STYLM : Chapter 41
Your Pov"Atwe Y/n, bwakit wala pa kayong bwaby ni Tuya Twimin?" Tanong ni ng batang Saera. Bulol pa siya magsalita, kunsabagay 4 year's old pa lang naman siya.
Napatingin naman ako sa kaniya na naka-upo sa tabi ko pagkatapos kong magsukli sa costumer namin.
Ngumiti naman ako sa kaniya.
"Hindi pa nga kami naikakasal, baby agad? Nakakaloka ka ha? Atsaka gusto mo bang mawalan ako ng time sab'o? Kapag nagkababy na ako hindi na kita maalagaan." Pananakot ko sa kaniya.
Napanguso naman siya. Natatawa ako sa kakulitan ng batang to.
Iniisip ko na minsan siya ang anak ko. Nasasabik ako sa bata kaya pumayag ako na isama ko rito ang batang to araw-araw dito sa sarili naming coffee shop ni Jimin.
Anak siya ng kapitbahay namin na may trabaho araw-araw at wala kasing magbabantay sa bata kaya nagprisinta na ako.
Napatingin ako kay Jimin na nagseserve sa mga costumer's namin. Nabaling naman ang tingin niya sa 'kin at ngumiti.
Napa-iwas naman ako ng tingin at kinagat ang ibabang labi.
Aminado ako ngayon... I love him
I love Jimin.
Sa dalawang taon ba naman naming magkasama, impossible naman na di ko siya magawang mahalin pabalik?
Dalawang taon na ang nakakalipas simula ng layuan ko ang punyetang first love ko at isang taon na rin ang nakakalipas ng mawala ang anak ko.
Dito ako nagpatuloy ng pagaaral sa kursong Business Administration at ako ang nagplano na magtayo ng coffee shop na ito.
Pinakilala ako ni Jimin sa magulang niya, tanggap nila ako kahit alam nila ang background information ko.
Sasayangin ko pa ba ang tiwala ng pamilya niya sakin at ang lalakeng kasama kong nagtayo ng negosyo na ito?
Dalawang taon...
Dalawang taon akong walang balita sa mga kaibigan ko, maski kay Jin na hindi na nangamusta pa. Sinubukan ko silang dalawin pero lumipat na raw sila ng bahay, ayon sa nagbabantay.
Wala na akong naging balita about sa kasalang magaganap sana samin kay Gilagid. Alam kong na-cancel na iyon at baka nga sila pa ni Shinri ang nakasal.
Kami naman ni Jimin, nagpaplano pa lang. Masaya na ako sa simpleng buhay kasama siya.
"Mukhang malalim ang iniisip ng mahal ko ah?" Hindi ko namalayan ang paglapit sakin ni Jimin.
Binalik na niya ang tray dito sa counter. Sabado ngayon at pinag-day off muna namin ang iba sa mga trabahador dito.
"Bakit ang lawak ng ngiti mo diyan? Halos nakapikit ka na? Hoy, may nakikita ka pa ba?" Pangaasar ko sa kaniya kaya napanguso siya.
"Ang cute n'yo kasi ni Saera, para kayong mag-ina ko." Ginulo niya ng bahagya ang buhok ni Saera.
"Tuya Twimin!" Suway ni Saera.
"Kasungit naman nito." Agad na binawi ni Jimin ang kamay niya dahil kakagatin na siya ni Saera.
Napangiti naman ako, para naman silang mag-ama ko. Tinawag ko ang isa sa waitress dito at pinagbantay muna sa counter at kay Saera.
Kinuha ko ang naka-supot na basura para itapon sa gilid nitong coffee shop.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa 'kin ang babaeng nagkakalkal ng basura. Sa tingin ko ay isa siyang pulubi.
Napatingin siya sa 'kin at nabitawan ko ang dala-dala ko.
BINABASA MO ANG
"Say That You Love Me"
RomanceMin Yoongi X Reader Loving someone who can't love you back is not easy. Min Yoongi a.k.a Suga, my cold hearted crush---the man will be forced to marry me. But to what extent and when will I endure if someone like him is dumb in love? "If you really...