Chapter 40

182 15 14
                                    

STYLM : Chapter 40
 
  
Your PoV

"Masarap ba ang luto ko?" Tanong ng Mommy ni Jin. Napa-thumbs up naman ako. Napangiti naman siya. Hindi ako makapagsalita dahil puno ng pagkain ang bibig ko.

Grabeee, ang sarap ng mga nilutong pagkain ng Mommy ni Jin. Nakakawala ng stress. May pinagmanahan pala ang Jin na 'yun.

Mahaba ang lamesang ito at siya ang nasa gitna sa gawing kanan. Nasa gilid naman ako at si Jimin, wala ang Daddy niya dahil nasa work pa daw at si Jin naman ay nasa school pa dahil tanghali pa lang naman ngayon.

Dito kami tumuloy ni Jimin ng umalis kami sa hospital. Welcome na welcome naman kami sa bahay ng pamilyang Kim. Napaka-bait ng Mommy ni Jin at may pagkamadaldal din.

Uminom muna ako ng tubig dahil may gusto akong itanong sa kaniya.

"Miss Kim, bakit po pagdo-doctor ang gusto ninyong maging work ni Jin-Oppa?" Tumingin naman siya sakin.

"Ang Daddy ni Jin ay isang Doctor at sa lahi namin ay kung sino ang anak na lalake ay magdo-doctor dapat." Napatango naman ako.

"Kahit ba sang-ayon ako sa gustong course na kunin ni Jin, ang Daddy niya pa rin ang masusunod." Dagdag pa niya. Hindi na ako nagtanong pa.

Ang Daddy niya lang ang may ayaw sa course na gusto ni Jin. Nakakalungkot naman.

"Pero maaari pa naman niyang ituloy ang course na iyon kapag natapos na niya ang pinagaaralan niya rito." napatango-tango naman ako.

Nagpatuloy kaming kumain at saglit na nagkaroon ng katahimikan. . .

"Hija, may na-kwento sa'kin si Jin na may gusto siyang babae at idadala niya raw dito ang babaeng iyon in the right time. Ikaw ba ang tinutukoy niya?" Napabuga ako ng tubig at napatingin kay Miss Kim na hinihintay ang sagot ko.

"Po? Ako? Baka naman po iba ang tinutukoy niya?"

"Ikaw ang unang babae na pinatapak ni Jin dito sa pamamahay namin bukod sa 'kin," napanganga naman ako.

"May boyfriend na po ako. Matalik na kaibigan ko po si Jin-Oppa at si Jimin naman po ang boyfriend ko." Tumingin ako kay Jimin, pinanlakihan ko siya ng mata at ngumiti na sumang-ayon siya.

"By the way hija, what's your name again? Hindi ko kasi masyadong narinig ang pagpapakilala mo kanina." Tumingin ulit ako kay Miss Kim.

"Lee Y/n po."

"Ohh, hindi pala ikaw 'yun. Yoonji daw ang pangalan ng babaeng gusto niya." Nagkatinginan ulit kami ni Jimin sa narinig at napangiti.

Owemjiii! Sabi ko na nga ba maiinlove din ang dalawang yun sa isa't isa.

"Si Yoonji po? Ang kakambal ni Yoongi?" Tanong ko at tumango siya. Alam na rin niyang may kakambal si Yoongi?

"Do you know her? How is she?" Tanong ni Miss Kim.

"W-wala na po kaming balita about sa kaniya." Napayuko naman ako.

Ako ang dahilan kung bakit nagkalayo sila sa isa't isa....

Hindi na muling nagtanong pa si Miss Kim. Mukhang napansin niya na may problema kami sa pagkakaibigan.

Natapos na kaming kumain at nagkwentuhan pa kami saglit.

"Aalis na ka-agad kayo? Hindi ninyo ba man lang hihintayin si Jin umuwi?"

Umiling naman ako.

"Ayos naman na daw po sa kaniya na umalis kami dahil pinagpapahinga niya na po ako." Sagot ko dahil naka-usap ko sa cellphone si Jin.

"Say That You Love Me"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon