Chapter 23

148 20 2
                                    

Chapter 23
Missus’s POV

“What’s wrong, Kuya?”dinig kong tanong ni Kaleb sa kanya.

“Where are you going?”hindi ko alam kung ako ba ang kausap nito ngunit hindi ako nakinig o ano. Umalis lang din ako roon at hingal na hingal pa nang makarating sa train. Ako tuloy ang naunang nakasakay. Bahagya namang nagtaka sa akin si Angel Ariel, siya ‘tong may lisensiya para magdrive patungo sa aftterlife at living realm.

“Bakit parang hingal na hingal ka, Missus?”nakangiti niyang tanong sa akin.

“Saka bakit parang ikaw pa ‘tong unang nandito ngayon gayong ikaw madalas ang hinihintay namin.”tanong pa niya sa akin.

“Maaga po akong natapos, Angel.”sabi ko kaya naman ngumiti lang siya sa akin at tumango. Maya-maya lang ay nagsidatingan na rin pabalik ang mga go-between.

Naging abala na rin kami kinagabihan sa kanya-kanya naming trabaho, naging abala rin ako sa pakikipagkwentuhan kina Analita at Paulita. Malapit na rin kasing magtungo sa Utopia si Paulita kaya naman sinusulit na rin namin ang araw.

“Makakalimutan niyo kaya ako kapag nasa utopia na ako?”tanonh pa ni Paulita.

“Ang sabi’y mawawala na raw ang alaala mula sa living realm kapag nasa utopia ka na kaya baka ikaw pa ‘tong makalimot sa amin.”sabi ko sa kanya. ‘Yon ang sabi sabi nila pero hindi ako naniniwala roon, kung ganoon bakit hanggang ngayon ay nagpapadala pa rin ng mga mensahe ang mga tao sa utopia para sa mga tao sa living realm. Hindi ako sigurado pero alam kong mahirap ding makalimot lalo na sa naging isang malaking parte na ng buhay mo.

“Nako, hindi no! Basta kita kita na lang tayo sa utopia, okay?”sabi niya pa at ngumiti sa amin. Napakibit na lang ako ng balikat at ngumiti rin sa kanya. Hindi ako sigurado roon, hindi na rin naman kasi ako umaasang tutungo pa ako sa utopia.

“Oo ba! Kaya nga nagsisipag na rin ako ng bonggang bongga!”natatawang saad naman ni Analita. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano hanggang sa lumipas na ang oras at balik nanaman sa may living realm.

Nagtungo na muna ako kay Kaleb dahil hindi ko ito gaanong nakausap kahapon dahil sa pagmamadaling umalis. Ngayon na ang hinto ng suspension niya kaya nagbibihis na ito ngayon para pumasok. Malapad naman ang ngiti ko habang kinakausap ‘to.

“Nag-almusal ka na ba? Bakit aalis ka agad?”tanong ko pa sa kanya habang nakasunod.

“Sabay na ako.”sabi naman ni Oscar. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil do’n, this past few days kasi ay mas napapalapit pa sila sa isa’t isa. Well, maski kasi si Oscar ay nakasunod na rin sa kanya sa pagpunta sa coffee shop, wala raw kasing magawa sa bahay.

Sabay lang silang naglalakad palabas habang nagkukwentuhan din kahit paano. Maya-maya’y huminto sila sa tapat ni Blackie. Malapad ang ngiti ni Kaleb nang makita niya si Blackie, halos sabay pa nilang tinawag ni Oscar ito ngunit laking gulat nila nang tumalon ito sa banda ko.

“Gago, si Ate Suhz, nandito ata!”takot nanaman na saad ni Oscar. Napatawa lang ako ng mahina habang nilalaro at hinahaplos ang balahibo ni Blackie.

“Meow!”malambing niyang saad at mas lalo pang nilapit sa akin ang ulo niya.

“Shit! Sabi ko na nga ba’y nagpaparamdam talaga si Ate Suhz!”sabi ni Oscar at tumataas pa ang balahibo. Hindi ko naman maiwasang mapatawa sa kanya at bahagya pang napailing.

“Stop shouting, Oscar.”naiiling na saad sa kanya ni Kaleb. Napanguso naman si Oscar at hindi pa maiwasang mapatingin sa paligid.

“Ate, are you still there? Nagtatampo ka pa rin ba kay Kuya Kane?”tanong pa niya. Aba’t anong nagtatampo lang? Hindi lang ako basta nagtatampo do’n no! Pinutol ko na ang koneksiyon ko sa kanya kaya dapat ganoon din ang ginagawa niya ngayon. Napasimangot na lang din ako dahil do’n.

Nagtungo na rin naman kami sa school, bahagya pang nagtaka ang mga kaklase nina Oscar nang makitang magkasama sila ni Kaleb. Well, ngayon lang naman kasi nila nakitang magkasama ang mga ito. Iniwanan ko na rin sila kalauna upang magtungo sa aking trabaho. Ready’ng ready naman na ako habang naglalakad patungo sa sementeryo, nakahanda na ang ballpen ko.

Nang matapos ako’y nagtungo lang din ako kina Lia para bumisita, nang makabalik ako kina Kaleb ay uwian na nila at naglalakad na ito pauwi. Nakasunod lang naman ako sa kanya. Hindi ko naman maiwasang mapanguso nang makita kong hindi pamilyar ang nilalakaran nito. Bahagya naman akong nag-alala sa kanya ngunit nawala rin nang makarating kami sa isang restaurant.

“Hello, Kuya Kane? Nandito na po ako.”dinig ko pang saad ni Kaleb kaya nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Si Archangel ang imimeet niya? Aba’t gustong gusto ko siyang pagbawalan ngunit hindi ko rin naman magawa. Nakakafrustrate na si Archangel lang ang makakagawa no’n kung sakali.

“Oh, you’re here.”nakangising saad ni Archangel na nasa likod lang pala namin. Bahagya naman akong napatalon sa gulat dahil do’n. Hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatingin o sa kapatid ko. Napakagat ako sa aking mga labi bago siya nilagpasan kahit sinubukan niya pa akong hawakan. He can’t touch me kahit na ano pang gawin niya.

“I’ll go now, Kaleb, hope you enjoy your food, huwag kang papalipas ng gutom at huwag kang uuwing late, alright?”nakangiti ko pang tanong sa kanya kahit na sobrang labo naman na marinig niya ‘yon.

Umalis na rin ako nang hindi pinapansin si Archangel kahit na para bang kinakausap ako nito. Hindi ko alam, parang hindi. Bakit naman kasi niya ako kauusapin kung siya naman ‘tong gustong putulin ang ugnayan naming dalawa, hindi ba? Napakibit na lang ako ng balikat at hinayaan ‘yon.

Nang makabalik ako sa afterlife, agad kong nakita si Bea na siyang pakaway kaway pa sa akin. Napatawa naman ako nang mahina dahil mukhang day off niya ngayon at mukhang dito niya sa afterlife ginustong magliwaliw.

“Hi! Halika rito! May pagkain na ginawa si Lola.”sabi niya na hinila pa ako. Sumunod lang din naman ako sa kanya kalaunan. Malapad naman ang ngiti sa akin ng Lola nito.

“Hindi pa rin po ba kayo magtutungo sa utopia?”hindi ko maiwasang itanong sa kanya.

“Malapit na rin, Hija. Ikaw ba? Wala ka pa ring balak?”tanong niya sa akin. Nagkibit lang ako ng balikat at nginitian siya.

“Missus! Nandiyan ka lang pala! Tara sa entrance, nagsisikantahan na ang mga anghel!”panyaya sa akin nina Analita at Paulita. Hinila ko rin si Bea upang magtungo roon. Pakaway kaway pa kaming nagpaalam sa lola niya na siyang nakangiti lang sa aming dalawa. Hindi ko naman maiwasang mapangiti habang nakikinig sa musikang nililikha ng mga angel. Halos lahat sila’y may instrumentong dala. Ang tunog mula rito’y tila ba nililinis ang kaluluwa mo.

Halos lahat ng mga kaluluwang nandito sa afterlife ay nakikinood din at halos lahat ay malapad ang ngiti habang nakikinig sa musikang galing sa mga anghel.

Bahagya pa kaming nagulat nang lumabas ang maliliit na tila ba bulak, kinain lang ng ilan ang makuha nila samantalang binulsa ko lang naman ang akin dahil madalas kapag nagtutungo ako sa living realm, marami rin akong kaluluwang nakakasalubong na pinapapunta sa afterlife. Mas nakakapag-isip kasi ang mga ito ng maayos kapag may laman ang kanilang mga tiyan.

“Tara na, tinatawag na tayo nina Tatang Pedro.”sabi ni Analita sa amin, nagsilakad naman na kami patungo sa train kung saan dadalhin kami sa dreamland.

“Suhz, ito ang sa’yo.”sabi ni Tatang Pedro, tumango lang naman ako. Nagtungo lang ako sa isang magandang kwarto, punong puno ‘yon ng candies at kung ano pa. Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Kumuha pa ako ng candy at kinain ‘yon. Swerte ka kapag nakapunta ka sa panaginip na ganito, eat all you can, kaya lang ay hindi mo ‘to madadala mula sa labas ng dreamland. Maari mo ‘yong kainin dito ngunit hindi sa kahit na saan. Makakalimutan mo rin ang lasa at pakiramdam kapag nasa labas ka na.

“Candy!”nakangiting saad nang batang babae at nilapitan pa ako. Malapad ang ngiti nito habang hinawakan ang kamay ko. Candy ang pangalan ng nagpapadala ng mensahe.

“Awwe, akala ko’y hindi mo na tutuparin pa ang pangako mo!”sabi pa nito sa akin habang nakanguso. Ang cute nito at gusto kong panggigilan ang kanyang pisngi ngunit sinabi ko na lang ang mensahe ni Candy para rito.

“Kumusta ka na? Sana’y magkita ulit tayo! Maglalaro tayo at kakain ng napakaraming cup cakes!”nakangiti ko pang saad habang sinasabi ang mga nakasulat sa harap ko.

“Ayos lang! Ikaw? Masaya ka na ba sa heaven? Miss na miss na kita! Katulad ng sinabi mo, hindi ako umiyak! Mayroon ba akong price mula sa’yo?”nakangiti pa nitong tanong sa akin.

“Syempre meron! Ito oh!”nakangiti kong saad at iniabot ang isang bracelet na mukhang pinaghirapan ding makuha ni Candy sa Utopia. Well, hindi man niya ‘to makukuha sa ngayon, maaring makuha niya ‘yon sa living realm. Iba na ang may trabaho para roon.

“O siya sige na! Mauna na ako, Jensen!”sabi ko pa at nginitian siya ng malapad. Niyakap ko pa ‘to ng mahigpit, nakita ko naman ang pagpipigil niya ng luha, malungkot na lang akong napangiti bago siya iniwanan doon. Gustuhin ko mang magtagal ay hindi pupwede dahil may trabaho pa rin ako.

Maya-maya ay nagtungo ako sa next na sasabihan ko ng mensahe. Napangiwi naman ako at halos magcringe dahil sa binabasa ko. Aba’t kahit ilang beses na akong nakakabasa ng ganito’y hindi ko pa rin talaga magawang masanay sanay. Well, siguro’y dahil namatay akong walang karoma-romansa sa katawan.

“Sa susunod na habambuhay, hintayin mo ako, huh?”sambit ko pa. Napatango tango naman ‘to sa akin.

“Sa susunod na habambuhay, tutuparin natin ‘yong mga pangakong hindi natin nagawa.”sabi pa nito at umiyak habang yumayakap sa akin.

“Sa susunod na habambuhay, bubuoin natin ‘yong pamilyang pinangarap nating dalawa. Sobrang daya mo kasi e, iniwan mo ako ng ganoon ganoon lang. Paano ako mabubuhay ngayon kung sinanay mo akong nandiyan ka palagi sa tabi ko?”umiiyak pa nitong saad. Wala naman akong nagawa kung hindi ang patahanin ito bago ako lumabas ng kwarto niya.

Parang nadrain agad ako dahil lang sa pagpapatahan do’n, akala ko’y makakapagpahinga na ako kapag natapos dahil wala naman na akong dapat na iisipin pa ngunit agad akong napanguso nang marinig ko ang tawag mula kay Tatang Pedro.

“Po?”nakanguso kong saad.

“Mayroon ka palang nakaligtaan.”sabi niya at iniabot sa akin ang pangalan ng pupuntahan ko. Bahagya naman akong nagulat nang makita ko ang pangalan ni Archangel do’n.

“Tatang Pedro!”agad kong tawag sa kanya.

“Pupwede bang—“hindi pa ako natatapos magsalita’y nagsalita na agad ito.

“Hindi pupwede, Missus, ikaw lang ang bakante ngayon.”sabi niya kaya agad akong napangiwi at napasimangot. Wala naman akong choice dahil do’n. Well, hindi naman niya ako mamumukhaan pero kahit na! Hindi ako kumportableng umarte sa kanya no!

Bahagya naman akong napasilip sa kwarto niya. Blangko lang ‘yon, nakaupo lang siya sa isang upuan sa malapit. Hindi ko naman maiwasang mapatitig sa mukha nito. Well, kahit paano’y namiss ko ring titigan ang mukha nito pero hindi ibig sabihin no’n na wala na ang tampo ko para sa kanya.

“Archangel..”tawag ko sa kanya. Agad naman siyang napatingin sa akin dahil do’n.

“Kumusta ka na? Miss mo na ba ako? Miss na miss na kita—“halos mapatikhim pa ako dahil halos lahat ng nakasulat do’n ay para bang gusto kong sabihin sa kanya. Bahagya ko namang kinurot ang sarili dahil sa naiisip.

“Sana’y kumain ka ng tama.. huwag kang magpalipas ng gutom, pasensiya na’t wala na ako diyan para alagaan ka..”sambit ko pa. Nakatingin lang naman ito sa akin. Hindi ko mapigilang mapatikhim dahil para bang matutunaw ako sa tingin nito.

Nagulat naman ako ng tumayo ito at dahan dahang lumapit sa akin. Napaatras pa ako ng bahagya ngunit hindi nga pala ako si Missus ngayon kaya nanatili lang ako sa pagkakatayo.

“I miss you too..”pabulong na saad niya. Parang huminto ang lahat, ang tanging naririnig lang ay ang pintig ng puso ko.

“I’m sorry.. Missus..”

Touch of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon