STYLM : Chapter 31
Your Pov"Bakit ang panget ni Jin?" Tanong ni Yoonji. Napatingin naman kami ni Riri sa kaniya at tumingin din siya samin mula sa pagkakatitig kay Jin.
Naka-upo kami sa gilid ng pool nila Riri at Yoonji. Naka-alis na si Miss Min, kina-usap niya lang ako kanina saglit at nagbilin.
"Bakit ang panget ni Jin? Nye nye nye," pangga-gaya ni Riri sa boses ni Yoonji. "Tapos isa ka palang dakilaaang marupoook kay Jin kinabukasan," dagdag pa niya.
Napa-irap naman si Yoonji sa sinabi ni Riri. Gwapo naman si Jin kaso ang hirap lang eh, ang dakdak niya.
"Hoy, Riri. Yang lalakeng 'yan, maraming kasalanan sakin yan. Kumukulo dugo ko kapag nakikita ko siya," naiinis na sabi ni Yoonji.
Kunsabagay, first meet up pa lang nila Yoonji at Jin eh nagkaroon agad ng away. Magkapatid talaga si Yoonji at Yoongi, parehas palaging maiinit ang ulo.
"Bakit Yoonji, may gatong ba yang dugo mo para kumulo?" Pamimilosopa ni Riri. Napatingin naman si Yoonji ng masama sa kaniya at tinulak siya sa swimming pool.
"Kyaahh!" Tili ni Yoonji ng hatakin siya sa paa ni Riri para mahulog din sa pool. Napa-iling na lang ako sa kanilang dalawa.
Nasa pool sila at ako nandito lang naka-upo sa gilid. Napansin ko rin si Jungkook na ang tahimik simula ng dumating siya rito.
Napatingin ako sa kaniya naka-upo rin siya sa gilid ng pool katapat ko at hindi sumasali sa kanila. Napansin yata ni Jungkook na may nakatingin sa kaniya kaya tumingin siya sa 'kin. Umiwas ako ng tingin. Ang hot din naman ni Jungkook---lahat ng Bangtan.
Nadako ang tingin ko kay Suga na nakikipag-volleyball sa tubig. Naalala ko ang bilin sakin ng kaniyang Mommy . . . .
B
"Maaari ko bang mahiram muna si Y/n?" Tumango ang mga kasama ko at umahon ako mula sa tubig. Kumuha ako ng towel at tinakip sa katawan ko.Pumasok kami sa loob ng bahay at nasa kusina na kami ni Miss Min.
"Miss---ahh! Mama, may kailangan po ba kayo sa 'kin?" Ngumiti siya at kinuha ang kanang kamay ko saka ito hinawakan.
Ang lambot ng kamay ni Miss Min, oh my---
"I know your secret Y/n, nagpapanggap lang kayo ni Yoongi. Kilala ko ang aking anak at masyado kayong halata," biglang umurong yung dila ko at hindi nakapagsalita. Ngumiti ulit siya sa 'kin.
"Pero huwag kang nag-alala, hindi ko sasabihin sa mga kaibigan mo at mas lalo na kay Yoongi na alam kong nangpapanggap kayo." Nakahinga ako ng maluwag sa kaniyang sinabi.
Akala ko katapusan ko na kapag nalaman ito ng Mommy ni Yoongi at baka patayin kami parehas.
Binitawan ni Miss Min ang kamay ko at tumalikod sakin.
"I just want to informed you Y/n, huwag na huwag kayong magpapahalata kapag ang Husband ko na ang bumisita rito dahil agad na maka-cancel ang wedding ninyo. Ayaw mo namang mangyari iyon, right?" Tanong sa 'kin ni Miss Min.
"A-ayaw ko po," sagot ko. Ayaw kong makawala pa sa mga kamay ko si Yoongi at mapunta sa iba mas lalo na kay Shinri.
"Aalis na ako, good-bye." Paalam ni Miss Min.
"Wait lang po!" Pagpigil ko. Buti na lamang ay hindi pa nakakapaglakad si Miss Min palayo. Nakatalikod pa rin siya sakin.
"Bakit n'yo po ako pinagpipilitang ipakasal kay Yoongi, kahit alam ninyong ayaw niya sa 'kin?" Tanong ko. Napakatagal ko na itong gustong itanong.
BINABASA MO ANG
"Say That You Love Me"
RomanceMin Yoongi X Reader Loving someone who can't love you back is not easy. Min Yoongi a.k.a Suga, my cold hearted crush---the man will be forced to marry me. But to what extent and when will I endure if someone like him is dumb in love? "If you really...