Chapter 24

194 14 0
                                    

STYLM : Chapter 24


"Wow! I can't believe to all of this." manghang sabi ni Riri habang nakatingin kay Yoonji.

Kinwento rin ni Yoonji kay Riri ang nangyari noon kaya naintindihan naman ito ni Riri.

Nasa bahay sila ng Bangtan at naka-upo sila sa sofa. Nando'n si Jimin, Yoongi at ikaw. Kayo kasi ang sasama kay Yoonji para mamili ng gown mo at iba pa.

"By the way Kuya Yoongi. Here's the invitation for your wedding. Kahapon ko iyan pinagawa noong umalis ako matapos tawagan ako ni Mommy." binuklat n'yo iyon ni Yoongi. Maayos naman ang pagkakagawa nito at simpleng-simple lang.

"I'm so excited sa kasal n'yo!" kinikilig na sabi ni Riri. Syempre ito ulit si Yoongi muling nagpapanggap na mabait kay Y/n kaya laking pasasalamat mo at sasama siya sa lakad nyo.

Alam na ni Riri ang tungkol sa kasal at forced marriage lang naman talaga ito pero hindi ang tunay na ugali ni Yoongi.

"Ok, let's go!" sabay tayo ni Yoonji at sumunod ang iba. Sumakay kayo sa Van ng Bangtan at si Jin ang nagmamaneho. Nagpumilit rin ito sumama ng may marinig na salitang 'GOWN'.

"Ituturo ko sa'yo ang daan Jin," saad ni Yoonji. Katabi nito si Jin. Sa likod naman si Yoongi at Y/n. Sa susunod ay si Riri at Jimin.

"Pwede ba mag-bigay galang ka naman Oppa Jin dapat!" napangiwi naman si Yoonji sa sinabi ni Jin.

"Ganyan din ba ang tamang paggalang? Sinisigawan at pinapatulan ang babae? The heck!" singhal ni Yoonji.

"Hindi pa ba kayo mananahimik?" tanong ni Yoongi.

"Hindi!" sabay na sabi ni Jin at Yoonji at tumingin sa kanila. Kinuha ni Yoongi ang kinakain mong snack.

"Bakit ba ganyan mo ko tratuhin ha? Nakakasira ka ng beauty ha! Hmph!" sabay cross arms ni Yoonji.

"Baguhin mo pananalita mo at baka tratuhin kita ng matino." napasapo ng noo si Jin.

"Baka kayo pa magkatuluyan niyan," pangaasar ni Riri. Napatingin ulit ang dalawa sa likod.

"Nev-" sabay na pinasakan ni Yoongi ang bunganga ni Jin at Yoonji ng snack mo.

"Hindi kayo mananahimik?" kinain ng dalawa ang sinubo ni Suga. Naaasar na sya sa kaingayan ng dalawa.

Bakit pa kasi umuwi si Yoonji dito? Sakit lang yata sa ulo dulot ng pag-uwi nya dito. Kaya ayaw na ayaw niyang makasama ang kapatid dahil sa attitude nito, talkative. Mas malala siya kay Riri.

Nanahimik na ang dalawa dahil alam na nilang nagaalburuto na naman si Yoongi. Pumikit ulit si Suga at idinantay ang ulo sa balikat mo.

Hinayaan mo na lang siya at tumingin sa labas. Maganda ang sikat ng araw, pupunta kayo ngayon sa isang gown designer na kilala ni Yoonji at Flower shop.

Isang oras ang lumipas. Nakarating din kayo sa wakas. Naligaw-ligaw pa kasi kayo dahil hindi nasunod ni Jin ng maayos ang tinuturo no Yoonji na daan. Nagtatalo pa ito paminsan-minsan.

Pumasok na kayo sa Shop at tumunog ang bell sa pinto tanda na may costumer. Pagpasok na pagpasok n'yo ay tumambad sa inyo ang napakaraming magagandang gowns. Namangha ka sa nakita mo, mukhang pulido sila gumawa.

"Good morning Ma'am and Sir!" masayang pagbati sa inyo sa isa sa mananahi ng mga gown at may ari na rin ng Shop. Lumapit si Yoonji sa babae at nakipag-usap. Naka-akbay sayo si Yoongi at patingin-tingin kay Riri.

"Ang ganda ng gowns dito. Nae-exite tuloy akong magkajowa at ikasal!" kinikilig na sabi ni Riri. Biglang nag-ring ang cellphone ni Yoongi.

"Lalabas muna ako," paalam niya sa inyo at sinagot ang tawag.

"Say That You Love Me"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon