Chapter 28

176 16 0
                                    

STYLM : Chapter 28
  
  
"Jiiniie!" kanina ka pa kumakatok sa pinto ng kwarto ni Jin at Namjoon.

Nagising ka ng maaga at may pasok pa kayo. Dati-rati ay si Jin palagi ang nauunang magising kaysa sayo pero hindi sa ngayon.

Pinagbuksan ka ni Jin. Bumungad sa'yo ang nakasimangot na pagmumukha ni Jin at sumilip ka naman sa loob. Nakadapa pa si Rm at natutulog.

"Bakit hindi ka yata nagising ng maaga? Is there any problem?" Tanong mo. Umiling lang si Jin, hindi ito nagsasalita.

Nawe-weirdo-han ka na sa kaniya. Dati-rati eh palagi ka niyang dinadakdakan at inuutusan kapag nagluluto kayo. O di kaya naman kukuha ng kaldero at kakatukin ng sandok 'yun para lang gisingin kayo.

Napakaganda ng araw mo ngayon dahil pagkagising mo ay si Yoongi na naman ang tumambad sa paningin mo, plus naalala mo pa ang nangyari kagabi.

Kaso nga lang hindi ka niya pinapansin, totoo nga kayang nagseselos siya sa nakita niya kagabi? Hindi mo alam kung tuwa o lungkot mararamdaman mo sa napansin mo.

"Jin-Oppa, ayos ka lang ba?" ayaw ni Jin na tinatawag mo siyang Oppa dahil feeling daw niya ay tumatanda siya sa pagtawag mo ng ganon.

"Hu— k— m—gtan—" (huwag ka ng mag-tanong)  hindi mabuo ni Jin ang mga sasabihin niya. Saka mo lang napagtanto na napaos siya.

Nagpipigil ka lang ng tawa dahil baka sabunutan ka niya. Napala niya sa kakadakdak niya, napaos tuloy siya. Dahil din siguro naulanan siya kahapon.

"Bru— k—!" (bruha ka!) biglaa ka niyang tinulak dahil napansin niya ang pagpigil mo ng tawa. Nanahimik ka na lang, baka mamaya itulak ka na niya sa hagdan.

"Hindi mo ba kayang mag-luto?" umiling naman si Jin.

"Sa Cafeteria na lang tayo kumain. Uminom ng ka ng warm water at boiled ginger na rin para mabilis paggaling mo." advice mo kay Jin at tinangunan ka naman niya.

Sinaraduhan ka na ng pinto ni Jin at ginising ang iba mo pang kasama. Pinapanalangin mo na rin na sana pati si Yoonji ay napaos.

Bumalik ka na sa inyong kwarto pagkatapos mo silang gisingin. Wala na si Yoongi sa kama n’yo at mukhang nasa banyo na siya.

Kung official na kayo e'di sana pwede mong pasukin si Yoongi anytime sa banyo at gumawa ng kanabalaghan.

Hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin sa'yo ang pagwawala ni Yoongi noon at muntik ka na naman niyang magalaw.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay natapos na si Yoongi at sumunod ka naman. Hindi siya namamansin at ang lamig na naman niya sayo.
 
  
 
  
 
Nasa University na kayo at na-iwan ka sa Van na sinakyan niyo para ayusin ang gamit mo sa bag. Nasayo naman ang duplicate na susi ng Van pang-lock.

Bumaba ka na sa sasakyan at sinusi ito.

"Hi, Y/n!" Napahawak ka sa iyong dibdib sa gulat ng may bumati sa'yo. Hinarap mo ang babaeng bumati sa'yo, si Somin pala. Nakangiti siya sa'yo.

"H-hello." nginitian mo siya pabalik.

"Masakit pa ba ang ulo mo dahil sa pagpukpok sayo ni Jae?" tanong niya sa'yo. Umiling ka naman.

"Mauna na ako sayo, Somin. Thank you sa concern mo sa 'kin. Pupunta pa akong cafeteria para kumain." paalam mo.

"Always welcome, Y/n. Sasabay na ako sa'yo, hindi pa rin ako kumakain eh." sabay na kayong pumunta sa cafeteria kung saan nandoon din ang Bangtan pati si Yoonji at Riri.

"Hi, Guy's!" bati mo sa kanila na magkakasama sa isang mahabang table.

"Y/n! Sino yang kasama mo?" pagtatanong ni Jhope. Tumingin ka naman kay Somin, hindi pa nga pala nila kilala ang babaeng 'to.

"Say That You Love Me"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon