Chapter 11

174 20 0
                                    

Chapter 11
Missus's POV

"Hey!"natigilan naman ako sa pagbati nang makita ko kung sino ang kausap niya.

"What does my brother doing here?"tanong ko habang nakatingin sa kapatid kong napatingin din sa gawi ko dahil napatingin sa akin ni Archangel.

"Is my sister here now?"tanong ni Kaleb kay Archangel.

"Well, yeah."sabi naman ni Archangel at napatango.

"Sa'n ang punta niyo, Detective?"tanong ng isang police officer dahil palabas na sina Kaleb at Archangel ngayon.

"Resto."simpleng saad ni Archangel. Napatango naman sa kanya ang officer na nagtanong. Nagtungo naman kami sa malapit na resto.

"So naniniwala na siya?"nakangiti kong tanong kay Archangel.

"Yeah, ilang araw ka na raw nagpaparamdam sa kwarto niya."sabi nito. Napangisi naman ako dahil dito.

"It took him so long."sabi ko naman habang tinititigan ang kapatid ko ngayon.

"She's here?"tanong ni Kaleb. Tumango naman si Archangel sa kanya dahil dito.

"What was she wearing?"tanong ni Kaleb.

"A black doll dress and.."tinignan niya naman ang paanan ko. Wala akong suot na kahit anong tsinelas.

"And?"tanong naman ni Kaleb.

"Nothing else."sabi naman ni Archangel.

"That was what she's wearing when she died."sabi ni Kaleb.

"What about her hair?"tanong pa ni Kaleb.

"White."sambit naman ni Archangel.

"Really?"nakangiti niyang tanong. Galing ako sa gig no'ng mabangga ako ng truck, the last thing I wore was this black doll dress and a white wig, hindi ko naman inakala na ito na ang magiging permanenteng buhok ko. But well, I like it, it's now natural.

Naupo naman na agad kami sa resto nang makapasok.

"I'll be the one ordering for him."sabi ko kay Archangel dahil paniguradong magtitipid lang ito. Tinignan lang ako ni Archangel bago nagkibit ng balikat.

Madami naman ang inorder ko, I just want to feed my brother as much as possible. Kita ko namang napaawang ang labi ng kapatid ko nang makitang ang daming inorder para sa kanya.

"It's too much, hindi ko naman 'yan mauubos, Detective."sabi ni Kaleb ma medyo nahihiya pa.

"It's fine, ang Ate mo ang bahalang magbayad."sabi ni Archangel na nilingon pa ako. Napatawa naman ako dahil alam niya naman na siya rin ang magbabayad niyan.

"Tell him to eat well."sabi ko kay Archangel habang nakatingin kay Kaleb na mukhang gustong gusto nang magtanong tungkol sa akin. Sinabi niya naman ang gusto kong sabihin. Tinignan naman siya ni Kaleb.

"I thought you're now in paradise, Ate.. why are you still here?"tanong ni Kaleb.

"Hindi raw tinanggap sa langit."seryosong saad ni Archangel kaya mabilis akong napalingon sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Ang uto-uto ko namang kapatid ay naniwala agad sa mokong na ito. Kita ko naman ang pagtawa ni Archangel kaya naman kinuha ko ang kutsara at inamba sa kanya. Tinatawanan niya lang ako. Nabitawan ko rin naman agad 'yon dahil hindi kaya

Napatingin naman kaming parehas kay Kaleb na napatayo sa kanyang kinauupuan at medyo nagulat pa.

"It's really real."hindi niya makapaniwalang saad habang nakatingin sa gawi ko.

"Yeah."sabi naman ni Archangel na napakibit ng balikat. Napabalik naman sa pagkakaupo ang kapatid ko ngunit nandoon pa rin sa mukha niya ang pagkagulat.

"I need to tell him something."sabi ko kay Archangel at umayos na sa pagkakaupo, prenteng prente naman na ang katabi ko sa pagkain habang si Kaleb ay tila hindi pa rin makapaniwala.

"She need to tell you something daw."pagpapasa naman ni Archangel.

"She said she'll come with you today."sabi ni Archangel dahil 'yon ang sabi ko. Napatango naman si Kaleb.

"Tell him about what I told you last time."sabi ko kay Archangel.

"About your money?"tanong ni Archangel. Tumango naman ako sa kanya. Nagtitiwala naman ako na wala itong balak kuhanin 'yon dahil paniguradong barya lang sa kanya ang perang mayroon ako.

"She'll tell you about the passcode of her bank account."sabi ni Archangel.

"Bank account? May pera si Ate?"tanong ni Kaleb. Nilingon naman ako ni Archangel dahil hindi niya alam ang sasabihin.

"Yeah, inipon niya para makaalis na kayo ng tuluyan sa poder ng tita mo."pagsasalaysay niya nang sinasabi ko sa kanya.

"That's her money, I can't take that."sabi ni Kaleb at napailing pa. Napangiwi naman ako sa kapatid kong 'to.

"She wants to hit you right now."natatawang saad ni Archangel at napailing pa habang nakatingin sa akin. Nakita ko naman ang pagngiti ni Kaleb.

"I already expect that."sabi nito.

"I can't even use that. Anong gusto niya? Tuluyan ng mabulok 'yon doon?"naiiling kong saad.

"You want to be pilot someday, right? It can probably help you daw."sabi ni Archangel dahil 'yon ang sinabi ko.

"I already change my mind, Ate, kung wala ka na rin, para saan pa? We promise to travel the world together, right?"nakayukong tanong ni Kaleb na mukhang nalulungkot ngayon. Nilapitan ko ito at hinila ang buhok. Medyo nagulat naman siya doon.

"Kahit para sa sarili mo na lang."pag-uulit ni Archangel sa sinasabi ko. Kita ko naman ang pagbuntong hininga ni Kaleb. Naging tahimik naman kaming tatlo.

"I'll drop you before I go to work."sabi ni Archangel.

"I can just walk here, Detective, malapit lang naman ang school dito."sabi ni Kaleb sa kanya.

"Thank you.."nakangiti kong saad kay Archangel.

"So you won't mess with me now? You won't come to my house or in station?"seryosong tanong ni Archangel.

"Why? Mamimiss mo ba ako?"natatawa kong saad kahit na balak ko naman na talagang magpakita sa kanya araw araw dahil naging routine ko na rin.

"Of course not."sabi niya na inirapan pa ako. Napatawa na lang ako sa kanya at kumaway kaway pa habang naglalalakad patungo kay Kaleb.

"Are you here, Ate?"tanong ni Kaleb. Tumango tango naman ako kahit alam kong hindi niya makikita. Napatawa pa ako ng mahina nang makitang sa kabilang side pa siya nakatingin.

"Thanks for being here."mahinang saad nito. Patungo na kami sa school nila ngayon.

"I miss you, Ate.."mahinang bulong niya.

"I miss you too, Kaleb."bulong ko kahit hindi niya naman naririnig.

"A lot of things happenned since you died, Tita got her new dog, Oscar got his new car."pagkukwento niya. I don't want to hear things about them, I want to hear about his life. Hindi ko naman 'yon masabi kaya nakikinig lang ako.

Iba pala kapag may tagatranslate ka, kaya kailangan ko pa rin talaga si Archangel.

"And my life changed when you left me.. Daya mo, Ate.. Dami pa nating pangarap, hindi ba? Bakit naman iniwan mo agad ako?"tanong nito.

"Sabi mo lilibutin pa natin ang buong mundo? Ang sabi mo pa ikaw ang magsasabit ng mga medalya sa akin, panonoorin mo pa ang speech sa graduation ko, 'di ba?"nakangiti pa rin nitong saad ngunit kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ko rin tuloy maiwasang maging malungkot habang nakatingin sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako habang papasok kami sa loob.

"Nababaliw ka na ba talaga, Kaleb? Nagsasalita ka mag-isa!"humahagalpak na saad ng kaibigan ni Oscar na nasa likod pala namin. Papasok na kami ngayon sa school niya. Hindi ko maiwasang pagkunutan ito ng noo.

Hindi nagsalita si Kaleb. Tahimik lang ito at pinipigilan ang sarili.

"Sapakin mo!"hindi ko maiwasang isigaw kahit hindi naman ako naririnig ni Kaleb. Tinalikuran niya lang ito kaya napabuntong hininga ako habang tinitignan siya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa classroom nila.

"Aba, yabang mo, ha? Kinakausap ka pa namin, hindi ba?!"inis na tanong ng kasama nito na talagang sumunod pa sa classroom. Napangiwi naman ako sa kanya. Papasok na ito sa pintuan at hahabol na sana kay Kaleb papasok ngunit agad ko siyang pinagbalibagan ng pinto. Kitang kita ko naman ang gulat mula sa mga mukha ng mga kaklase ni Kaleb at nang sumilip ako sa labas, kita ko naman na mukha nainis ang kaibigan ni Oscar.

"Gago 'to ahh!"malakas niyang sigaw na pumasok pa sa loob. Aambaan niya pa sana ang kapatid ko ngunit agad kong tinulak ang isang upuan. Sapul ang tuhod nito.

"Aray!"malakas niyang sigaw. Nanonood lang naman sa kanila ang mga kaklase nk Kaleb.

"What's happening here?! Saka sino 'yang galabog ng galabog ng pintuan?!"galit na galit na saad ng isang masungit na guro.

"Si Kaleb, Ma'am."turo nitong kaibigan ni Oscar.

"Huwag kang bintangero, Mr. Ortigas, alam ng lahat na hindi ganyan si Mr. Legaspi."sabi ng guro.

"It's my fault, Miss."seryosong saad ni Kaleb. Napatingin tuloy kaming parehas sa kanya. Aba't umaako ng kasalanan.

"Alright. Just don't do it again."sabi ng guro kaya asar na asar siyang tinignan nitong mga kaibigan ni Oscar. Partida wala pa ang pinsan kong isa rin sa mayayabang.

"Yes, Miss, I'm sorry."sabi ni Kaleb.

"It's fine, Mr. Legaspi. Huwag mo ng uulitin."sabi ng guro. Umalis na rin naman ito at maya-maya lang ay pumasok na ang guro nila para ngayong araw.

"Pahamak ka, Ate."naiiling na saad ni Kaleb at napatawa pa ng mahina.

"Don't worry about me, I can handle them myself and don't do that again, they're not worth it."sabi niya pa na nakatingin lang sa kanyang notes. Hindi ko naman maiwasang mapangiti para sa kapatid ko, he's really grown up now. Hindi tulad noon na talagang nakikipagbasag ulo kapag alam niyang tama siya.

Hindi ko nga lang alam kung anong mas gusto ko sa dalawa. Wala.

Nagstart naman na ang lesson nila, nakikinig na ito kaya wala akong magawa kung hindi ang magpalakad lakad lang dito sa classroom nila. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa ginagawa ng pinsan naming si Oscar. Tamang tingin lang ito ng mga sexy'ng babae sa internet. Napailing na lang ako sa kanya.

Uupo sana ako sa isang upuan ngunit nagulat na lang ako nang bigla itong tumunog. Lahat naman sila'y napatingin dito lalo na't nang masagi ko ang ilang projects na nandito sa likod.

"Hala!"malakas nilang sigaw.

"Sabi sa'yo, Miss, may multo talaga sa room na 'to!"malakas na sigaw ng isang babae. Napailing na lang ako sa kanila. Nagulat lang naman ako e.

"Hangin lang 'yon, kayo talaga."natatawang saad ng guro ngunit mukhang natatakot na rin.

Tumayo naman si Kaleb para ayusin ang mga 'yon.

"Ate, are you here? Don't scare my classmate like that."bulong niya. Hindi ko naman maiwasang mapanguso at tinulungan pa siyang mag-ayos, medyo namamangha pa siya pero tinuloy na rin naman ang ginagawa. Nang matapos ay nagresume na rin naman ang klase nila. Nagturo na ulit ang guro.

"Sa comp lab na raw tayo!"sambit ng ilan nang matapos ang klase.

Nakasunod lang naman ako sa kanila sa paglabas. Maya-maya lang ay nakarating din kami sa computer lab. Kanya-kanya na silang pwesto.

Nasa may dulo si Kaleb kaya doon din ako pumwesto. Saka lang ako nakaisip ng paraan para makausap ito.

"Ate, are you still here?"buling na tanong niya. Napangisi naman ako nang mag-open ang desktop. Nagtype ako doon.

"Yup, Brother."

Medyo nagulat pa siya kaya napatayo siya sandali.

"What's wrong, Mr. Legaspi?"tanong ng guro.

"Wala po, Sir, inaayos ko lang po ang upuan."palusot ng kapatid ko.

I think I can last for how many minutes touching this, alam kong manghihina ako pagkatapos kaya tinipa ko na ang passcode ng bank accoung ko.

I can hold a pen pero hindi ko 'yon kayang gamitin para makipag-usap, isang letra pa lang ay makukuha na no'n ang enerhiya ko.

"It's really real."bulong nanaman ni Kaleb na tila ba hindi pa rin nakakapaniwala hanggang ngayon.

"I can't believe you're still around, Ate."sabi niya sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"I'm still hanging here, Ate, I miss you so much.."bulong niya pa na hindi na napigilan ang mapaluha. Hindi ko maiwasang malungkot nang makita ang luha nito.

"I miss you t"

Nabitin ang isusulat ko nang hindi ko na magalaw ang kamay, namamanhid na agad ito.

"You miss me too.."sabi niya na napatango pa, pinapahid na ang luha ngayon.

Touch of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon