Chapter 17
Missus’s POV
Hindi ko pa nasasara ang bibig ko nang nakangisi akong nilingon ni Beelzebub.
“Hey there, Missy, thanks for calling.”nakangisi niya pang saad bago ako kinindatan.
“Hope to see you again.”natatawa niya pang saad.
“I hope not to see you, Sir.”pabulong na saad ko. He was one of the creepiest creature I know. Ang sabi nila’y once na mapunta ka sa underworld, he will torture you until maski ikaw na mismo’y gusto na lang ulit mamatay. They said he was really crazy and he really love to play with his playmates, the bad ones.
“Hmm, I heard that, Missy.”natatawa niya pang saad at bahagya akong nagulat nang nas harap ko na ulit siya.
“Oops, I got you a special wine.”nakangisi niyang saad at iniabot ang wine sa akin. They really like to give wine na nakatambak lang naman sa pinagtutulugan ko minsan.
“By the way, be careful. Don’t hang around with human, it can kill you both. Baka mapaaga ang pagkikita natin.”seryosong banta niya. Kung nakakatakot na ‘to kanina, mas mangingilabot ka pa ngayon. Parang huminto ang tibok ng puso ko hanggang sa tuluyan na ‘tong makaalis. Bumalik lang din ako sa wisyo ng tawagin ako ni Archangel.
“Hey, are you okay? Kanina ka pa tulala.”sabi sa akin ni Archangel. He can’t see those grim reaper, syempre lalo naman na si Beelzebub na siyang isa sa namumuno sa underworld.
“I’m fine..”mahina kong saad bago nag-iwas ng tingin. It was really scary, paano kung magkita nga kami ng mas maaga? Ang tawa pa man din niya’y talaga nga namang nakakatakot. Tumataas na agad ang balahibo ko. Come to think of it, he said it can kill us both when in fact, I already died. Napailing na lang ako. Tsk, I should stop thinking about it. Wala naman akong nilalabag na kung ano.
“Are you really sure that you’re fine?”tanong pa ni Archangel. Hindi siya nagtanong ng kahit na ano. Maliban lang doon. Hindi niya rin naman kasi nakikita si Beelzebub.
“Oo, ayos lang!”natatawa ko pang saad. Hanggang sa makauwi kami sa bahay niya’y kitang kita ko ang tingin nito sa akin na nag-aalala. Tinatawanan ko na lang.
Kinabukasan ay nakatambay lang naman ako sa bahay ni Archangel.
“Ano ba, Missus?”sinamaan niya ako ng tingin nang makitang nakaupo na ako dito sa kanyang cr habang nagtotooth brush siya, hindi pa rin nasasanay hanggang ngayon. Napatawa naman ako sa kanya dahil dito.
“How about my brother? Pumayag ba?”nakangisi kong tanong. Nilingon niya lang ako sandali bago tumango.
“Oo, alis na.”sabi niya kaya napakibit na lang ako ng balikat at umalis sa gawi nito. Maya-maya lang ay lumabas na rin kami ng bahay. Pinangako ko sa nga kapre na tutulungan ko sila kaya naman talagang pinilit ko si Archangel na magdala rin ng mga iba pang kasama. Sinuggest niya ‘yon sa opisina, hindi ko alam kung anong pamimilit ang ginawa niya ngunit napapayag niya rin naman ang chief nila.
And now, some of his colleague ang sasama sa amin sa pagbabalik do’n. Hindi ko naman maiwasang mapangiti at bahagya pang naexcite sa isipang magtutungo ulit ako do’n.
“He’s going to bring some of his friends.”sabi pa niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Napangiti na lang din ako kalaunan ‘cause he startes opening up with someone.
Nagtungo naman muna kami sa may tapat ng plaza. Agad na kumaway ang ibang officer sa kanya.
“Hi, Detective!”malapad ang ngiting saad ni Officer Ramos. Bahagya lang siyang tinanguan ni Archangel.
“Close na kami, sabi sa’yo e.”bulong bulong pa ni Officer Ramos kaya bahagya akong natawa ng mahina.
“Is it really fine to bring someone?”hindi ko maiwasang itanong sa kanya.
“It’s not really a official camp so it’s fine and I’m sure na hindi naman lahat ay sasama.”mahinang sambit niya sa akin. Agad naman akong napatango at napagtanto rin na dalawang officer lang ang kasama niya. ‘Yong isang officer na baguhan saka si officer Ramos.
“Oh.. so we have some kids to take care of.”sabi pa ni Officer Ramos kaya bahagya siyang nilingon ni Archangel. Nagkunwari naman ‘tong nagzizipper ng bibig at napanguso pang nag-iwas ng tingin.
“Alam mo kaya wala kang friends e! Sobrang sungit niyang mukha mo.”sabi ko sa kanya. Sinimangutan niya naman ako dahil do’n.
“As I grow older, I realize that I don’t really need friends lalo na kung kaibigan lang din naman sa pangalan.”sambit niya sa akin kaya naman napanguso ako at napatango na lang din. That’s kinda true.
“Good morning, Kuya Kane.”bati ni Kaleb kay Archangel.
“Oh, kapatid mo, Detective Arellano?”nagtatakang tanong nina Officer Ramos.
“Nah. But I think of him as my lil bro.”sambit na lang ni Archangel at bahagya pang ngumiti. Nagulat naman sina Officer do’n at tinignan pa nila si Archangel na para bang may sakit ito. Natatawa na lang akong napailing sa mga reaksiyon nila.
Nilingon ko naman si Kaleb na siyang may limang lalaking kaklaseng kasama. Natatandaan ko ang mga ito na gustong makipagkaibigan sa kanya noon at ‘yong isa naman ‘yong nagsasabing nakakita ng multo ang kapatid ko.
“Good morning po, I’m Dame po.”pagpapakilala no’ng isa.
“Lucas po.”
“Alex po.”
“I’m Margo po.”
“Fin.”
Kanya kanya silang pakilala, sus, hindi rin naman matatandaan ni Archangel ang mga pangalan ng mga ito.
“I’m Kane, are you sure you’re really coming with us?”tanong ni Archangel sa mga ito. Parang gusto ko naman siyang kurutin dahil parang nanakot pa.
Nagkatinginan tuloy ang lima na para bang natakot pa kay Archangel. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako doon o ano. Well, if I were them, baka matakot din naman ako.
“It’s fine if you don’t want to go now.”sabi ni Kaleb at bahagya pa silang nginitian.
“I’ll go.”sabi ni Fin. Naalala kong isa pa ‘to sa kaaway niya noon. Naningkit naman ang mga mata ko habang nakatingin dito pero mukha namang sincere siya.
“We’ll come with you.”nakangiti namang saad ni Margo kay Kaleb.
“Detective, should we introduce our name too? Hindi pa ako nagkaroon ng mas nakakabatang kapatid!”sabi ni Officer Ramos.
“Saka, Detective, you never really introduce your name to us? Can we speak informally?”tanong nila kay Archangel. Nang kumunot ang noo nito’y parang gusto na nilang bawiin ang sinabi ngunit hindi na rin naman magagawa.
“Bryan real name ko, Detective, hehe!”sabi pa ni Officer Ramos kaya bahagya akong natawa.
“A- ako po si Renato.”sambit naman no’ng isa na bahagya pang natakot. Madalas itong utusan na magtimpla ng kape sa opisina nila dahil nga baguhan pa lang. Mapapansin din ang takot niya kina Archangel.
“I’m Archangel Kane. You can call me Kane.”wala man lang kangiti ngiti niyang saad kay binulungan ko siya.
“Smile naman kahit kaunti.”natatawa kong saad kaya inilingan niya ako.
“Can we speak more comfortably, Detective?”tanong pa ni Bryan. Parang ayaw pang sumagot ni Archangel kaya hinarap ko na siya. Napabuntong hininga na lang siya sa akin bago sinagot sina Bryan.
“Yes, sure.”sambit niya kaya agad na lumapad ang ngiti mula sa mga labi nina Renato at Bryan.
“I’ll call you Kane!”nakangiting saad ni Bryan.
“Can I call you Kuya Kane?”tanong naman ni Renato. Nagkibit na lang ng balikat si Archangel bago sumakay sa kotse niya. Mas malaking kotse ang dala niya ngayon kaya kasya naman silang lahat.
“Bawal ba talaga kaming naupo diyan sa harap, Kane?”tanong ni Bryan sa kanya. Tumango lang siya at nagkunwaring nilapag ang bag sa may front seat.
“You don’t have too! Pwede naman akong sa bubong.”natatawa kong saad.
“Just sit.”mahinang sambit niya na siyang sinunod ko rin naman. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil kinukulit din siya ni Bryan kaya hindi ko rin siya gaanong nakakausap. Sina Kaleb naman ay nalilibang din na nagkukwentuhan sa may likod. Napangiti na lang ako dahil he finally made friends,.
Lumabas na rin naman kami ng kotse nang makarating do’n, maraming dalang pagkain si Archangel, mukhang nag-uusap din talaga sila ni Kaleb patungkol dito.
“Nandito ba si Ate, Kuya?”tanong ni Kaleb kay Archangel.
“Yup, she’s beside me.”sabi naman nito kaya agad na napatango si Kaleb do’n at ngumiti.
“I hope we can really help your friends, Ate. I hope it can make you happy.”sabi pa ni Kaleb kaya napangiti na lang ako ngunit naisip ko lang din na mabuti na lang at si Archangel ‘tong napagkatiwalaan ko sa kapatid ko, paano na lang kung ibang tao ‘yon? Baka mamaya’y lokohin pa siya.
“Let’s get going.”sabi ni Archangel at inanyayahan silang lumabas na nang makahanap pagtatayuan ng tent para silungan. Bahagya namang natakot ang ilan ngunit may tagabantay na rin naman dito ngayon. May ilan din kasing volunteers mula sa ibang lugar. Hindi ko alam kung paano nagkaroon.
Agad naman akong napakaway kay Letlet at Detdet na siyang nakangiti lang habang bumubuga nanaman ng tabako.
“Hi, miss me?”nakangiti kong tanong. Agad naman nila akong nginiwian dahil dito pero nang maningkit ang mga mata ko’y natatawa naman silang tumango na para bang napipilitan.
“I actually brought some mortal with me. Just like what I promised.”sabi ko kaya agad na napangiti si Detdet.
“Salamat, Missus! The best you talaga.”sabi niya kaya napatawa ako ng mahina. Naiiling na lang ako habang nakatingin sa kanila.
Naging abala na sina Archangel do’n habang ako naman ay nakikipagkwentuhan dito kina Detdet at Letlet. Maya-maya lang ay dumating pa ang ilang kapre.
“Hello, Missus!”malapad ang ngiti nila habang pakaway kaway pa sa akin. Hindi ko naman maiwasang matawa do’n ngunit nginitian din naman sila. Naningkit naman ang mga mata ko nang makitang may mga dala dala nanaman ang mga ito ng tabako at ilang mga baraha.
“Ano? Magsusugal nanaman kayo! Thug life ahh.”sabi ko sa kanila kaya agad na napanguso ang mga ito.
“Minsan lang naman, Suhz. Ginagawa rin naman namin ng mabuti ang kanya kanya naming trabaho rito.”sabi nila sa akin kaya napakibit na lang ako at hinayaan sila. Totoo rin naman na ginagawa nila ng mabuti ang kani-kanilang trabaho rito sa living realm. Isa kasi sila sa nagpapanatili ng kagandahan ng kagubatan. Saka isa rin sila sa nag-aasikaso para yumabong at lumaking maganda ang mga punong tinanim ng mga tao kahit na pa hindi na ito bantayan pa ng mga mortal.
Kanya-kanya naman na silang upo sa isang gilid habang nilalabas ang mga baraha. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa mga baraha ng mga ito, ang lalaki rin kasi ng mga ‘yon, halos mas malaki pa nga sa mortal ang isang piraso . Masiyado silang mahal ni Tatang Pedro na talaga namang iniispoil ang mga ‘to kaya lang ang mga sumusuway naman sa mga utos ni Tayang Pedro, ‘yong mga nakikialam sa mga mortal. Talagang pinaparusahan din at madalas na pinapatapon na lang sa underworld.
Inayos na nila ang kani-kanilang baraha, nakaupo lang naman ako sa balikat ni Detdet habang nakikinood sa kanila. Napaubo pa ako ng maraming beses ng bugahan ako ng mga ito ng usok mula sa tabako.
“Hehe, sorry.”natatawa pa nilang saad kaya hindi ko naman maiwasang mapairap na lang.
Maya-maya lang din ay nagsimula na silang maglaro. Napatawa na lang ako kapag nakikita kong napipikon ang isa sa kanila at mas lalo namang iniinis ng iba. Mga siraulo talaga. Ang hilig din kasi nilang makipagbiruan kaya madalas ding masermonan kapag nakakarating kay Tatang Pedro ang mga kung anong pinaggagawa nila.
“Hey.”sabay sabay naman silang napatingin kay Archangel nang tawagin ako nito.
“He can see us too, right?”nakangising saad ni Marites kaya naman sinamaan ko na siya ng tingin at agad na binantaan, aba’t alam na alam ko na ang ganyang mga tingin no.
“Subukan mo, nako. Kami rin ang makakalaban mo, Marites. ‘Yan ang nagdala ng tao para tulungan tayo!”sabi ni Detdet kaya napanguso na lang si Marites. Tumalon naman ako at bumaba para lapitan si Archangel. Malapad naman akong ngumiti sa kanya.
“What is it?”tanong ko.
“Hmm, you should eat.”sabi niya at iniabot sa akin ang sandwich na pinagkakaabalahan niyang gawin kagabi. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil ito ‘yong nilagyan niya pa ng sign dahil sobrang dami niyang palaman na nilagay.
“Thank you!”malapad kong ngiti sa kanya at niyakap pa siya. Nanlaki naman ang mga mata ko ng hindi ako lumusot ngunit hindi ko rin naman siya naramdaman.
BINABASA MO ANG
Touch of Death
FantasyMissus is a messenger between Living and Dead. She's a go-between. Pinapadala ang mga mensahe ng mga patay sa pamamagitan ng panaginip at mga mensahe naman ng mga buhay kapag sila'y nagtutungo sa sementeryo. Ngunit sa hindi niya inaasahang pangyayar...