindi man lang binati ang Ate niya. Pinaningkitan ko naman ito nang maglakad na siya paalis.

Hinarangan ko naman siya, mas lalo naman akong natuwa nang makitang umiwas ito ng daan, kung hindi niya talaga akonakikita, hindi niya na kailangan umiwas pa ng daan.

“Wow! Ang galing mo naman!”tuwang tuwa ko pang saad. Nang makalabas kami sa sementeryo ay hindi ko siya tinantanan.

“So nakikita mo rin ‘yon?”tanong ko pa nang may makitang ligaw na kaluluwa na nasa gilid namin, diretso lang naman ang tingin niya na para bang walang nakikita.

“Psst.”senyas ko naman sa kaluluwa. Tinuro ko siya para takutin.

“Huwag mo akong utusan!”galit na sigaw nito sa akin.

“Aba, attitude ka, gHorl?”natatawa kong sambit sa kanya ngunit sa huli’y tinakot din itong si Archangel ngunit nanatili lang seryoso ang mukha nito, tila ba walang nakita. Hindi ko tuloy maiwasang mapanguso, hindi ko tuloy alam kung nakikita niya nga ba ako. Kahit na ganoon, hindi pa rin ako tumigil sa kakasunod sa kanya.

Kung nakikita niya nga talaga ako, pupwede ko siyang tulungan at pupwede niya rin akong tulungan!

Sumakay naman na siya sa kanyang mustang. Hindi ko naman maiwasang matuwa habang sumasakay sa front seat niya. Kahit pagsaraduhan pa ako nito, tatagos pa rin naman ako dito.

Hindi ko naman siya ginulo sandali dahil abala akong tumitingin sa paligid at sinabayan pa ang kanta na pinapatutog niya rito sa kotse niya.

Nagtungo lang kami sa isang supermarket, pakanta kanta pa ako habang nakasunod sa kanya. Hindi ko pa maiwasang matuwa  habang nakasakay sa cart niya, gustong gusto ko itong gawin noon ngunit lagi akong napapaalis sa supermarket.

“Candy bili ka!”sambit ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at napagtuloy lang sa pagkuha ng mga bilihin, napangiwi naman ako sa kanya dahil dito.

“Damot! Candy lang e!”saad ko pa na sinimangutan siya ngunit katulad kanina, parang wala itong naririnig.

Nang matapos ay dinala niya lang ang mga pinamili sa kotse niya. Sumakay naman ulit kaming dalawa. Maya-maya lang ay nakababa kami sa isang bahay, hindi ko alam kung bahay niya ba ito o ano ngunit mukha ngang bahay niya.

“How long are you planning to follow me?”tanong niya na kinunutan ako ng noo. Saka lang ako nakasigurado na nakikita niya nga talaga ako.

“’Till you die. Buwahahahahaha!”tumawa pa ako na nanakot ngunit napailing lang siya sa akin tila ba sinasabihan akong abnormal nito. Hindi ko naman maiwasang mapanguso dahil do’n.

Touch of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon