Chapter 13
Missus’s POV“Suhz, water oh.”abot ng tubig ni Analita sa akin.
“Salamat.”sabi ko at ngumiti.
“Analita, Suhz, Cain! Nakita raw ang halimaw sa dulong bahagi ng living realm!”malakas na sigaw ni Paulita. Kanya kanya naman kaming tayo.
It’s been 3 days at hanggang ngayon ay hinahanap pa rin namin ang mga nakawala sa dreamland. ‘Yon ang dahilan kung bakit kami pinagtawag noong nakaraan. Ilang messengers ang may kasalanan kaya naman kami ang naglilinis ng mga kalat na ginawa ng mga ito.
3 days na rin naming kinikolekta ang mga ito. Masiyado silang marami at siguradong makakaperwisyo sila sa mga tao kung sakali.
Malakas ang kaba ko noong nakaraan dahil akala ko ako ang dahilan kung bakit kami pinapabalik sa afterlife. Hindi ko tuloy kung dapat pa rin ba akong kabahan.
Sumakay naman na kami sa magic clouds na hindi talaga pinapagamit sa amin, depende na lang kung kailangan na kailangan talaga. Parang pumikit lang kami at nandito na agad sa lupa.
Kanya-kanya naman kaming hanap sa mga halimaw, nasa maginaw at mahangin kaming lugar ngayon.
“Fuck!”malakas kong sigaw dahil may biglang dumaan sa harapan ko. Nagulat pa ako dahil akala ko kung sino ngunit si Analita lang pala. Napailing na lang ako sa kanya.
Last set na nang mga nakawala sa dreamland ang huhuliin namin at bibigyan kami ng one week pahinga ng aming boss na si Tatang Pedro. Aba, dapat lang, siya kaya itong may kasalanan kung bakit nakawala ang mga iyon, paano’y nagawa pang makipagkwentuhan sa mga gwardiya at higit sa lahat nakipaginuman pa.
Maya-maya lang ay nahuli na namin ang mga iyon. Nilagay lang nina Analita sa botelya at kanya-kanya na kaming sakay sa magic clouds.
Nang makarating kami sa dreamland ay agad kaming sinalubong ni Tatang Pedro.
“Hay nako, salamat sainyo! Makakahinga na ako ng maluwag.”sabi nito. Pare-parehas naman namin siyang inilingan ng dahil dito.
“Nako, Tatang Pedro, isusumbong ka na talaga namin. Wine pa.”sabi ni Analita na tumalon sa magic clouds.
“’Di bali, bibigyan ko naman kayo ng isang linggo para magliwaliw. Saan niyo gusto? Sa paradise island ba?”tanong niya. Agad na nagsigawan ang mga ito at tuwang tuwa sa suhestiyon ni Tatang Pedro.
Sikat kasi ang paradise island dito sa afterlife, maraming pupwedeng gawin doon, magswimming at kung ano ano pa, halos lahat gustong magtungo doon. Napangiti na lang ako para sa kanila.
“I’ll go to living realm na lang, Tatang Pedro.”sambit ko. Lahat tuloy sila ay napatingin sa akin.
“Hala, ayaw mo sa paradise island, Suhz? Minsan lang ‘yon, nako!”sabi sa akin ni Paulita. Nginitian ko lang naman sila. Nandoon pa rin ang pagtataka nila sa akin ngunit nagpalusot na lang ako ng kung ano.
“Ganoon ba? O siya sige, ikaw ang bahala.”sabi naman ni Tatang Pedro sa akin. Nandoon ang pag-aalinlangan sa kanyang tingin ngunit tinanguan niya lang ako.
Kinabukasan ay dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat, kanya-kanya na silang sakay sa bangkang maghahatid sa kanila patungo sa paradise island habang ako naman ay nagtungo na sa train patungo sa living realm.
Napangiti naman agad ako, 1 week din ako dito, ano kaya ang gagawin ko? Agad kong binisita ang kapatid ko ngunit hindi ko siya nakita sa bahay, naisip ko naman na nasa school na ito. Nagtungo na lang ako doon ngunit walang ni isang estudyante akong nakita. Hindi ko tuloy maiwasang mapanguso habang naglalakad lakad.
BINABASA MO ANG
Touch of Death
FantasyMissus is a messenger between Living and Dead. She's a go-between. Pinapadala ang mga mensahe ng mga patay sa pamamagitan ng panaginip at mga mensahe naman ng mga buhay kapag sila'y nagtutungo sa sementeryo. Ngunit sa hindi niya inaasahang pangyayar...