Chapter 22

143 18 0
                                    

Chapter 22
Missus' POV

"Ano ba, Oscar? Tigilan mo nga si Kaleb, para kang tanga, hanggang ngayon ay dinadala mo pa rin 'yang ugaling pang elem mo rito."puna ni Dame kay Oscar. Napakunot naman ako ng noo sa kanila. Kararating ko lang kasi, medyo matumal ang mga kliyente sa sementeryo, agawan pa kami ng mga kasama ko dahil gustong gusto na rin nilang makaquota at magtungo na sa utopia.

Kita kong lukot lukot ang kwelyo ni Kaleb, hindi ko alam kung si Oscar ba o 'yong kaibigan niyang mukhang bisugo. Aba't ang lakas din kasi ng topak ng isang 'yon. Parehas ko silang nilapitan at nilingon si Kaleb.

"It's fine."naiiling na lang saad ni Kaleb, paniguradong hahayaan niya nanaman kung ano man ang ginawa sa kanya ng pinsan.

"Ano ba kasing problema mo rin, Jericho? Para kang tanga. Kasalanan ba ni Kaleb na mukha kang bisugo?"mayabang naman na tanong ni Alex kay Jericho. Kung kasalanan man ang tumawa'y paniguradong dagdag nanaman ang kasalanan ko. Napanguso na lang ako para pigilan ang tawa.

"Anong sabi mo?"inis na tanong ni Jericho at agad na kinuwelyuhan si Alex.

"Sabi ko kasalanan ba ni Kaleb kung mukha kang bisugo at kung nakipagbreak ang girlfriend mo sa'yo dahil halos higupin mo na ang buong bibig nito."sabi pa ni Alex kaya bahagyang napatawa ang mga kaklase namin. Isa rin 'tong siraulo na dinagdagan at inulit pa ang sinabi.

Sa sobrang pikon ni Jericho'y agad siya niting sinuntok ngunit parang wala lang naman 'yon kay Alex, malapad pa nga ang ngisi mula sa kanyang labi at mas lalo pang nang-asar. Susuntok pa sana si Jericho ngunit agad 'tong nahawakan ni Kaleb at nilayo na rin sa kaibigan. Well, mabait na estudyante ang kapatid ko e.

"Isa ka rin, tangina mo!"galit na saad sa kanya mi Jericho at sinuntok pa 'to sa mukha. Nakita ko naman ang pagkuyom ng kamao ni Kaleb dahil do'n ngunit tumayo lang siya at pinagpagan ang nadumihang damit. Nailing na lang siyang tinalikuran 'to.

"Huwag kang feeling santo, tangina mo, magnanakaw lang naman kayong dalaw ng Ate mo!"mapang-asar pa niyang saad do'n. Natigilan naman ako dahil sa sinabi nito maski si Kaleb ay napahinto sa pagbalik sa kinauupuan niya. Napakagat naman ako sa aking labi dahil do'n, hindi ko naisip na nakakarating din pala sa mga kaklase niya 'yon, paano pa kaya no'ng nabubuhay pa ako? Hindi kasi 'to nagkukwento kailanman, lagi'y sinasarili lang ang lahat. Hindi nagsasabi ng kung anong bayarin dahil alam niyang kung saan ko nanaman kukuhanin.

Himdi ko alam kung ano ang pinagdadaanan niya sa school dahil pagdating sa bahay ay lagi lang naman nakangiti na para bang walang problema, akala ko'y ayos nga lang talaga ang lahat. Saka ko lang nalaman nang mamatay ako at bisitahin 'to sa school na nabubully pala siya.

"Oh, bakit natigilan ka? Hindi ba't totoo naman? Parehas lang kayo ng Ate mong magnanakaw!"natatawa niya pang saad. Wala pang isang segundo'y nasa sahig na 'to. Bahagya pa akong nagulat nang makita ko rin si Oscar na siyang sumusuntok din katulad ni Kaleb. Parehas silang mukhang iritadong iritado kay Jericho.

"Tangina mo, manahimik ka bago ko pa putulin 'yang dila mo."galit na saad ni Oscar sa kanya. Bahagya naman akong nagtaka dahil sa inaasal nito, well, noong mga bata kami'y mas malapit siya sa akin kaysa sa Ate niya dahil na rin kasi kay Kaleb pero saka ko lang din nalaman no'ng namatay ako na isa siya sa nangbubully dito or should I say siya ang pinakabully pagdating dito. Nakakapagtaka tuloy na galit na galit ito.

"Oh, bakit nakikisama ka, Oscar? Hindi ba ikaw naman 'tong mahilig mambully diyan kay Kaleb?"nakangisi pang tanong nitong si Jericho kahit na mukhang hirap na hirap na rin sa pagsasalita.

"Ikaw 'tong madalas na nanggugulo kay Kaleb kaya huwag kang magmalinis! Huwag mong sabihing hanggang ngayon umaasa ka pa ring magiging magkaibigan ulit kayo pagkatapos ng mga pinaggagawa mo?!"natatawa pa niyang saad. Parang gusto ko na lang tapalan ang bunganga nito dahil wala rin ata talagang balak huminto sa kakasalita kahit hindi naman kayang gumanti.

Ni walang isang gustong umawat sa kanila, maski ang mga kaibigan ni Oscar at gayon din ang mga kaibigan ni Kaleb na nakatingin lang sa kanila na pinagtutulungan si Jericho. Maski ang mga kaklase nila'y wala man lang nagtatawag ng guro. Hindi ko naman maiwasang kabahan sa takot na baka mapatay nila 'to. Baka mamaya'y masuspende rin sila. Sa sobrang takot ko'y sinubukan ko ng gumawa ng paraan. Ginalaw ko lang ang ilang bagay na nakita malapit sa mga ito at malakas na binagsak 'yon.

Agad silang natigilan ni Oscar do'n. Parehas pa silang nagkatinginan na dalawa. Agad nanlaki ang mga mata ni Oscar dahil do'n. Agad siyang napatayo at natakot habang si Kaleb naman ay tumayo na rin bago niya kinuyom ang kamao. Saka lang din naman dumating ang mga guro kung kailang tapos na ang gulo.

"Anong nangyari rito?"galit na tanong ng guro nang pumasok, agad niya ring nakita ang bugbog saradong si Jericho. Nakakaupo pa naman 'to. Walang kahit na sinong nagsalita, maski si Jericho'y hindi rin nagsumbong o ano.

"Ano? Walang magsasalita sainyo? Baka gusto niyong lahat kayo'y maparusahan!"sambit ng guro sa kanila.

"Walang aamin sainyo? Ano? Sige, idamay—"bago pa niya matapos ang sasabihin ay nagsalita na si Kaleb at Oscar.

"I was the one who hit him, Ma'am."

"Ako po ang may kasalanan."

Sabay na saad nina Oscar at Kaleb. Natigilan naman ang guro dahil do'n, parehas na nilingon si Oscar at Kaleb.

"Sabi ko na nga ba! Hindi na ako magtayaka sa'yo, Oscar!"sabi ng guro kay Oscar ngunit agad na tumayo si Kaleb.

"I was the one who started it, Ma'am. You can exclude Oscar. I can take responsibilty for what happened."sabi pa ni Kaleb kaya natigilan ang guro.

"Ma'am, ako po. Ako po ang may kasalanan ng lahat. Kaeb is a model student."sabi pa ni Oscar at napanguso na lang.

"Awwe, how sweet naman."mapang-asar na saad ni Jericho, hindi pa rin nadadala.

"They both did these to me, Ma'am, hindi naman pwedeng isa lang ang gagawa, baka sila pa 'tong unang bumagsak."mayabang pang saad ni Jericho. Napangiwi ako dahil imbis na magtungo na siya sa may clinic, nandito pa rin siya at nagyayabang. Ang ending tuloy, pinatawag si Tita para sa kasalan ni Oscar at Kaleb.

"Ano ba kasing iniisip niyo't talagang nakipagsuntukan pa kayo?"inis na tanong ni Tita sa kanila.

"Sorry po, Tita.."mahinang saad ni Kaleb habang nakayuko.

"Anong magagawa niyang sorry mo? May pera ka bang pampagamot do'n sa kaklase niyo? Aba't sa'yo pa nga lang ay hirap na hirap na kami! Nagdadagdag ka pa ng perwisyo!"galit na sambit pa ni Tita sa kanya. Hindi ko naman mapigilang mapasimangot habang tinitignan 'tong walang sawang nanenermon kay Kaleb na siyang tahimik lang at hindi sumasagot. Pinakinggan niya lang lahat ng binabato sa kanya ni Tita.

Ni hindi man lang nito pinagalitan si Oscar na siyang nakadequatro lang dito sa loob. Napairap na lang ako dahil do'n. Nang pumasok na sa kwarto si Kaleb saka niya lang pinagalitan ang anak.

"Kahit kailan ay napakapasaway mong bata ka! Hindi ka talaga nadadala!"inis na sermon sa kanya ni Tita. Napanguso lang naman 'to at bahagya pang sumasagot.

"Ma! Nakakaasar naman kasi talaga ang mukha no'n! Hindi ko maiwasang bingasan!"sabi pa ni Oscar kaya napailing na lang ako. Kahit nang pumasok ako sa kwarto ni Kaleb, naririnig ko ang sermonan nilang mag-ina.

Nakita ko naman si Kaleb na nakakuyom pa rin ang mga kamao. Nakailang buntong hininga pa ito bago siya naging abala sa mga gawain niya para sa eskwela. Pinapanood ko lang naman siya na nandito sa loob, suspended sila ng ilang araw kaya naman alam kong frustrated din ito sa nangyayari at nililibang na lang ang sarili sa pamamagitan ng pag-aaral.

"Hoy."sabay pa kaming napalingon sa may pintuan nang makita si Oscar na siyang nakatayo lang do'n. Parehas naman kaming nagtak ni Kaleb nang mapatingin dito, ano namaman ang ginagawa niya rito? Hindi pa ba siya napagod sa pakikipagsuntukan kanina at gusto namaman atang magsimula ng away kay Kaleb.

"What is it?"tanong ni Kaleb na nagtataka sa kanya. Hinagisan niya lang 'to ng maiinom. Bahagya naman akong nagulat do'n at nanliliit pa ang mga matang tinignan ulit siya. Ano kayang nakain nito at nang sa gayon ay maipakain ko ulit.

"Thanks."sabi naman ni Kaleb sa kanya.

"Salamat din kanina."saad pa ni Kaleb kaya agad niya 'tong nginiwian.

"Huwag kang feeling, banas lang talaga ako sa hinayupak na 'yon. Masiyadong mayabang."sabi pa ni Oscar.

"Sus! Parehas lang naman kayo!"natatawa ko pang saad kahit na hindi naman ako naririnig ni Oscar.

Napakibit na lang ng balikat si Kaleb at babalik na sana sa pagkakaupo sa lapag ngunit napatingin din kay Oscar na hindi mo malaman kung gusto bang lumabas o sadyang gustong manatili.

"Alam mo, banas din ako sa'yo e! Ang yabang mo masiyado!"inis na sabi pa ni Oscar sa kanya kaya nilingon lang siya ni Kaleb.

"Hindi ka pa ba pagod, Oscar? Aba't kanina pa kayo nakikipag-away."sambit ko kahit hindi naman talaga niya ako naririnig.

"Bakit hindi ka humingi sa akin ng tulong? Ang hirap kasi sa'yo, sinasarili mo lahat! Akala ko ba'y sanggang dikit tayo? Pero bakit bigla ka na lang nang-iwan?"iritado pa nitong saad habang nakatayo lang sa may pintuan. Kita ko naman na natigilan do'n si Kaleb. Maski ako'y ganoon din. Madalas kasi'y nakikita ko lang na nagyayabang 'tong si Oscar.

"Pupwede ka namang humingi sa akin ng tulong no'ng nawala si Ate Suhz ngunit mas pinili mong lumayo. Ang yabang mo!"iritado pa ulit na saad ni Oscar sa kanya bago pabagsak na sinara ang pinto. Rinig naman agad ang sigaw ni Tita dahil sa pagkalabog ng pinto ni Oscar.

Nang lingunin ko si Kaleb, nakailang buntong hininga lang 'to bago niya iwinaksi ang mga naiisip at nagsimula na ring mag-ayos ng gamit. Hindi ko na rin naman 'to na samahan pa dahil pabalik na rin kami sa afterlife.

Nang bumalik ako sa living realm, imbis na manatili sa bahay si Kaleb, nagtungo siya sa café para magtrabaho na lang. Hindi ko maiwasang matigilan nang makita ko si Archangel na siyang nasa may loob naman ng café. Napanguso na lang ako at hindi tumuloy. Bakit nga ba umiiwas din ako rito? Hindi ko rin alam.

Wala akong choice kung hindi ang magtungo na lang kina Lia, ganoon lang din makalipas ang ilang araw. Nakailang balik pa siya ro'n para bumili ng kape, hindi ko nga lang alam kung anong oras siya umaalis dahil hindi na ako bumabalik pa.

But this day is different. Mukhang wala siya ngayon, baka abala sa kaso. Malapad naman ang ngiti ko habang kinakausap si Kaleb.

"Kumusta ang araw mo ngayon, nakatulog ka ba ng maayos? Don't worry, babalik ka naman na sa klase bukas!"nakangiti ko pang saad sa kanya. Dire-diretso lang naman ang lakad nito dahil hindi naman niya ako nakikita.

"Huwag kang gaanong nag-iisip ng kung ano, bahala ka, ikaw din, baka mamaya'y mapabilis ang pagtanda mo."natatawa ko pang saad sa kanya dahil parang sobrang lalim ng iniisip nito.

Malapad na malapad ang ngiti ko sa kanya habang sumusunod lang kapag nagbibigay 'to ng order kung kani-kanino. Tanong lang ako ng tanong kahit hindi naman niya ako nakikita at naririnig.

Natigilan lang ako nang mapatingin sa isang taong prenteng nakaupo sa isang gilid habang nakatingin sa akin. Si Archangel! Sa iisang upuan malapit sa entrance 'to madalas umupo kaya akala ko'y wala siya! Bakit naman kasi nasa may pinakasulok siya ngayon?

Napaawang ang mga labi ko habang nakatingin dito, ni hindi ko na minemorya ang mukha at ang ekspresiyon ng mukha nito. Agad akong nag-iwas ng tingin na wari ba'y hindi siya nakita.

Touch of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon