Chapter 26

167 13 0
                                    

STYLM : Chapter 26


"Ang bigat ni Jin-hyung!" reklamo ni Jhope habang akay-akay si Jin sa kaliwa at sa kanan si Yoongi.

Ikaw naman ay lilinga-linga dahil baka may sumulpot na namang nakakatakot na naka-mascot.

Wala pa ring malay si Jin dahil sa gulat. Humingi tuloy ng paumanhin ang nanakot sa kanya pagkatapos siyang tawanan. Sino ba kasing hindi matatawa kay Jin ehh kalalakeng tao hinimatay sa takot?

"Wag ka puro reklamo. Dalian na lang nating maglakad," saad ni Suga. Lumapit ka sa kaniya para Everytime na matatakot ka ay mapapayakap ka sa kaniya.

Biglang kumapal ang usok sa kanilang dinadaanan. Napa-yakap ka naman sa sarili mo dahil wala ka man lang damit pangginaw dahil mas lalong lumamig ang paligid. Kakaiba ang napasukan n'yong horror house, parang totoo na ang mga nandoon.

Sa 'di kalayuan ay may natanaw kayong anino sa usok. Napahinto kayo at binitawan ni Suga ang pagkaka-akay kay Jin.

"Ikaw naman umakay kay Jin, Y/n," utos ni Suga sa'yo at sumunod ka na lang kaysa magalit siya.

"Awwwoooo~" napatingin kayo sa paligid ng may sound effects pang alulong ng aso.

Lumalapit sa inyo ang aninong nakita n'yo kanina. Nakalapit na ito sa inyo at hindi n'yo makita ang mukha dahil sa makapal na usok.

"Boo!" panggugulat ng white lady na biglang sumulpot at tapat na tapat ang panget mukha kay Yoongi.

"Bugg!"

"Putangina! Napaka... SuGAGO mo!" sigaw mo ng makita mong sinuntok ni Yoongi ang babaeng naka-costume at nawalan ng malay. Humarap si Yoongi sayo.

"Nanggulat, ehh nagulat ako." nagkatinginan kayo ni Jhope sa sinabi niya.

Gulat?

Sa hitsura niyang yun?

Gulat?

"Hoy! Lumabas na tayo bago pa yan magkaron ng malay!" sabi ni Jhope at naglakad na kayo papalayo sa white lady na naka-costume. Nahanap n'yo na ang exit at lumabas kayo.

"Grabe ginawa mo sa babae kanina hyung," sabi ni Jhope. Ini-upo niyo si Jin sa isang bench. Nakatingin ka kay Jin at iniisip kung paano ito gigisingin.

"Kuha kang tubig Y/n." utos ni Jhope sayo. Nagtaka ka sa sinabi nito.

"Ha? Bakit?"

"Hahagisan ko ng tubig yang si Jin-hyung para magising," sagot nito.

"Sobra naman, Jhope. Wala siyang pampalit ng damit. Ganito na lang, Yoongi-ah pahingig pera?" sabay lahad mo ng palad mo kay Yoongi.

"Ano ka? Bata? Para hingan ako ng pera?" nakataas ang kaliwang kilay nito. Naaasar ka sa inaasta nito.

"Ikaw na nga lang Jhope, ma-attitude ang magilagid na ito." binigyan ka ni Jhope ng pera. Hindi ka kasi nakapagdala ng pera kakamadali sayo ni Riri.

"Ano ba bibilhin mo?" tanong ni Jhope.

"Basta," sabi mo at umalis. Pumunta ka sa nagtitinda ng ice cream na naka-cart.

Ang balak mo ay bilhan si Jin ng ice cream na strawberry flavor. Mahilig siya sa mga bagay na pink at pagkaing kulay pink.

Matapos mong makabili ay bumalik ka at umupo sa tabi ni Jin, ganoon din si Jhope pero si Yoongi at nakatayo. Hindi na nagtanong si Jhope at Suga kung bakit iyan ang binili mo.

Amoy na amoy ang strawberry flavor kaya ipina-amoy mo ito kay Jin. Hindi ka naman nabigo dahil nakita mong sinisinghot na nito ang naamoy hanggang sa unti-unti ng napadilat si Jin.

"Say That You Love Me"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon