Chapter 9

224 13 1
                                    

STYLM : Chapter 9

"Shinri is one of my weaknesses. I don't want to see her lonely..." saad ni Jungkook habang nakayuko.

Katabi ka ni Jungkook sa upuan ng isang garden. Napag-isipan niyong magkita ng lihim lang at baka magalit si Suga.

"Mahal mo talaga siya noh?" tanong mo pa at tumango naman si Jungkook ng hindi tumitingin sayo.

Gusto mo lang malaman ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Shinri. Buti na lang at mabait si Jungkook dahil patuloy ka pa rin niyang pinatutunguhan ng maayos.

"Pero sa tingin ko mahal niya pa rin si Suga-hyung. Mali ako eh... Nagmahal ako ng tao na katulad niya." nakayuko pa ring sabi ni Jungkook. Hinawakan mo ang kanang balikat niya.

"Hindi mo naman kasalanan yun Jungkook. Tao ka at may feelings kaya hindi mo maiiwasang ma-fall. Paano ba kasi nagka-ganito ang lahat ng pangyayari?" tanong mo at sa tingin mo ay handa ng mag-kwento si Jungkook.

"Kilala ko na si Shinri noon pa, simula noong maging sila ni Suga-hyung. Aaminin ko maganda siya, matalino, mahinhin, at may mabuting kalooban. Isang linggo bago mangyari ang pagmi-meet up niyo ni Suga sa isang restaurant para planuhin ang kasal ay nakita ko si Shinri sa isang bar at umiinom. Nag-kwento siya sakin..." patuloy kang nakikinig sa kwento ni Jungkook. Hindi siya tumitingin sayo, deretso lamang ang tingin niya.

"Balak daw siyang patayin ng Ama ni Suga-hyung kapag hindi siya nakipag-hiwalay. Naaawa ako that time kaya tinulungan ko siyang umuwi dahil sa sobrang kalasingan. Hindi ko alam na ganoon ang mangyayari, she seduced me at bumigay naman ako. Nagpasalamat pa siya sa pagpuna ko sa nararamdaman niya na dapat ay si Suga ang may gawa..." medyo namangha ka sa ikinuwento niya.

Akala mo ay si Jungkook ang nagsamantala pero hindi pala si Shinri. Marami dapat malaman si Suga about kay Shinri pero paano niya sasabihin? Alam mo namang hindi ka niya papaniwalaan.

"After that fucking night. Nagsimula na kaming magkaroon ng communication at hanggang sa nangyari ang aksidente kay Shinri at sa Mama mo. Nalaman ko na buntis siya at aminado ako ang Ama ng dinadala niya. I don't know how I would feel if I was happy or sad about what happened in that time? Basta ang alam ko lang minahal ko na siya sa sandaling panahon lang na kami ay nagkasama." kwento pa ni Jungkook.

Naaawa ka ngayon sa kaniya. Bakit ganon si Shinri? Hindi ba niya inisip na may nasasaktan na sa ginagawa niya?

Una ay si Junhyuk. Iniwan ni Shinri si Junhyuk para sumama kay Suga at ngayon ay si Jungkook na minahal siya pero si Suga pa rin ang habol niya.

Pangalawa ay ikaw, nasaktan ka dahil ikaw pa ang sinisi sa nangyari. Sirang-sira ka na sa paningin ni Suga.

Alam mo sa sarili mo na hindi ka mahal ni Suga... At ang mga halik na ginawa niya kanina sayo at ang pagtatalik niyo?... Ang mahal lang ni Suga ay ang katawan mo.

"Gusto ko na talagang agawin si Shinri kay Suga pero natatakot ako." sabi ni Jungkook.

"Tutulungan kita." saad mo na ikinatingin niya sayo. Desidido ka ng mapaghiwalay sila ni Suga. Tama ba ang gagawin niyo? Paghihiwalayin ang dalawang nagmamahalan?

"H-ha?" takang tanong pa ni Jungkook.

"Make her fall in love with you at ako na bahala kay Suga. Ako naman ang gagawa ng paraan upang mapasakin na rin si Suga." iyon ang na-isip mong plano. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, gagawin mo ang lahat makuha lang siya.

"Paano kung hindi talaga ako magustuhan ni Shinri?" nag-aalalang tanong ni Jungkook.

"Don't say that. Gwapo ka, mabait, talented, sikat, at sweet. Hindi katulad ni Sugagong tarantado. Kaya mo yan, para kang hindi lalake." panunukso mo pa at mukhang nabuhayan naman ng loob si Jungkook.

"I'll try Y/n. Thanks for your listening in my madramang story." sabay ngiti ni Jungkook.

"Ahhh!" inda mo at napapikit ng mariin. Napahawak ka sa iyong noo.

"Y/n?!" nag-aalalang tawag sayo ni Jungkook.

"Shit. Ang sakit ng ulo ko." sabay kagat mo sa ibabang labi.

"Epekto siguro yan ng ginawang pagbubugbog sayo nila Junhyuk. Buti na lang matapang at matatag ka." niyakap ka ni Jungkook dahil nag-aalala siya sayo. Ilang minuto pa ang lumipas naramdaman mong nawawala nabang kirot.

"Ayos ka na ba Y/n?" tanong sayo ni Jungkook na hanggang ngayon ay naka-yakap pa rin sayo.

"Oo..." sagot mo. Sana ganito din ka-sweet si Suga sayo. Kahit kailan hindi mo pa nararansan na magka-boyfriend kasi masulyapan mo lang si Suga buo na araw mo, masaya ka ng walang jowa kapag nandiyan si Suga.

"What the fuck?! Jungkook! Are you really making me mad?!" halos mapalundag kayo ni Jungkook sa gulat. Napatingin kayo sa likuran at narinig ang galit na ekspresiyong mukha ni Suga.

"Hyung. You have the wrong idea about us. We're just talking." malumanay na sabi ni Jungkook.

"I'm not stupid Jungkook! You flirt with Y/n and you plan on catching her!" susuntukin na naman sana ni Suga si Jungkook ng humarang ka.

Nagkatitigan kayo ni Suga. Hindi naituloy si Suga ang balak, talagang mananagot siya sa Mom at Dad niya kapag nasaktan ka ng physical.

"Jungkook is telling the truth. Atsaka hindi ka bobo? Nagmahal ka nga ng taong katulad ni Shinri na mapanakit." walang emosyon na saad mo.

"Y/n, Jungkook and Suga. Stop that." awat ni Jimin mula sa likod ni Suga.

"Bakit ba ang sama ng tingin niyo kay Shinri?" naiinis na sabi ni Suga.

"Dahil totoo naman. Marami na siyang nasaktan at isa na ako doon. Ikaw naman ang susunod!"

"Paaakkk!" tunog ng pagsampal sayo ni Suga. Tumulo na naman ang iyong mga luha.

Nilabag niya ang utos ng iyong Ina na huwag kang pagbuhatan ng kamay. Sarili mong Ina ay hindi ka nasampal tapos siya?

Sinampal ka niya ngayon sa isang mababaw na dahilan lang. Alam niyang patay na ang iyong kaya kahit anong gusto niyang gawin sayo ay magagawa niya.

"Kung babalik ba sayo si Shinri sasaya ka? Babait ka na ba? At kapag nawala ako, magdidiwang ka? Magpapasalamat ka dahil wala ng babaeng mangungulit sa isang kagaya mong siraulo? Pasalamat ka. . . mahal kita at may mga kaibigan kang kagaya ni Jungkook na iniintindi ang masamang ugali mo!" sabay talikod mo at naglakad papalayo sa kaniya.

Sinusundan ka ni Jimin. Patuloy ka sa pag-iyak hanggang sa naramdaman mo na naman ang kirot sa iyong ulo.

Napahinto ka dahil nawawalan ka na ng balanse sa iyong katawan at napahiga ka na lang sa lupa.

Hindi mo na kaya ang hirap at sakit na dinadanas mo ngayon. Unti-unting nagdilim ang paningin mo pero may naramdaman kang lalake na bumuhat sayo at alam mong si Jimin iyon.

"A-anong nangyari?" takang tanong mo habang bumabangon.

Na-upo ka muna sa kama. Nasa bahay ka na ngayon ng Bangtan. Dinala ka nila dito para makapag-pahinga ka na.

"Sa wakas ay gising ka na rin." saad ni Jimin na nasa gilid ng kama mo na naka-upo.

Binabantayan ka ba niya? Naalala mo na ang nangyari, hindi mo maiwasang isipin ang ginawa sayong pagsampal ni Suga.

"Jimin, salamat pala sa pagbuhat mo sakin ha?" pagpapasalamat mo kay Jimin.

"Bakit sakin ka nagpapasalamat?" tanong naman ni Jimin. Nagtaka ka sa sinabi niya.

"What do you mean?"

"Si Suga-hyung ang bumuhat sayo. Parehas kasi kaming pandak kaya napagkamalan mong ako siya." sagot niya.

"P-pero bakit?" nagtataka ka na talaga sa mga weirdo na kilos ni Suga.

"I don't know. Galit ka kanina at pati siya pero sa tingin ko... Unti-unti na siyang natatauhan sa mga sinasabi mo."

"Say That You Love Me"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon