STYLM : Chapter 29
"Wait, is that Taehyung?" nanliit ang mga mata mo at tinatanaw ang dalawang tao naguusap.Bigla ka na lamang napahinto sa paglalakad sa hallway at pagmumuni-muni ng mamataan mo si Taehyung.
"Si Taehyung nga, sino yung kasama niya? His Girlfriend?" bulong mo sa sarili. Naglakad ka ng dahan-dahan papalapit sa kanilang dalawa.
Kakaunti na lamang ang estudyanteng naglalakad sa hallway dahil kanina pa ang oras ng uwian.
Hinihintay mo na lamang ang mga kasama mo para sabay-sabay na kayong umuwi.
Nanlaki ang mga mata mo ng makita mo si Somin at Taehyung na naguusap. Napansin mo rin ang mahigpit na pagkakahawak ni Taehyung sa kaniyang pulsuhan at natatakot naman si Somin sa kaniya.
"Taehyung, Somin!" pagtawag mo sa kanilang dalawa at tumakbo papalapit sa kanila. Sabay silang napatingin sa'yo at binitawan ni Taehyung ang kamay ni Somin.
"Hi, Y/n," bati sa'yo ni Somin at ngumiti. Parang kanina lang ay natatakot ito pero nag-iba na naman siya ng awra.
"Bakit kayo. . . Magkasama?" tanong mo at nagpalipat-lipat ka ng tingin kay Taehyung at Somin.
"A-ahh, k-kasi kanina ma-may nambubully ka-kay Somin kaya p-pinagtanggol k-ko siya," nauutal na sabi ni Taehyung at ngumiti ng pilit. Napatango ka naman at kumbinsido sa sinabi niya.
"Mauna na ako Y/n," paalam ni Taehyung at dali-daling tumakbo papalayo sa'yo. Tatawagin mo pa sana siya para magkasabay na kayo.
Napasimangot ka naman, bakit parang iniiwasan ka niya?
"Y/n, buti na lang at may kaibigan ka katulad ni Taehyung." nabaling ang tingin mo kay Somin.
"Napakaswerte ko sa kanila. By the way, sabay na tayong maglakad?" tumango naman si Somin. Nagsimula na kayong maglakad at balik ka na naman sa pagiging lutang mo.
'Napakahirap mong mahalin.'
Muli na namang nag-sink in iyan sa utak mo. Napanguso ka na naman dahil doon. Sunod-sunod ang pag-hinga mo ng malalim.
Maghapon kang lutang dahil sa nangyari sa inyo ni Suga. Tinatawag ka ng teacher mo kanina nasigawan mo, kinakausap ka hindi ka nakikinig, inuutusan ka ng teacher mo tinalikuran mo, bumili ka ng pagkain sa cafeteria ay nakalimutan mo itong bayaran. Ano pa bang paglabag sa paaralan ang magagawa mo?
"May problema ka ba, Y/n?" Napansin yata ni Somin ang pagnguso mo at paghinga mo ng malalim. Umiling ka na lamang at nakita mo si Yoongi na naglalakad.
"Somin, pupuntahan ko na ang boyfriend ko. Bye, see you next week!" kumaway ka na lamang kay Somin na nginitian ka pabalik.
Tumatakbo ka papalapit kay Yoongi kaso bigla kang naharangan ng mga lagpas sa sampung babae.
Bagsak ang balikat mo dahil nakalimutan mo na namang sikat at isa sa pinaka-gwapong lalake ang papakasalan mo.
Napangiti ka naman ng nakakaloka sa na-iisip mo. Wala ka ng pake kung hindi ka pansinin ni Yoongi.
"Tabi! Chupi! Dadain ang Reyna ni Yoongi!" sigaw mo at nagsitinginan ang mga babae sayo. Natahimik sila saglit at may daan na para mapalapit ka kay Yoongi.
Nakapamewang ka sa harap nila at nakangiti. Umandar na naman ang pagka-isip-bata mo.
"You know what? Lahat tayo feeling asawa ni Yoongi. Pero mas malala ka teh." Pangaasar ng isa na tiningnan ka ng kakaibang awra na parang wala kang pag-asa kay Yoongi. Kung alam lang nila. . .
"Hoy, Miss. Ako ang legal wife." hinawi mo ang nasa gawing kaliwang buhok mo at parang miss universe na lumakad papalapit kay Yoongi.
Nakatingin sa'yo si Yoongi ng walang emosyon, naka-earphone pa siya pero alam mo namang walang tugtog iyon.
BINABASA MO ANG
"Say That You Love Me"
RomanceMin Yoongi X Reader Loving someone who can't love you back is not easy. Min Yoongi a.k.a Suga, my cold hearted crush---the man will be forced to marry me. But to what extent and when will I endure if someone like him is dumb in love? "If you really...