STYLM : Chapter 10
"Sabi ko sayo, huwag ka nang makikipag-away. Kulit mo rin eh." sabay pahid mo ng alcohol sa sugat ni Suga sa pisnge. Napangiwi naman si Suga.
"Ouch, Y/n. Ang hapdi." saka niya hinawakan ang kamay mo. "Dahan-dahan lang kasi." dinahan-dahan mo ang pagdampi ng cotton na may alcohol sa kaniyang sugat.
"Ang sweet oh, aray! Aray! May mga langgam na kumakagat sa'kin!" binato mo ang lalagyan ng alcohol kay Jhope.
"Heh, inggit ka lang kasi wala kang jowa." pangaasar mo kay Jhope. Napangisi naman si Suga at tiningan ka.
"Di porket may gusto ka lang kay Suga-hyung para---" napatakip ng bibig si Jhope. Nadulas siya tungkol sa feelings mo kay Suga.
"M-may gusto k-ka sa'kin?" nakatingin na tanong ni Suga sayo. Hindi ka makakibo, nanigas ka sa kinauupuan mo. Tumango-tango ka na lang.
"I'm sorry... I don't love you..." biglang nagdilim ang paligid at kayong dalawa lamang ang nasa loob ng kadilim. Unti-unting lumalayo si Suga sayo.
"Yoongi!" tumaktakbo ka papalapit sa kaniya at naabutan mo siya ngunit bigla ka niyang sinampal at nagising sa katotohanan.
"Fuck! Panaginip lang pala..." sabi mo habang naka-upo sa kama at nakayuko. Napanaginipan mo pa ang simula ng lahat kung bakit ka ganito ngayon na palaging nasasaktan."Y/n! Nasa baba Mommy ni Suga! Mag-ayos ka daliiii!!!" tarantang sigaw ni Jin pagbukas ng kwarto nyong dalawa.
"Ano?!" napabalikwas ka ng bangon at nag-ayos upang magmukhang maganda sa harapan ng mga magulang ni Suga. Humarap ka sa salamin. Maganda ka naman sana pero bakit ayaw pa rin sayo ni Suga? Tinigilan mo na ang pagmumuni-muni sa kwarto at lumabas na.
Nag-suot ka ng simpleng dress na kulay pink at inayos lang ang mukha at buhok mo. Naabutan mo ang Mommy ni Suga na napakalawak ng ngiti.
"Oh hija, Good morning ~" nilapitan mo siya at nakipag-beso beso. Gising na pala ang pito at naalala mong may pasok pa kayo buti at maaga pa. Pumunta kayong sofa at umupo, katabi mo si Suga na walang imik ng bigla ka niyang akbayan.
"Napasarap kasi ang tulog ng asawa ko kaya pasensya na sa paghihintay Mom." gulat kang napatingin kay Suga. Balak niya bang magpanggap na okey keyo?
"It's ok my son. Ang ganda talaga ng magiging asawa ng anak ko, mas maganda pa sa umaga." hangang-hanga na sabi ng Future Mommy mo.
"Thank you po Tita." nginitian mo nalang siya ng pilit. Naiilang ka kay Suga.
"Call me Mommy not Tita. That's why I came here to visit you. The house we built for you two by Y/n and Suga is not finished yet. Regalo naming mag-asawa sa inyo ang bahay na iyon kapag kasal na kayo. Ipapa-alala ko lang na dalawang buwan na lang ay ikakasal na kayo." akala talaga ng Mom ni Suga ay ayos kayong dalawa.
"Ahm Tita, may sasabihin sana kami sayo. Si Y/n kasi ay b-" biglang tinakpan ni Suga ang bibig ni Taehyung na katabi niya.
"Y/n is happy that we are together and love each other." nagpupumiglas si Taehyung kaya tinanggal na niya ang pagkakatakip sa bibig nito.
"I did not really make a mistake in choosing you to marry my son. By the way, Y/n condolence. No matter what happens we will take care of you so don"t despair." lumapit sayo ang Mama ni Suga at niyakap ka. Ang sarap sa pakiramdam na botong-boto ang Mom niya sayo pero hindi ka pa rin manalo aa puso ni Yoongi.
"Hindi ko po siya papabayaan Mom." saad ni Suga. Tumayo na ang Mom ni Suga kaya tumayo na rin ang iba.
"Aalis na ako ha. Good bye." hinatid nila Rm ang Mom ni Suga sa labas. Mga anak na rin ang turi niya sa kaibigan ni Suga. Pumasok kayo sa loob at nagpalakpakan ang anim. Mga praning ata.
"Best actor of the week goes to Mr. Min Yoongi!" sabay wagaswas ng kamay ni Jhope sa harap ni Suga. Binatukan naman siya ni Suga. Tahimik ka lang at tinitingnan ang kakulitan nilang pito.
"Sana totoo na lang lahat ng sinabi mo YoonGilagid..." bulong mo. Puro kabaligtaran lahat ng sinabi ni Suga sa Mama mo. Pero kahit ganoon ay naranasan mo ang pagiging sweet nya sayo kahit pagpapanggap lang...
"Y/n, si Suga nakikipag-bugbugan!" nasa kalagitnaan kayo ng klase ng biglang sumigaw ang lalakeng iyon. Napadukdok ka sa mesa mo. Ano pa bang bago? Palagi naman siya ganon.
"Miss Lee Y/n. Get out and please lang pigilan mo sana ang nga kaibigan mo na gumawa ng gulo kahit ang mga magulang nila ang may pinakamalaking ambag sa University na to." tumayo ka at saka ka lang nag-alala dahil napatingin ka sa iyong tiyan.
"Ang baby namin! Baka mapatay si Suga" pero masyado ka atang advanced mag-isip sa sinabo mo. Sumunod ka sa lalakeng sumigaw kanina hanggang sa matagpuan niyo ang away. Napanganga ka dahil hindi lang pala si Suga ang nakikipag-bugbugan pati ang ibang member ng Bangtan at ang Day6 pa ang kalaban.
"Potangina! Kailan ba matatapos ang away ng mga kupal na to?!" inis na saad mo at lumapit pa sa mga away. Pito laban sa Anim.
Nakita mong susuntukin si Suga na nakahiga dahil sa panghihina kaya agad kang humarang at pumikit pero wala kang naramdaman na tumamang kamao sa tiyan mo. Naalala mo ang batang dinadala mo.
Naramdaman mo na lang na yakap-yakap ka ng kung sino at ng pagkamulat mo ay si Suga. Nilabanan ni Jimin ang susuntok sana sayo. Hinila ka ni Suga papalayo sa away kahit hinang-hina na. Hindi mo magawang magalit kay Suga dahil matagal mo na siyang mahal at matagal ka na ring nagpapakatanga na mamahalin ka rin niya.
Dinala ka niya sa Clinic at napansin mong walang nurse doon at pasyente. Pina-upo ka niya sa kama at may kinuha siyang alcohol at bulak. Umupo siya sa tabi mo at ibinigay ang bulak at alcohol.
"Gamutin mo ko." walang emosyon na utos sayo ni Suga. Nagpatak ka naman ng alcohol sa bulak at dinampi-dampi ito sa pisnge ni Suga.
Walang pinagbago, parang noong highschool lang kayo. Naalala mo tuloy yung panahon na close pa kayo at sweet sa isa't isa. Hindi mo rin masisisi si Jhope dahil alam mong walang lihim na hindi nabubunyag.
"Bakit mo ko iniligtas? Di'ba hindi mo naman pananagutan ang bata kaya ipapalaglag ko na lang." pagkukunwari mo. Gusto mo lang malaman kung bakit.
"Sino ang mananagot kapag nawala yan? Ako. Kapag nalaman nila Mom yan mas lalo na si Dad... Papalayasin nila ako. At talagang wala ka ding utak minsan, ipapalaglag mo ang bata? Fvck anak ko yan." mas lalo lang ginugulo ni Suga ang isip mo. Himiga siya sa kama pag-katapos mong linisan ang sugat niya.
Hindi mo talaga alam kung ano ang mga bagay na tumatakbo sa isip ni Suga. Baka tanggap na niya ang anak nyo? Pananagutan na niya kaya? Nagbago na ba ang isip niya? Napangiti ka na lang sa mga iniisip mo. Kung ano man iyon ay masaya ka dahil hindi ka niya pinabayaan katulad ng sinabi niya sa Mom niya.
"Suga?" tinapik mo siya sa balikat. Tulog na siya. Napagod siguro sa pakikipag-bugbugin kila Junhyuk.
"Gaano man katagal ang panahon na kung saan ay mamahalin mo ako... Maghihintay ako at hindi ako susuko hangga't hindi ka nahuhulog sakin. Fighting!"
BINABASA MO ANG
"Say That You Love Me"
RomanceMin Yoongi X Reader Loving someone who can't love you back is not easy. Min Yoongi a.k.a Suga, my cold hearted crush---the man will be forced to marry me. But to what extent and when will I endure if someone like him is dumb in love? "If you really...