Chapter 25

137 19 0
                                    

Chapter 25
Missus’s POV

Malapad agad ang naging ngiti ko kay Archangel nang makita ko siya. Napangiti na lang din ito dahil sa ngiti ko.

“Good morning, Bryan!”bati ko pa kay Bryan kahit na hindi ako nito nakikita. Nginiwian naman ako ni Archangel dahil dito. Napatawa na lang ako ng mahina bago sumunod sa kanya.

“So where are we going?”nakangiti kong tanong sa kanya. Bahagya niya namang pinakita sa akin ang picnic basket at tinuro ang isang parke. Malapad ang ngiti ko habang nakasunod sa kanila. Maski kasi’y sina Kaleb ay narito ngayon, aba’t nagawa kong pilitin si Archangel na yayain ang kapatid pero dahil mapipilit din ang mga kaibigan nito’y sumama rin ngayon.

Napangiti pa ako habang nakatingin kay Oscar na siyang nagtataka rin kung sino ang mga kasama nila ngayon. Sobrang ingay ng mga ito habang naglalatag ng picnic matt dito sa damuhan. Napatawa pa ako ng mahina dahi napapatingin sa kanila ang mga tao sa parke, sa sobrang ingay ba naman kasi nila. Napailing na lang ako habang may ngiti pa rin sa mga labi.

Halos sila lang kasi ‘tong magbabarkadang panay lalaki. Ang iba kasi’y nagdedate lang dito. Well, the place is really romantic, ang mga kasama ko lang talaga ang hindi.

“Nice! Ang sarap nanaman ng mga dala ni Kuya Archangel!”nakangisi nilang saad kaya napailing na lang ako habang pinagkakaguluhan nila ang mga pagkaing dala ni Archangel. Napatawa naman ako nang mahina nang mapahilot na lang sa sentido niya si Archangel dahil ang iingay talaga ng mga ito.

Pinagtaasan niya ako ng kilay nang makitang natatawa pa ako sa kung anong nangyayari. Mas lalo lang naman siyang nginitian dahil do’n.

“What do you want to eat?”mahinang saad niya sa akin. Kahit ano naman sa luto niya’y masarap kaya kahit ano na lang do’n.

“Thanks!”sambit ko pa nang iabot niya ang stawberry cupcake na binake niya kagabi. Well, hindi ko naman nakita ‘yon pero ang sabi niya’y siya ang nagbake no’n. Wala man sa itsura niya pero talagang magaling magluto ‘yang si Archangel.

“So we’ll go to that museum?”tanong pa ni Alex habang tinuturo ang museum na nasa gilid namin. Agad naman silang napatingin kay Archangel dahil do’n. Bahagya namang napakunot ang noo ni Archangel sa kanila.

“Anong palagay niyo sa akin? Sugar daddy niyo?”natatawang tanong nito. Maski kami’y nagtawanan din sa tanong nito pero ang ending ay pumayag din naman siya. Nang matapos silang magpicnic at magkwentuhan lang ng kung ano ano, nagtungo na rin naman kami papunta sa museum.

“Kaya mahal ka namin, Kuya Kane e!”natatawa nilang saad sa kanya. Napailing na lang si Archangel sa mga ito. Para siyang guro sa elementarya na binabawalan ang mga ito na humawak sa kung ano ano. Napatawa na lang sa kanya ang mga ito.

“Si Kuya naman, ginawa kaming bata!”sabi ni Alex sa kanya.

“Hindi ba?”tanong ni Archangel kaya binash siya ng mga ito, napatawa na lang si Archangel sa kanila. Hindi ko naman maiwasang mapangiti habang nakatingin lang kay Archangel na nakikipagtawanan at isa rin sa nakikipagkwentuhan sa mga ‘to.

Akalain mong sobrang ilap niya sa tao noon pero ngayon? May mga kaibigan na, na kasama sa museum at sa kung ano anong kalokohan.

Napuno lang ang museum ng tawanan at kwentuhan nila. Ilang beses pa silang pinatahimik ng mga nagbabantay at ni Archangel ngunit ayaw magpaawat ng mga hinayupak.

Nagkatinginan naman kami ni Archangel. Parehas pa kaming napailing sa isa’t isa at bahagyang natawa.

“Kuya Kane, tara rito!”sigaw nila habang nagyaya para kumuha ng mga litrato. Kahit hindi ko tinawag ay malapad ang ngiti kong sumama sa kanila roon.

“Thank you..”pabulong na saad ko kay Archangel nang makalabas na kami mula sa museum.

“Hindi pa tayo diyan nagtatapos!”biglang sambit ni Alex kaya sabay kaming napatingin sa kanya.

“Tara roon oh!”turo pa ni Alex sa isang parte ng parke kung saan pupwedeng magrent ng ilang bike.

“Libre ko na. Race!”sabi niya pa at ngumisi habang hinihila ang mga kasama papunta roon. Wala namang nagawa ang mga ito kung hindi ang sumunod sa kanya. Hindi ko naman maiwasang mapatawa habang nakasunod lang din sa kanila.

Nagrent nga ang mga ito ng bike ngunit halos sabay pa silang napatingin kay Archangel at Kaleb nang hindi kumuha ang mga ito ng kahit anong bike doon.

“Bakit?”tanong nila sa kanila.

“Don’t tell me hindi kayo marunong?”natatawa pang tanong ni Fin sa kanila. Parehas naman na hindi nagsalita ang mga ito. Wala kaming pambiling bike noon ni Kaleb, ayaw din naman ipahiram ni Tita sa kanya ng bike na para kay Oscar, kahit man lang ‘yong pinaglumaan na at hindi nagagamit. Tila alam ko na rin naman ang rason ni Archangel.

“We? True ba?”tanong pa ni Alex at wala na ang ngiti.

“Tara, Kaleb, turuan kita!”sabi niya rito. Sina Bryan naman ang lumapit kay Archangel.

“Akalain mo ‘yon, akala ko, Detective, wala kang hindi kayang gawin, halos lahat alam mo!”sabi pa ni Renato sa kanya. Hindi naman nagsalita si Archangel.

Maya-maya lang ay tinuruan na nila ang mga ito. Hindi ko mapigilan ang pagngiti habang pinagmamasdan ko sila. Parehas lang ding madaling natuto kaya wala pang ilang minuto, kahit sila’y nakikipag-unahan na.

“Mahuli siyang sasagot ng lunch!”sigaw pa ni Alex. Napatawa naman ako nang siya ang mahuli. Agad siyang kinantiyawan ng mga kasama dahil dito.

“Ang lakas ng loob magyaya! Weak naman pala.”mapang-asar na saad ni Margo sa kanya. Nagtawanan na lang kami ng pikon niya lang ‘tong tinignan. Ang ending ay siya nga talaga ang gumastos nang magtungo sila sa isang kainan sa malapit. Maski ako’y nakikipagtawanan kahit na hindi naman talaga ako kasama sa mga jokes nila.

“Pre, type ko ‘yan, ang ganda!”pabulong na saad ni Fin habang tinuturo ang isang babaeng padaan sa harap namin.

“Lia!”sigaw ko nang mapagtanto kung sino ‘yon. Agad ko siyang kinawayan nang makita. Malapad naman siyang ngumiti sa akin. Napatawa ako ng mahina nang akala ni Fin, siya ang kinakawayan nito, napailing na lang sa kanya ang mga kaibigan. Mas lalo naman ako, kahit baby face lang ‘yan mas bata lang siyang kaunti sa akin.

“Wait, is that you, Kaleb?”tanong ni Lia kay Kaleb nang mamukhaan niya ito. Nagtataka namang napatingin ang mga kaibigan ni Kaleb sa kanya. Ni hindi niya mamukhaan si Lia, well, bata pa siya no’ng kasa-kasama ko itong dumedekwat sa kung saan.

“Wait.. Ate Lia?”tanong niya at bahagya pang nagulat habang nakatingin dito.

“Oo! Buti’t natatandaan mo pa, Kaleb!”nakangiti nitong saad sa kanya.

“Kumusta ka na?”tanong pa ni Lia sa kanya.

“Ayos lang po, Ate.. kayo po?”tanong ni Kaleb sa kanya.

“Ayos lang din, ito nga’t nasstress na ako kakahanap sa Ate mo e.”sabi pa niya nang natatawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil hindi talaga nito maikalma ang bunganga. Natigilan maski ang mga kasama nila dahil alam na wala na ang Ate nito.

“Po? Matagal na pong wala ang Ate ko..”sabi ni Kaleb. Hindi naman alam ni Lia kung paano noya lulusutan ‘yon.

“Ahh, ganoon ba? Condolence..”sabi niya pa at umarteng nalulungkot, napailing na lang ako dahil do’n. Sinenyasan ko naman siyang sumunod sa akin kalaunan.

“Anong ginagawa mo rito?”tanong ko sa kanya at pinagkunutan pa siya ng noo.

“Hinahanap ka.”sabi niya sa akin.

“Bakit?”tanong ko naman at nanliit ang mga mata sa kanya.

“I need your help, hehe.”sabi niya kaya napailing pa ako sa kanya. Kahit kailan talaga’y sinusulit masiyado nito ang pagiging magkaibigan namin. Well, parehas lang din naman kaming nakikinabang kaya quits lang.

Sumakay lang din ako sa kotse niya kalaunan. Maya-maya lang ay nakarating kami sa isang simpleng tahanan. Lumabas na rin naman ako sa kotse niya at sumunod sa kanya. Maya-maya lang ay lumabas ang isang batang lalaki. Bahagya naman akong nagulat dahil mukhang kaluluwa na lang ‘to.

“Why are you still here?”tanong ko sa kanya nang maupo sa tapat niya. Hindi naman siya nagsasalita at bahagyang natakot pa sa akin. Kumuha naman ako nang pagkain na siyang dala dala ko mula sa afterlife.

“Here.. kumain ka muna.”sabi ko at inabot pa ‘yon sa kanya. Hindi niya naman alam kung kukunin niya ba o ano ngunit sa huli’y kinuha rin naman niya ‘yon. Nginitian ko naman ang asong nasa gilid at kasama niya ngayon, mukhang pati ito’y kaluluwa na lang din.

“Ito oh..”iniabot ko pa ang pagkain na mayroon ako. Walang sabi sabi namang kinain ‘yon noong aso.

Nang matapos na silang kumain ay nilingon ako ng batang lalaki.

“Thank you po.”sambit nito kaya nginitian ko siya. Napatingin din naman ako kay Lia nang may kinakausap na siya mula sa gate. Nakakotse ito at mukhang kararating lang.

May tinanong siya kay Lia at tinuro lang naman ni Lia kung nasaan ang batang lalaki na siyang kasama ang aso nito. Hinahaplos pa rin ang kanyang balahibo.

“I’m sorry..”umiiyak na saad no’ng babae.

“Pasensiya na.. hindi ko alam.. hindi ko sinasadya..”sambit niya. Nagtanong naman ako kay Lia kung anong mayroon, sinabi niya lang ang detalye mula rito. Bahagya naman akong napatango do’n. Aksidenteng nasagasaan ng babae ang bata, sinubukan itong iligtas ng aso ngunit hindi niya rin talaga magawa.

“I’m really sorry..”umiiyak na saad ng babae. Bahagya naman akong napangiti nang makita ang ginawa ng batang lalaki, dahan dahan niyang hinaplos ang buhok nito tila ba gusting patahanin ang babae.

“Ayos lang po.. huwag po kayong umiyak..”sabi pa nito. Ang bata pa nito para magtungo sa langit. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang pinagmamasdan ito, nakangiti niya lang ding tinitignan ang babae. Parang malulusaw ang puso ko dahil do’n. Sinabi naman ni Lia kung ano ang sinabi ng bata.

“I’m sorry, ang bata bata mo pa para pumanaw..”umiiyak pa rin nitong saad, guilty’ng guilty sa nangyari. Halos mapatalon naman kami sa gulat nang may lumabas ma galit na galit na babae, binato niya pa ng tsinelas ang babaeng nakasagasa sa bata. Para bang gusto rin nitong masakit at hindi alam kung paano niya pakakalmahin ang sarili.

“Ano pang ginagawa mo rito?”galit niyang tanong. Kita ko ang pagkuyom niya ng kamao habang nakatingin lang dito sa babae. Mas lalo namang napayuko ang nakasagasang babae.

“Gusto ko lang po ulit na humingi ng tawad..”sambit niya.

“Ano pang magagawa ng paghingi mo ng tawad? Wala na ang anak ko! Pinatay mo ang anak ko! Mamamatay ‘yang utak mo sa konsensiya!”galit na galit na saad nito.

“Mama.. huwag na po kayong magalit, hindi po ba kayo rin ang nagsabing masama ang magtanim ng galit sa puso?”tanong pa no’ng batang lalaki kahit hindi naman siya naririnig ng mama niya. Sinubukan din niya itong hawakan ngunit tumagos lamang siya.

“Ma’am, huwag na raw po kayong magalit sabi ng anak niyo.. hindi raw po maganda ang magtanim ng galit sa puso..”sinubukan pang sabihin ni Lia ang sinabi ng kanyang anak ngunit agad na nabaling ang galit ng babae kay Lia.

“Huwag mong gamitin ang anak ko sa panggagantiyo mo! Aba’t patahimikin niyo naman na sana ang kaluluwa no’ng bata!”galit na galit na saad no’ng ina ng bata. Well, hindi naman kasi lahat ay naniniwala sa mga ito. Baka nga isipin pa ng ibang tao na talagang napapraning lang ang mga ito, na manggagantiyo lang.

“Talagang nagdala ka pa ng kung sino rito? Anong akala mo kaya mo kaming kulamin? Talagang hindi ka patutulugin ng konsensiya mo, bata pa ang anak ko, marami pang pangarap ang batang ‘yon! Pero anong ginawa mo?”tanong pa nito. Punong puno na ng galit ang puso.

“Sorry po..”hindi alam no’ng babae kung paano siya hihingi ng tawad dito. Mukhang wala namang balak pang magpatawad. Hindi pa mahanap sa puso ang magpatawad. Naiintindihan naman namin siya, nawalan siya ng anak at hindi man lang niya nakitang natupad nito ang mga pangarap niya sa buhay.

Tila naninikip naman ang dibdib ko habang pinapanood ang batang lalaki na yinayakap ang ina niya. Ganyang edad ako nang mawalay ako sa papa’t mama ko, hindi ko lang sila maiwasang maalala. Yes, maybe it’s hard to let go of your parents but I think it’s more painful for her right now.

Touch of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon