Chapter 3
Missus's POV
"So tell me, who killed you?"tanong niya sa babaeng nandito sa harapan naming dalawa. Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa ganap ng pangyayari.
Paano'y alam niya talaga na nandito 'yong kaluluwa at alam niya rin na nilapitan siya nito ngunit nagmaang maangan na wala siyang kahit anong alam.
Napaatras naman ang kaluluwa. Mas takot pa ata ito kaysa dito kay Archangel. Hindi ko tuloy mapigilang mapangalumbaba habang pinagmamasdan siyang ininterview 'tong babae. Nagulat din ako nang malaman kong pulis pala ito.
"The guy with the black hoodie, at first he just want to rob this house but he didn't know that someone is living here, he killed me!"pagkukwento nito. Hindi naman ako marunong kumilatis ng tao ngunit kahit paano'y may alam naman ako. Mukhang nagsasabi rin ito ng totoo. Umiyak pa siya na tila naalala ang lahat.
Nagtanong tanong pa siya dito at agad niya rin namang naidrawing ang sinasabi ng kaluluwa.
"Sinabi ng makapal nga ang kilay!"bigla bigla na lang 'tong sumisigaw. Matiyaga namang kinukuha ni Archangel ang mga impormasiyon na sinasabi nito.
Napabuntong hininga ako at sinilip ang dala dala kong pagkain na galing sa afterlife.
"Here, you should eat first."sambit ko.
"You think I can eat that?!"galit niya pang sambit sa akin.
"You think I'll give that to you if you can't eat it?"tanong ko naman pabalik. Aba't sinamaan niya pa ako ng tingin bago niya 'yon kinuha. Napailing na lang ako sa kanya.
"Hmm, ang sarap! Salamat!"nakangiti niyang sambit sa akin ngayon.
Hindi kami pwedeng kumain ng mga pagkain dito sa living realm, kaya rin wala kaming choice kung hindi bumalik sa afterlife kapag natapos ang trabaho. May sariling pagkain ang mga soul namin, kapag hindi napakain ay posibleng maging masamang kaluluwa.
Nagtutungo kami sa afterlife dahil hindi naman pwedeng magtagal kami dito sa living realm, hindi matatagalan ng aming mga katawan. Kaya katulad nitong kausap ko ngayon, mabilis itong magalit dahil hindi napapakain ang kaluluwa niya.
Nang matapos itong interview-in ni Archangel, inabutan ko naman siya ng card.
"You probably hide to your grim reaper. Here, magagamit mo 'yan para makasakay sa train patungo sa underworld."sambit ko sa kanya at kumaway kaway pa para sumunod dito kay Archangel.
"Where are you going next?"tanong ko sa kanya. Nagpretend naman ito na parang hindi ako nakikita. Nginiwian ko naman siya, ngayon pa ba niya ako lolokohin, gayong alam ko na nakakakita talaga ito ng kaluluwa.
Hindi siya nagsalita kaya walang sabi sabi rin akong sumakay sa kotse niya.
"Hoy, tinulungan kita, ha? Ibalik mo naman sa akin ang pabor!"sabi ko sa kanya at napanguso pa.
"You didn't help me. Nagkataon lang na nandoon ka."seryosong saad niya na straight pa rin ang tingin sa daan.
"Wow! Ikaw na ang nagsabi 'you make things much easier'"panggagaya ko pa sa kanya.
"Why the fuck am I fighting with ghost?"bulong niya sa sarili.
"Kita mo na! Huwag ka ng magmaang maangan na hindi mo ako nakikita."sabi ko na sinamaan pa siya ng tingin.
Maya-maya ay bumaba kami sa police station. Nakasunod pa rin ako sa kanya.
"I think you should also go in the afterlife, Miss."bulong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Touch of Death
FantasyMissus is a messenger between Living and Dead. She's a go-between. Pinapadala ang mga mensahe ng mga patay sa pamamagitan ng panaginip at mga mensahe naman ng mga buhay kapag sila'y nagtutungo sa sementeryo. Ngunit sa hindi niya inaasahang pangyayar...