Play Euphoria or Crystal Snow while reading this chapter.
STYLM : Chapter 45
Your Pov"Masaya na siya sa heaven, Y/n. Masaya na ang taong mahal mo." Hinagod ni Shinri ang likod ko dahil kanina pa ako umiiyak.
Nakalipas na ang isang buwan, ngayon lang ako bumisita sa puntod niya dahil napakarami naming ginawa at hindi pa ako handa na makita ang pangalan niya na nakasulat sa lapida.
Niyakap ako ni Jimin.
"Shhh, Y/n. Kanina ka pa umiiyak, maubusan ka na ng luha diyan at dugo na ang iluha mo?" Biro sa 'kin ni Jimin kaya hinampas ko siya sa braso.
"Namimiss ko na nga kasi si Mama!" Sabay padyak ko.
Ngayon ko lang nadalaw si Mommy rito sa memorial park. Napanguso ako at pinunasan ang mga luhang tumulo sa 'kin.
"Oo nga pala, one hour na tayong nandito. Tutuloy na tayo sa park kung saan magkikita-kita tayo ng Bangtan." Napangiti nakan ako sa sinabi ni Jimin.
Finally, magkikita-kita na ulit kami matapos ang dalawang taon. Matapos ang pagsubok na kinaharap namin.
Naglakad na kami patungo sa kotse ni Jimin. Sumakay na kami at nagsimula na siyang magmaneho.
Napatingin naman ako sa labas.
Pinili ko si Jimin, umiwas naman sa 'kin si Yoongi. Nakaligtas siya sa pagkakabaril sa kaniya ni Riri.
Nasa mental hospital na ngayon si Riri. Baliw na nga raw siya sabi ng Doctor.
Magkikita-kita na kami ngayon. . .
Si Jungkook at Yoonji kaya, galit sa 'kin? Hindi na kaya magiging ma-ilap si Namjoon sakin?
Namiss din kaya ako ni Jin at Jhope? Hindi na kaya ako babastusin ni Taehyung?
At. . . Mahal pa rin kaya ako ni Yoongi?
Nagaalala ako sa posibleng mangyari. Kinakabahan din ako.
Hinawakan ako ni Shinri sa kaliwang balikat.
"Y/n, kung ano man yang bumabagabag sa isipan mo... Huwag mong pansinin, ang mahalaga ngayon ay magkikita-kita na ulit kayong magkakaibigan." Nginitian niya ako. Tumango naman ako.
Tama siya, hindi dapat ako mag-isip ng kung anu-ano. Dapat maging masaya ako.
Ilang minuto pa ang binyahe namin. Sa wakas ay huminto na kami sa isang park. Bumaba na kami ng sasakyan at sinundan namin si Jimin.
Magkahawak kamay kami ni Shinri, humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniya ng makita ko ang pitong tao na naka-upo sa damuhan.
Nasa tabing ilog itong park, may malilinis na damo rito at malawak.
Tinuro kami ni Taehyung nang makita kami at agad naman silang nagtayuan.
Nakalapit na kami sa kanila. Nakatingin sila sa 'kin.
Naiilang ako, bumitaw na ako sa pagkakahawak ni Shinri sakin. Ngumiti ako ng pilit sa kanila.
"Ay fake!" Kumento ni Jin sa ngiti ko. Napangiti naman ako sa inasta niya.
"Oh ayan! Just like that!" Saad niya.
Inunat niya ang magkabilang braso niya na inaanyanya akong yumakap sa kaniya.
Agad ko siyang niyakap. Niyakap din niya ako pabalik.
I miss him---I really miss them.
Dalawang taon kaming hindi nagkasama-sama. Kumalas siya sa pagkakayakap sa 'kin. Nagulat siya ng makita akong umiiyak.
BINABASA MO ANG
"Say That You Love Me"
RomanceMin Yoongi X Reader Loving someone who can't love you back is not easy. Min Yoongi a.k.a Suga, my cold hearted crush---the man will be forced to marry me. But to what extent and when will I endure if someone like him is dumb in love? "If you really...