Chapter 4
Missus’s POV“What the heck?!”malakas na sigaw ni Archangel na tuluyan na akong nakita dito sa tapat ng salamin.
Paano’y kanina pa ako nakatayo, ngayon lang ako namalayan ng loko.
Napahawak pa siya sa kanyang dibdib kaya naman napahagalpak ako ng tawa. Lagi’y wala itong reaksiyon kaya naman nakakatuwang makita itong nagugulat ngayon.
“Can’t you speak?”pikon na sambit niya dahil sa gulat. Napatawa naman ako sa kanya. Nagtotooth brush kasi ito at mukhang patungo na sa kanyang trabaho.
Napailing na lang siya at nagpatuloy sa pagsisipilyo. Naupo naman ako sa gilid ng kanyang lababo dito sa cr. Tinignan niya lang ako sandali bago inirapan.
Maya-maya ay natapos na rin siya. Tinignan niya naman ako.
“Don’t even think of going inside my bathroom.”sambit niya sa akin na kinuha at tuwalya. Tinawanan ko lang siya at napakibit ng balikat. Pinanliitan niya ulit ako ng mga mata bago siya pumasok sa kabilang cr kung saan siya naliligo.
Natatawa na lang akong lumbas ng cr niya at pumunta sa kanyang kwarto. Hindi ko naman maiwasang pagmasdan ang kwarto nito, ito ang madalas kong makita kapag nasa dreamland siya.
Sobrang dark ng kwarto niya, hindi ko alam kung ito ba ang dahilan kung bakit hindi siya nakakatulog ng maayos o ano. Ang kurtina mula sa bintana ay sobrang kapal, ang kulay ng kanyang pader ay kulay itim.
Ni wala ngang kagamit gamit, para bang pinagtutulugan na lang talaga, laptop lang ang meron at wala man lang tv na pwede niyang paglibangan. Malaki ang kwarto niya at kung hindi lang malaki ang kama ay siguradong wala itong laman.
Pakanta kanta pa ako habang naglalakad lakad sa kwarto niya. Maya-maya lang ay nakalabas na ito at nakabihis na. Hindi ko naman maiwasang pagmasdan ito, ang katawan ay talaga namang hulmadong hulmado. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay nang mapansing nakatingin lang ako sa kanya.
“You’ll meet my brother na, hindi ba?”tanong ko sa kanya.
“Yeah but I’ll go to station first.”sambit niya kaya napatawa ako.
“Okay, see you then!”nakangiti kong sambit at kumaway kaway pa.
“You drop by just to say that?”tanong niya na pinagkunutan ako ng noo.
“Oo?”tanong ko naman pabalik dahil nay trabaho pa ako.
“Where are you going?”tanong niya sa akin.
“Afterlife?”tanong niya pa ulit.
“No. Basta.”natatawa kong sambit at kumaway kaway pa habang palabas. Tinignan niya lang naman ako at napakibit na lang ng balikat.
Habang naglalakad ako sa sementeryo, hindi ko maiwasang mapatingin sa isang matandang patawid sa kalsada, walang nagtangkang tumulong dito kaya naman humarang ako sa mga sasakyan.
“Fuck! May nabangga tayo!”sabi ng isang lalaki na napahinto nang makita ako.
Lumabas pa ito ng kotse niya. Laking pasasalamat niya naman nang makitang hindi niya na bangga si Lolang tumatawid.
Nagpatuloy na lang ako sa sementeryo dala-dala ang notebook ko.
“Saan ka galing? Patapos na kami.”sabi nila sa akin.
“Ahh, diyan lang.”sabi ko at ngumiti pa sa kanila.
“Huwag kang masiyadong naglilibang dito, Suhz, alam mo naman siguro ang mga bawal sa hindi.”sambit nila. Tumatango lang ako sa kani-kanilang mga paalala.
BINABASA MO ANG
Touch of Death
FantasyMissus is a messenger between Living and Dead. She's a go-between. Pinapadala ang mga mensahe ng mga patay sa pamamagitan ng panaginip at mga mensahe naman ng mga buhay kapag sila'y nagtutungo sa sementeryo. Ngunit sa hindi niya inaasahang pangyayar...