Chapter 6
Missus’s POV
“Boo!”panggugulat ko kay Archangel, ngunit imbis na siya ang magulat ay ako itong nagulat habang pinagmamasdan siyang nakatapis lang ng tuwalya.
Napapito naman ako at nagmartiya paalis. Aba’t kahit sabihin nating kaluluwa na lang ako, namatay akong birhen kaya inosenteng inosente ang aking utak.
Nagtungo na lang ako sa kanyang kwarto at nagpagulong gulong pa sa mabangong kama nito.
“Learn how to knock.”sabi niya sa akin at napailing pa.
“Wow, kailangan pa ba ‘yon kung nakakapasok naman na ako nang hindi ko kailangan na gawin ‘yon?”tanong ko naman sa kanya.
“What if I’m nake?”tanong niya naman na walang pakundangan na humarap pa sa akin. Nakatapis pa rin ang tuwalya sa kanyang ibaba at kitang kita ko naman mula dito ang hulmado nitong abs.
“Hehe, oo na, pahawak nga niyan.”sambit ko na lumapit pa sa kanya. Natatawa naman ako ng tumalikod siya at pumasok sa walk in closet niya.
Binibiro ko lang naman ito. Napatawa pa ako ng maalala ang mukha niya. Napatigil naman ako kakaikot nang makita ko ang isang papel. Hindi ko maiwasang mapatingin habang tinitignan ang pabilog bilog na sulat dito at punit punit pa tila napunit ng ballpen. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa nilakaran ni Archangel.
Dahan dahan akong nagtungo doon lalo na’t nang mapansin ang tasa ng lapis patungo sa kanyanh walk in closet.
Nakita ko naman na may isang batang babae na nasa tapat niya ngayon.
“You can see me, right?”nakangiti nitong tanong. Kalat kalat ang walking closet niya ngunit hindi niya pinansin ‘yon at kumuha lang ng damit na para bang hindi niya nakikita ang bata.
“Kuya, nakikita mo ako, ‘di ba? Tinignan mo ako sa mismong mata!”sabi naman nito. Parang wala namang naririnig ang si Archangel at lumabas siya ng walk in closet, tinignan niya muna ako bago tuluyang umalis.
“Psst.”tawag ko sa bata nang susunod na sana siya kay Archangel.
“Sino ka? Ako ang makikipaglaro sa kanya!”sambit niya naman na parang nagwawala.
“Ikaw ba ang nagkalat niyan?”sambit ko dahil parang binagyo ang kwarto niya.
Napakagat naman siya sa kanyang mga labi bago tumango.
“Saan mo ba gustong maglaro?”tanong ko sa kanya.
“Sa playground at sa amusement park!”masaya nitong sambit at nilapit pa ang mukha sa akin.
“May sumundo ba sa’yo?”tanong ko sa kanya.
“Meron, Ate, pero.. nakakatakot ito at mukhang hindi makikipaglaro sa akin!”sambit niya na tumawa pa.
“Sige. Ganito, ha? Makikipaglaro sa’yo si Kuya, basta ligpitin mo ‘yang mga kinalat mo.”sabi ko sa kanya at ngumiti.
“Talaga, Ate?”nakangiti niyang tanong.
“Paano naman ako nakakasigurong nagsasabi ka ng totoo?”tanong niya naman. Kung hindi lang ako espirito ngayon, paniguradong natatakot na rin ako sa kanya.
“Akong bahala, sagot kita.”nakangisi ko pang sambit.
“Okay.”sabi niya naman at humagikhik pa na nagsimulang mag-ayos. Pakanta kanta pa ito habang ginagawa ‘yon. Nakaupo lang naman ako dito sa tabi ng lalagyan ng relo ni Archangel.
“May isa pa pala akonv kondisyon bago kami makikipaglaro sa’yo..”sabi ko sa kanya.
“What it is?”tanong niya naman.
“Be a good girl.”sabi ko. Tinignan niya lang ako sandali bago tumango at ngumiti ng malapad.
Napatingin naman ako sa bukana nang biglang pumasok si Archangel, tinignan niya naman ako.
“Are you okay?”tanong niya pa.
“Sabi ko na nga ba nakikita mo kami e!”sabi ng bata na patuloy pa rin sa ginawa.
Napatingin naman sa kanya si Archangel at napakunot ang noo.
“What happened?”tanong niya nang makitang nililigpit nito ang kanyang mga damit.
“I make things easier for you.”sabi ko naman sa kanya at ngumiti pa ng malapad.
“Yes.. she said you’ll play with me.”nakakagulat na malapit na agad siya kay Archangel, napaatras naman tuloy ito dahil sa kanya. Hinila ko naman siya.
“You said you’ll be a good girl.”sambit ko na pinanliitan siya ng mga mata. Agad naman itong napanguso sa akin dahil dito.
“I’m saying that he’ll play with me ‘cause you said so, right?”tanong pa nito sa akin. Napatango naman ako sa kanya dahil dito.
Tinignan naman ako ng masama ni Archangel kaya napapito naman akong lumabas ng walk in closet niya. Agad niya naman akong sinundan.
“What was that? Why would you even made a promise that you can’t make?”tanong niya na pinagkunutan pa ako ng noo.
“You can make it! And you’re not even going to station today, right? It’s your day off!”sambit ko sa kanya.
“No, papasok pa rin ako.”sabi niya naman. Pinaningkitan ko naman siya.
“Wala kang pasok!”sambit ko.
“Kahit na, hindi ako nagdaday off. Nasanay na ako na nagtatrabaho araw araw.”sambit niya.
“It’s final then.. we’ll go to an amusement park.”sabi ko na umikot ikot pa na sumasayaw sa kanya.
“Really?”napalabas naman ang batang babae at ginaya pa ako. Parehas naman kaming inirapan nitong si Archangel.
“I didn’t say yes yet..”sambit naman ni Archangel.
“Please..”sabay pa naming sambit ng batang babae.
“Fine.”sabi niya na napailing pa sa akin. Napapapalit tuloy siya ng damit ng ‘di oras, alam kong gwapo na ito, gwapo ito kapag suot niya ang uniforme niya ngunit ang gwapo rin naman pala nito sa casual na damit lang.
Kung hindi ito pulis, siguro’y modelo ito ngayon.
“Nalinis mo na ba lahat?”tanong ko sa bata. Patango tango naman ito sa akin.
“Let’s go.”nakangiti kong saad na hinawakan ang kamay niya. Natigilan naman ito.
“Why? Ayaw mo ba? Sorry.”sabi ko at ngumiti na lang sa kanya. Umiling naman siya at bumalik ang ngiti sa akin.
“My mom use to hold me like this po.”sabi niya na ngumiti pa. Nginitian ko rin naman siya pabalik at hinaplos ang buhok nito. Napatingin naman sa akin si Archangel kaya pinagtaasan ko siya nang kilay. Nag-iwas lang naman siya ng tingin.
Maya-maya ay nakarating kami sa amuesement park, excited na excited kaming dalawa nitong batang babae. Patalon talon pa kami habang paikot ikot.
“It looks like you’re more excited than her.”sabi ni Archangel. Napapailing na lang sa akin, ayaw ko rin naman na hilain ito dahil paniguradong mawiweirduhan ang mga tao sa amin.
“Gusto ko do’n, Kuya!”sabi ng bata at tinuro ang isang agaw buhay ata na rides. Well, wala naman na siyang buhay kaya pupwede niya na talagang sakyan ‘yon.
“3 tickets po.”sabi ni Archangel nang bumibili na siya.
“Why would you buy 3? Hindi na namin kailangan ng ticket.”sabi ko sa kanya. Hindi naman niya ako pinansin at nakipila na, ganoon din naman kami nitong batang babae.
“Ano nga pa lang pangalan mo?”tanong ko sa kanya.
“Almira, Ate.”sabi niya at ngumiti pa sa akin. Kung wala itong dugo sa mukha, cute ito.
“Sino pong kasama niyo, Sir?”tanong ng nagpupunit ng ticket.
“Make the 2 seat vacant.”sambit niya naman na pumwesto sa hulian. Medyo naweirduhan naman sa kanya ang lalaki ngunit napakibit na lang ito ng balikat dahil nagbayad naman siya.
“Ayos lang naman na kumandong na lang kami sa’yo.”natatawa ko pang saad.
“Shut up.”sabi niya na nginiwian pa ako. Napatigil naman tuloy ang dalawang babae na pinag-uusapan siya at gusto sanang makitabi sa kanya.
“Ang sungit naman, Ghorl.”reklamo nang mga ito bago umalis sa tapat namin. Parang wala naman siyang pakialam do’n o baka naman sanay na lang talaga siya.
Tinignan ko siya kaya pinagtaasan niya ako ng kilay. Tumabi naman ako sa kanya. Maya-maya ay nagsimula nang umandar ang ride na sinasakyan namin.
“Woah!”sigaw namin ni Almira. Napatingin naman ako kay Archangel nang makita ko itong tuwang tuwa rin, aba’t ang arte arte pa na ayaw sumama kanina.
Maya-maya ay sabay sabay kaming tatlo na sumigaw at sabay sabay pang nagsitawanan. Nabato balani naman ako habang pinagmamasdan ko si Archangel na nalilibang, madalas kasi’y wala itong ekspresiyon kaya hindi ko maiwasang mamangha habang tinitignan ang ngiti sa kanyang labi.
“You like Kuya, Ate, no?”tanong sa akin ni Almira. Kaming dalawa lang ang nakakarinig.
“Aruy, ikaw na bata ka, ang bata bata mo pa kung ano ano na ‘yang pinag-iisip mo.”naiiling kong saad sa kanya.
“That was good.”hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Archangel habang nakatingin sa akin.
“Yeah.”sabi ko naman at tumango sa kanya na nakamgiti pa rin.
“Let’s try that one.”pagyayaya ni Almira at tinuro ang isang rides na talaga namang mababasa ka kapag sinakyan mo. Parehas pa kaming napangisi dahil hindi naman kami mababasa roon.
“No way, sa iba na lang.”reklamo niya sa akin ngunit parehas kaming ngumisi sa kanya.
“Huwag mo ng hintayin na hilain ka namin.”natatawa kong saad sa kanya. Agad naman ‘tong napasimangot at walang nagawa kung hindi ang sumunod sa akin. As usual ay nagbayad nanaman ito ng tatlong ticket, nawiweirduhan din sa kanya ang nagpupunit ngunit hindi niya na lang ‘yon pinansin pa.
Maya-maya ay umandar naman na ang sinasakyan namin, kung sino pa ang nagrereklamo kanina ay siya pa itong nag-eenjoy. Hindi naman namin maiwasang mapanguso ni Almira dahil nga hindi naman namin maramdaman ang tubig na siyang mas nakakaenjoy pala dito.
Nang bumaba kami ay hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Archangel.
“Change your clothes, baka matuyuan ka!”sabi ko sa kanya at ngumiti tumango naman ito, nagtungo sa isang bilihan na shop dito. Napatingin tingin naman kami ni Almira sa mga gamit.
Nakabili na siya ng t-shirt at aalis na sana kami.
“Kuya! Buy those headband!”sambit ni Almira.
“Huh? You can’t wear din naman ‘to.”sambit niya na nagtataka, basta, Kuya, just buy it.”sabi naman ni Almira kaya napatango s kanya si Archangel. Binili nga nito ang mga headband.
“Now, give it to me, Kuya.”sabi naman ni Almira nang makaupo kami sa isang malayong upuan.
“It’s for you naman.”sabi niya na nagtataka ngunit iniabot din naman dito.
Napatingin ako at kusa na lang kumunot ang noo nang makitang binaba niya ‘yon at maya-maya ay kinuha ang soul ng gamit kaya tuluyan niyang nasuot. Napaawang naman ang mga labi ko dahil hindi ko alam na pupwede pala ‘yon.
“Wow!”hindi ko makapaniwalang sambit.
“How can you do that?”tanong ko sa kanya.
“Ang alam ko po kasi, Ate, once na binigay sa’yo ng buhay ang isang bagay, you can use it po in afterlife, like this po, nilagay ng family ko sa kabaong ito.”sabi niya na pinakita ang isang stuff toy na hawak hawak niya ngayon.
Hindi ko naman maiwasang mamangha habang tinitignan siya, mas matalino pa ata sa akin ang batang ‘to.
“So you already know you’re dead?”tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya at tumango.
“Opo, and I want to try something before I go to afterlife. I’ve never experienced playing outside po kasi, may sakit po kasi ako at ngayong araw ko lang po mararanasan na gawin ang mga ito.”sabi niya at ngumiti. Hindi ko naman maiwasang mapangiti para sa kanya.
“This is also my first time doing this, hindi ko pa kailanman naranasan na magtungo sa amusement park.”sambit ko naman.
“Oh.. why, Ate?”tanong sa akin ni Almira.
“Wala kasi kaming pera kaya imbis na ipanggala, ipangkakain na lang.”sabi ko naman sa kanya at malungkot na napangiti. Napatango naman siya.
“Atleast nasubukan mo na ngayon, Ate.”sabi niya sa akin.
Magtuturo na sana ulit kami ng sasakyan nang magsalita si Archangel.
“This is also my first time.”sambit niya habang nakatingin sa paligid. Hindi ko naman maiwasang magulat dahil hindi siya nagsalita ngayon sapagkat tinanong siya. He choose to open up first.
“My first time in amusement park.”sambit niya.
“Huh? Bakit? Mayaman ka naman ahh?”natatawa kong tanong.
“Wala ka rin namang sakit, Kuya.”dagdag naman ni Almira.
“My Ate doesn’t have time and.. I don’t have any friends..”mahinang bulong niya at nag-iwas nang tingin. Unti-unti naman akong napatango at tinapat ang mukha sa kanya.
“From now on, I’ll be one of your friends.”sabi ko ng nakangiti at naglahad pa ng kamay sa kanya. Napaawang naman ang kanyang labi at medyo nagulat pa sa aking tinuran.
There’s part of me who really wanted to be his friend simula pa lang nang makita ko siya sa may dreamland na laging nasa nightmare side, it looks like he’s always in pain. Gusto kong kahit minsan ay may masabihan siya kung ano nga ba ang tunay noyang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Touch of Death
FantasyMissus is a messenger between Living and Dead. She's a go-between. Pinapadala ang mga mensahe ng mga patay sa pamamagitan ng panaginip at mga mensahe naman ng mga buhay kapag sila'y nagtutungo sa sementeryo. Ngunit sa hindi niya inaasahang pangyayar...