Chapter 19

194 15 1
                                    

STYLM : Chapter 19
  
  
"Sh*t, I'm soaking wet," Yoongi whispered and entered your room. Naabutan ka niyang tulog na tulog at dumeretso na lamang siya ng banyo pagkayari kumuha ng damit sa cabinet n'yo.

Nagbihis siya at pinalitan ang damit na basang-basa dahil naabutan siya ng malakas na ulan sa daan. Iniwan siya ng Bangtan sa school kaninang uwian dahil hindi siya mahanap at naglakad naman siya pauwi.

"It's annoying," bulong ni Suga matapos magpalit at ilagay sa tambakan ang damit na pinagbihisan.

He looked at you and suddenly his vision blurred. Napahawak siya sa noo dahil nahihilo na siya sa hindi malamang dahilan. Unti-unting lumapit si Suga sa kama n'yo.

"Y-Y/n..." tawag niya sa pangalan mo bago bumagsak at mawalan ng malay. Bigla ka namang naalimpungatan dahil sa ingay na nalikha ng pagbagsak ni Suga.

"Uhmm... Yoongi?" tiningnan mo ng mabuti kung si Yoongi nga ba ang taong nakahiga sa sahig. Nanlaki ang mata mo at agad na lumapit sa kaniya.

"Yoongi---wait, ang init mo!" hinawakan mo pa sa ibang parte ng katawan si Yoongi at napagtanto mong nilalagnat ito.

Agad mong iniakay si Suga pahiga sa kama niyong dalawa. Napangiwi ka naman dahil ang ang bigat ni Suga. Kinumutan mo siya dahil halatang giniginaw ito.

"Aish! Why does it have a fever?" napakamot ka ng ulo at bumaba sa kusina.

Kumuha ka ng maliit na palanggana at nilagyan iyon ng maligamgam na tubig saka bimpo. You go back to your room and start serving Yoongi again.

You are already worried about him. Naalala mong umulan ng malakas kanina kaya siguro siya nagkasakit dahil inabutan ito ng ulan.

Ipinatong mo ang bimpo sa noo niya. Imbes na inis ang nararamdaman mo sa taong kaharap mo ngayon ay awa ang namamayani para sa kaniya.

Kanina lang ay nagtatampo ka rito pero ngayon ay nandito ka at pinagsisilbihan siyang muli at inaalagaan. Can you stand the person you love?

Tahimik mong pinagmamasdan ang maamong mukha ni Suga. Pagod na pagod ito, halata sa himbing ng pagkakatulog.

Sana palagi na lang ganito si Suga na maamo pagkaharap mo hindi yung palaging magkasalubong ang dalawang kilay.

You loved him so much, so you will not be able to sulk for even a long time and that is one of the things you hate about yourself. Masyado kang marupok kay Yoongi.

Isang oras mo ng binabantayan si Yoongi at napansin mong bumababa na ang lagnat niya. Madaling-araw na pala at siguro ay hindi ka muna papasok bukas para bantayan si Suga kung hindi pa maayos ang pakiramdam nito.

"Hay, nako Yoongi! Huwag mo naman akong pahirapan. Madadamay anak natin nito." hindi ka pumasok ng trabaho sa coffee shop dahil tinanggal ka na at si Jin ang may pakana.

Napuyat ka na rin dahil sa sakit ni Suga. Tumabi ka na kay Suga at napansin mong giniginaw pa rin ito.

"Suga?" sabay tapik mo sa pisnge niya para gisingin ito.

"Hmm..." nagising mo na ito kakatapik mo.

"Tumagilid ka at yayakapin kita," sabi mo at basta na lamang itong sumunod. Parang mas gusto mo pa yatang may sakit ang lalakeng ito at napakamasunurin.

Niyakap mo si Suga. Nagsusumiksik ang ulo nito sa dibdib mo at isinawalang bahala mo na lamang ito tutal nahawakan naman na niya iyon ano pa bang ikakaila mo?

You kissed Yoongi on the forehead that you just did so you smiled. Tamang pagsasamantala lang habang mabait siya. Sa pagyakap mo sa kaniya ay maiibsan nito ang nararamdamang lamig sa katawan.

Mainit pa rin ang pakiramdam ni Suga pero hindi na katulad ng kanina. The pleasure of feeling that you are embracing the person you love now.

Napaka-ilap at iwas na iwas talaga sayo si Suga pero sa pagkakataong ito, lahat yata ng ginawa sa'yo ni Suga na kasalanan ay isinasawalang bahala mo na lamang, kinakalimutan at wari'y pinapatawad mo na si Yoongi.

'Di nagtagal ay nakatulog ka na habang ganon pa rin ang pwesto ninyo. Susulitin mo na ang pagkakataong iyon para muling mapalapit kay Suga at maramdaman niya ang pagmamahal mo sa kaniya. . ..
    
  
  
  
  
"May nangyari ba ulit kila Suga-hyung at Y/n kagabi?"

"Malay ko rin? Ang sarap ng tulog ko kagabi pero wala naman akong narinig na umuungol."

"Hoy! Magsilabas nga kayo, natutulog pa ang mga yan kaiingay n'yo at isa pa puro ungol na naman ang pinaguusapan n'yo!"

Unti-unti mong iminulat ang iyong mga mata at kinusot ito ng hindi mo maaninag ang tatlong tao na nakatayo sa dulo ng kama nyo na nakatingin sa inyo.

"B-bakit kayo nandito?" tanong mo at tatayo ka sana ng maramdaman mong may kung anong pumipigil sayo.

Napatingin ka sa katabi mo, si Suga na mahimbing pa rin ang tulog at nakayakap pa rin sayo.

"May nangyari ulit sa inyo ni Suga-hyung? Ginawa niyo na bang kambal yung baby?" napatingin ka sa tanong ni Taehyung. Si Taehyung at Jungkook pala ang naguusap kanina.

"Dapat girl at boy," pagsang-ayon naman ni Jungkook.

"Aray! Jin-hyung!" inda ni Taehyung at Jungkok dahil piningot ni Jin ang tenga ng dalawa at hinihila palabas ng kwarto.

"Puro kayo kagaguhan. Kung ano-ano natututunan n'yo kay Namjoon!" napa-iling ka na lang sa kalokohan nila. Masyado ng matanong si Taehyung sa kung anong kababalaghan ang nangyayari sa inyo ni Suga.

Napatingin ka ulit kay Suga. Hinipo mo ito sa leeg at noo. Mainit-init pa rin ito kaya hindi ka na papasok sa school para bantayan ito. Nagulat ka ng bumukas ang pinto at iniluwal niyon si Jin.

"Y/n? Wala akong pinakain kay Suga na kakaiba kaya ganiyan 'yan. Pinakulam mo ba 'yan ha?" pambungad na tanong ni Jin.

"Sira! Nilalagnat yung glutang 'to---este taong "to kaya ganito. Iniwan n'yo kasi kahapon kaya eto nagkasakit dahil nabasa siguro sa ulan." hinaplos-haplos mo pa ang buhok ni Suga na tulog na tulog.

"Anong balak mong gawin sa glutang 'yan?" tanong pa ni Jin. Hinihintay nito ang sagot mo bago bumaba.

"Hindi muna ako papasok. Hindi ko pwedeng iwan ang taong mahal ko rito," sagot mo at tiningnan muli si Suga.

"Ok, magpakatanga ka lang sa love basta huwag masyadong magpagod. Yung baby," paalala ni Jin na may halong pangaasar bago bumaba para asikasuhin ang iba pang kasama.

Naramdaman mo ang pagluwag ng pagkakayakap sayo ni Suga.

"Pumasok ka. Kaya ko na ang sarili ko," sabi nito bago tumalikod ng higa sayo. Ganon na lang 'yon? Wala man lang thank you sa ginawa mong pagaalaga?

"Hindi ka nga makatayo riyan para kumuha ng makakain mo, tapos sasabihin mong kaya mo na ang sarili mo?" umupo ka sa kama n'yong dalawa at tinitingnan ang nakatalikod na si Suga.

"I don't need you---your help."

"Ang sabihin mo ayaw mo lang akong nandito." napakibit-balikat ka na lang.

"Exactly." napasapo ka na lang ng noo. Akala mo pa naman babait to at may sakit.

"Sa ayaw at sa gusto mo hindi ako papasok para bantayan ka. Kaligtasan ko lang ang inaalala mo Suga. Ano bang masama ro'n?" malumanay mong tanong.

"Why do you still need to watch over me?" naasar na tanong ni Suga at tumingin sayo.

"You need my help. Kung hindi nga dahil sa yakap ko kagabi malamang nanigas ka na sa sobrang ginaw. Hindi mo alam ang mangyayari sayo lalo na't may sakit ka isa pa mahal kita kaya hindi kita pababayaan." nakangusong sagot mo.

"Can you please stop loving me?" walang emosyon na utos sayo ni Suga. Tumitig ka sa mga mata niya.

Gusto niya ba talagang mawala ang pagmamahal na nararamdaman mo sa kaniya? You love him so much, it's hard to forget someone you have long valued and loved.

"Then teach me how you stopped loving me so I can learn how to unloved you too..."

"Say That You Love Me"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon