Chapter 32

146 14 0
                                    

STYLM : Chapter 32
 
  
Your Pov

"Parang kailan ko lang pinagbabawalang mambabae si Jungkook tapos ngayon, kakalimutan na niya pagsasama nating mga kaibigan," pagkekwento ni Jin na nakatulala sa sahig.

Tahimik kaming lahat dito sa salas na naka-upo, gabi na at kakatapos lamang namin kumain kanina.

Napakatahimik namin habang kumakain kanina, ugh! Hindi ako sanay ng ganon. Affected kaming lahat sa nangyari samin ni Jungkook.

Hindi pa rin sila umaalis sa bahay namin. Saan ngayon pupunta si Jungkook? I'm worried about him, kahit ang sakit ng mga binitawang salita niya.

Napakalaki na ng pinsalang ginawa mo Shinri, hindi lang sa 'kin pati na rin kay Jungkook.

Wala rin si Yoongi dito sa baba, may kung ano yatang ginagawa ro'n sa itaas.

"I still remember the time when Jungkook liked Y/n," napatingin ako ng masama kay Jin. Nadadamay ako sa kadaldalan ng lalakeng to?

"Hindi ba mananahimik bibig mo? Gusto mong tahiin ko?" Tanong ni Riri na inunahan na ako sa pagtatanong.

Kaloka si Jin. Pero totoo naman ang sinabi niya...
  
  
  
 
"Y/n! Y/n!" Hingal na hingal si Jungkook ng makalapit sa kinauupuan ko.

"Jungkook, bakit ka tumatakbong papalapit sa 'kin?" Takang tanong ko.

Tahimik akong nagbabasa sa lilim ng isang puno, naka-upo ako sa malinis damuhan dito sa parke na kakaunti lamang ang mga tao.

Napansin kong may tinatago si Jungkook mula sa likuran niya. Mukhang napansin niya rin na nahalata ko ang pagtatago ng kamay niya doon sa likod kaya ilang saglit pa ay nilabas niya ang isang bouquet of roses.

"Y/n, for you." Kinakabahang ngiti ang binigay niya sa 'kin. Tinuro ko naman ang aking sarili.

"For. . . Me?" He noded.

"i l-like you..." Halos mangamatis na si Jungkook sa pag-amin niya sa nararamdaman sakin.

Tinuro ko ulit ang sarili ko.

"Gusto mo.... Ako?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Tumango si Jungkook at umiwas ng tingin.

Kinuha ko ang limang rosas na wala ng tinik at inamoy iyon. Mabango-bango ito at fresh pa. Saan kaya ito pinitas ni Jungkook?

Hindi ko maiwasang mag-blush. G'wapo naman si Jungkook kaya lang bata pa kami masyado.

"I want to court you." Direstahang pag-amin niya at umupo sa tabi ko.

Totoo ba tong narinig ko? My gosh!

Pero ang inaasahan kong magsasabi ng ganiyan sa 'kin ay ang crush kong si Yoongi na kaibigan namin.

"Jungkook, bata pa tayo. Hindi ako makakapayag na ligawan mo ako..." Paalala ko sa kaniya na agad napayuko. 15 year's old pa lang kami, wala pa kami sa right age para maglandian.

"Sa ngayon hindi. Kapag nag-twenty year's old na ako. Liligawan kita," Itinaas niya ang kaniyang ulo at ngumiti sakin.

Ngumiti rin ako sa kaniya pabalik. Wala namang masama kung pumayag di ba? Wala naman akong kasiguraduhan kung ako pa rin ang tinitibok ng kaniyang puso.

"Kung ganiyan lang rin naman ang usapan, sasang-ayon ako." Mas lumawak ang ngiti niya at niyakap ako...
 
  
  
  
  
Napangiti ako ng tago sa gilid. Nag-fade ang feeling's ni Jungkook sakin at naging mag-kaibigan na lang talaga kami.

"Say That You Love Me"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon