PORTAL 15

242 25 0
                                    

********

PORTAL 15

********

                “Ivy,” mahinang sabi ko sa kanya, habang kapwa kami nakatingin sa langit. Nasa itaas kami ng bahay sa may bubungan. Gusto ko lang kasing Makita ng maayos ang mga bituin sa langit.

                “Ano yun?” kagaya ko, busy din siya na tinititigan ang mga bituin sa langit, saka ito napatingin sa akin. Iniwas ko ang tingin sa kanya. At muli akong tumingin sa langit. Sa tono ng boses niya alam kong nagtataka siya sa pagbulong ko ng minutong iyon at isa pa ang mabilisan kong pag-iwas ng tingin sa kanya. Siguro sa isip niya naiinis na siya. Kahit ilang linggo palang kaming nagkakasama, alam ko na ang ugali niya. Mainitin man ang ulo niya, madalas man kaming mag-away. At napakatahimik man niyang tao, alam kong may puso siya.

                “Salamat.” Matipid kong sagot sa kanya.

                “Tss.” Sagot niya. Napatingin ako sa kanya. Namangha at napangiti rin. Natututo na siyang umasta at sumagot ng ganun.

                “Saan mo natutunan yang pagsagot ng ganyan?” taas kilay kong tanong sa kanya.

                “Sa ‘yo.” Sagot niya. So ibig sabihin kasalanan ko pala kung magbabago ang ugali niya? Lagot tayo nito.

                “Wag kang mag-alala,” bigla niyang sabat.

                “Bakit naman?” pag-aalala ko.

                “Di ako magbabago para lang sa iyo.” Bigla akong nakaramdam ng sakit sa sinabi niya. Isa pa pala sa ugali niya, ang di nito pagpigil sa tunay niyang nararamdaman. Straight forward siya kung magsalita. Di niya alam na nakakasakit na siya minsan. Ngumiti lang ako sa sinabe niya at muling tumingin sa langit.

                “Kapag ba nawala na ako, ma-mimiss mo rin ba ako?” tanong ko sa kanya. As usual di siya sumagot. Nag-antay ako ng ilang minuto pero di parin siya sumagot. Inisip ko nalang na ‘silence means yes’. Pero di ko rin sure kung yun nga ba ang nararamdaman niya. Ang daya niya kasi. Siya lang itong nakakaramdam ng iniisip at tibok ng puso ko. Sana may ganun din akong kakayahan kahit ngayon minutong lang na ito. Nang malaman ko naman kung ano nga ba ang isasagot niya. Tumayo na ako pagkalipas ng limang minuto, at bumalik na sa loob ng kwarto ko. Di ko na siya inantay na bumalik. Alam ko naman kasi na kaya niyang makabalik sa kwarto niya kahit na di niya ako kailangan.

                Kasi di naman niya talaga ako kailangan.

********

                Kina-umagahan.

                Tahimik akong bumaba galing sa kwarto ko. Wala akong ganang kumain, pero dahil sa pinilit ako at si Tita Esme pa mismo ang umakyat sa kwarto ko para gisingin ako. Noong nasa harapan na ako ng hapagkainan, wala akong ganang umupo at di man lang pinansin si Ivy di gaya ng karaniwang ginagawa ko sa umaga. Mahahalata at mahahalata talaga nilang may problema kaming dalawa. Alam na rin nila na di kami magkasundo, pero alam ko na iba ang pakiramdam nila ngayon araw na ito.

PORTALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon