Chapter 24

147 17 0
                                    

Chapter 24
Missus’s POV

Agad akong napahinto nang tawagin niya ang pangalan ko. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya dahil do’n. What was that? Did I heard it right? Hindi ba ako nag-hahallucinate? Tinawag pa ba talaga niya ako?

Napahiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. Nakatingin lang naman siya sa akin na parang wala lang ‘yon.

“What did you just say?”tanong ko na nagtataka sa kanya.

“I’m sorry for what I’ve said, Missus..”pabulong na saad niya habang nakatingin sa akin. Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

“I didn’t really mean it..”sabi niya pa kaya napatitig lang ako sa kanya. Ni hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung totoo bang kinakausap niya ako o ano.

“Paanong—“halos hindi ko maituloy ang sasabihin habang nasa kanya lang ang mga mata.

“Paanong nakikita mo ako?!”gulat na gulat kong tanong habang nakatingin sa kanya.

“I can see you since the very first day..”sabi niya kaya hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. How can he talk to me? I mean, yes, he can pero para ‘tong totoong totoo at parang siya talaga. Hindi lang Archangel sa panaginip.

“My sister never call me Archangel.”sambit niya sa akin kaya hindi ko rin alam kung paano ako magrereact. Gulat na gulat pa rin ako habang nakatingin sa kanya. What the heck? Pupwede ba ‘yon? Ako ba ang may kasalanan? Aba’t ako ang malilintikan kay Tatang pedro kung sakaling hindi sa system ang may mali.

“That’s why you’re familiar when I saw you in the cemetery.”sabi pa niya sa akin kaya nanliit ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

“Huh? So you know me from the start? Bakit hindi mo sinabi?!”naguguluhan kong tanong sa kanya.

“I don’t know, I thought I was just hallucinating. Paanong ‘yong babaeng nasa panaginip ko na siyang nagligtas sa akin sa pagkalunod ay bigla na lang magpapakita kinabukasan.”sabi niya na napakibit ng balikat.

“And worst she’s a ghost.”aniya pa kaya hindi ako makapaniwalang nilingon siya. Nginitian niya lang ako. Agad ko siyang nginiwian dahil do’n, akala ata nito’y hindi ko nakakalimutan na hindi pa kami ayos.

“Huwag mo akong ngiti-ngitian diyan, Archangel, hindi tayo close.”sabi ko kaya napanguso siya.

“I’m really sorry, Missus..”aniya at hindi alam kung paano siya hihingi ng tawad. Tinignan ko lang siya, mukhang sincere naman siya kaya lang ay naiirita pa rin ako kapag naalala ko ang pagtataboy niya sa akin.

“Well, tama ka naman, wala naman na dapat tayong koneksiyon pa sa isa’t isa.”sabi ko pa kaya agad siyang napatingin sa akin.

“I didn’t mean it, I see you as my friend.. or even more than that..”pabulong niyang saad kaya nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya.

“Huh?”tanong ko kaya napatawa siya ng mahina.

“I’m just kidding.”sabi pa niya.

“But yeah, magkaibigan tayo, I don’t know how to say sorry to you.”aniya pa.

“Apologize accepted.”natatawa ko na lang na saad at napakibit ng balikat. Imbis na umalis na rito sa kwarto niya’y nanatili pa rin ako. Bahagya naman akong nagulat nang ang dilim mula rito’y nabahiran ng mga bituin sa kalangitan. Hindi lang basta bituin dahil kitang kita rin ang mga planet dito.

“Wow!”bulalas ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kalangitan. Napangiti pa ako habang nakataas ang mga kamay na wari’y kinukuha ang mga ‘yon. Kamangha mangha ang mga naglalakihang planetang makikita mula rito. Sa dreamland kasi lahat ay posible. Napangiti na lang ako habang nakatingin do’n.

Tahimik lang kami ni Archangel habang nakatingin lang sa panaginip niya.

“But tell me.. may nagawa na akong mali?”hindi ko maiwasang itanong sa kanya.

“Bakit bigla ka na lang nagalit? Hindi naman siguro dahil lang sa wala, hindi ba?”tanong ko pa at bahagya siyang nilingon. Nakatingin lang naman siya sa kalangitan. Akala ko’y wala itong balak sagutin kaya napakibit na lang din ako ng balikat at hahayaan na sana ngunit maya-maya lang ay nagsalita ito.

“When I was young, I think I was 7 that time, my Tita brought me to the sea..”pag-uumpisa niya habang nakatingin lang sa kawalan. Bahagya naman akong napalingon sa kanya.

“I thought it was a happy trip.. I was happy lalo na no’ng makita ko ang mangasul ngasul na tubig, naririnig ang hampas ng alon mula sa dalampasigan, makikita ang asul at maraming ulap na kalangitan..”pagkukwento niya.

“I still remember how excited I am lalo na’t kasama ko ang Tita ko.”sabi pa niya. Kita ko pa ang paglunok niya tila ayaw nang maalala pa ‘yon. Agad ko namang hinawakan ang kamay niya dahil dito.

“You don’t have to talk about it kung hindi ka pa handa.”sabi ko sa kanya at bahagyang ngumiti. Umiling naman siya sa akin at nginitian lang din ako bago siya nagpatuloy sa pagkukwento.

“But little did I know that trip will change my whole life..”sambit niya pa at bahagya pang kumuyom ang kamaong hawak hawak ko pa rin ngayon.

“I almost drown..”sabi niya kaya napaawang lang ang mga labi ko habang nakatingin sa kanya.

“I—I was almost drown by my auntie.. kung hindi pa siya naawat ng kung sino’y paniguradong wala na ako.”aniya pa. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

“But you know what she said after that? Na dapat namatay na lang ako dahil pasakit lang daw ako sa buhay nila.”mas humigpit naman ang pagkakahawak ko sa kanya dahil do’n.

“My sister is just my half sister, hindi ako matanggap ng Tita ko dahil anak ako sa labas ng Papa ko at mismong sa kapatid niya pa.”sabi niya.

“Ang daya nga ni Mama e, sana no’ng namatay siya sinama niya na lang din ako.”natatawa pa niyang saad kaya agad akong nagsalita.

“Don’t say something like that..”sabi ko at napanguso.

“Pero do you even know what worse?”tanong pa niya sa akin.

“Wala man lang ginawang kung ano ang Papa ko nang mabalitaan niya ang ginawa sa akin ni Auntie kasi mismong siya tingin sa akin ay kasalanan.”kita ko ang nagdaang sakit mula sa kanyang mga mata.

“That was also the day I started seeing ghost, kahit anong sabihin ko, walang kahit na sinong naniniwala sa akin, they thought I was just hallucinating.”sabi pa niya.

“I wish I were there..”pabulong na saad ko. So I can comfort him.

“But it’s fine now, I’m glad that I can see ghost because I met you..”aniya. Napatingin naman ako sa kanya ngunit ang mga mata nito’y nasa kalangitan pa rin ang tingin.

“That’s why I’m really sorry... I didn’t mean to be like that. Hindi ako galit o ano, I was scared that day when you brought me to the sea, I thought you’ll just do what my Auntie did to me. It reminds me of how scared that day..”sambit niya kaya nilingon ko siya.

“If I ever that you want to go there, I can come with you.”sabi ko at nginitian siya. Hindi man ngayon pero kapag dumating ‘yong araw na ‘yon gusto ko siyang samahan.

“Thank you, Missus..”aniya at bahagya pa akong niyakap. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil do’n.

“Thank you for listening.”sambit niya pa nginitian ko lang naman siya.

“If you need a listener, I can lend you my ears.”sabi ko pa sa kanya, parehas lang naman kaming ngumiti sa isa’t isa bago binaling ang paningin sa kalangitan.

Halos umabot ako ng ilang oras habang nakikipagkwentuhan lang sa kanya.

“I’ll go now, I’ll see you later!”nakangiti kong saad sa kanya at bahagya pang kumaway nang tuluyan na akong umalis mula sa kanyang kwarto. Nang lumabas ako’y ako na lang pala ang hinihintay nila.

“Ang tagal mo!”sambit ni Analita nang makita ako. Malapad naman ang ngiti kong nagpeace sign sa kanila. Hindi naman na nawala ang ngiti mula sa mga labi ko habang namamasyal sa afterlife. Maya-maya lang din ay tinawag na kami para magtungo sa living realm.

Tinapos ko lang sandali ang trabaho ko at nagtungo na rin kay Kaleb kalaunan. Dumeretso na ako sa eskwela nila dahil sigurado akong nandoon na ‘yon dahil anong oras na.

Napangiti naman ako nang makitang magkasama si Kaleb at Oscar. Nagkukwentuhan lang sila patungkol sa kung ano. Mabuti nga’t hindi na nila pinapatulan pa ang sinasabi sa kanila ni Jericho kapag dumadaan ito.

“Karaoke tayo mamaya!”pagyayaya ni Alex nang maupo sa tabi nila. Basta talaga galaan ay magaling ang isang ‘to.

“Hard pass.”sabi ni Kaleb at umiling sa kanila.

“Parang tanga naman ‘to, minsan lang naman!”sabi pa ni Alex. Sinundan naman ng pagsang-ayon nina Margo.

“Ikaw, Oscar? G ka na?”tanong nila kay Oscar na hindi naman nagsasalita. Lahat naman sila’y nakatingin dito ngayon.

“G.”sabi niya naman at napakibit ng balikat. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil do’n. I hope they can be friends upang gigising si Kaleb hindi lang dahil kailangan.

“Hoy, ano, Kaleb? G na kasi! Tama na kakaaral, hindi pa ba napipiga ‘yang utak mo?”tanong pa nito sa kanya. Nailing na lang si Kaleb sa kanila at mukhang wala talagan balak sumama.

“Saglit lang tayo! Libre naman ni Alex.”sabi ni Margo kaya binatukan siya ni Alex.

“Palagay mo sa akin, sobrang yaman?”natatawa nitong tanong. Nailing na lang ako habang pinapanood sila. I would like to see Kaleb hanging out with his friends. Hindi naman magandang pinipiga ang utak nito kakaaral. Kahit minsan lang ay kailangan din namang magliwaliw. Hindi masamang itreat mo ang sarili mo.

Nagtungo na rin naman ako kalaunan patungo sa statition para bisitahin si Archangel.

“Good morning!”nakangiti kong bati sa kanya nang makita siyang papalabas ng station. Bahagya naman ‘tong nagulat sa presensiya ko.

“You’re not avoiding me anymore?”tanong niya sa akin na nagtataka. Agad naman akong napanguso dahil do’n. Ang unfair talaga! Hindi nga pala niya buong maalala ang kung ano mang napanaginipan.

“Don’t tell me you forgot that you saw me in your dream earlier?”hindi ko makapaniwalang tanong.

“What dream are you talking about?”tanong niya pa sa akin.

“Don’t tell me it’s really real?”tanong niya pa sa akin tila ba naalala ang ilang pinag-usapan namin. Napakibit ako ng balikat.

“Forget it if you want. You can just forget that I forgive you.”sabi ko pa nakibit na balikat at tumalikod pa. Napatawa naman siya ng mahina at sinubukan pa akong hilain ngunit nakalimutan ata nitong para lang akong hangin. Hindi ko naman mapigilang mapanguso, mabuti pa sa dreamland ay nahahawakan ko ito.

“I’m just kidding.”natatawa niyang saad.

“Of course I remember it all.”sabi niya pa at ngumiti sa akin. Hindi ko naman mapigilang panliitan siya ng mga mata.

“Talaga? So naalala mo rin na sinabi mong ipapasyal mo ako pambawi?”tanong ko pa sa kanya kaya agad siyang napatikhim. Napatawa naman ako ng mahina, mukhang hindi niya nga naalala ang lahat. Hindi niya naman alam kung anong sasabihin kaya napailing na lang ako sa kanya.

“Did I really said that?”tanong niya pa sa akin na nakanguso.

“I thought you remember it all?”natatawa ko pang tanong.

“Fine, I just remember some of it, like when I told you about what happened that day..”sabi niya pa.

“How do you even know about my dream? Are you really there? Is it really you who I’m talking to?”naguguluhan niyang tanong. I can’t say that kaya naman nanahimik lang ako. Hindi kasi namin pwedeng sabihin ang mga bagay na dapat ang mga tao lang sa afterlife ang nakaalam. Paniguradong pupunuin kami ng sermon and worst baka hindi lang ‘yon, baka ipadala pa kami mismo sa underworld.

“It’s fine, you don’t have to answer some of that but may I ask you one thing?”tanong niya sa akin. Nilingon ko naman siya at tumango.

“We’re okay now, right?”tanong niya pa kaya napatawa ako ng mahina.

“Medj.”natatawa kong saad kaya napailing na lang siya at napangiti.

“We’re fine now.”siya na mismo ang sumagot do’n bago malapad na napangiti. Maski ako’y nahahawa na lang din mula sa mga ngiti nito sa labi.

Touch of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon