PORTAL 25

177 17 1
                                    

********

PORTAL 25

********

"Birthday ni Shane?" gulat na tanong ko kay Makoy. Hindi ako makapaniwala na hindi ko alam kung kailan ang birthday ng ni Shane. Binatukan ako ni Makoy sabay sabing paano ko raw hindi alam? E kakasabi niya lang raw sa akin ito noong isang araw. Isang araw? Kailan iyon? hindi ko na alam, kasi pakiramdam ko ay halos dalawang buwan o mas higit pa ang pananatili ko doon sa ibang panahon.

"Anong plano mo?" nakatitig ang mga mata ni Makoy sa akin. Anong plano ko? Liligawan ko na si Shane. Sasabihin ko na sa kanya ang tunay kong nararamdaman. At sana 'wag naman niya akong bastedin.

"Tama ka! Siguro oras na para malaman ni Shane ang tunay kong nararamdaman." Ginugulo-gulo pa ni Makoy ang buhok ko ng minutong iyon. pasaway talaga.

Kinagabihan kaarawan na ni Shane. Lahat ng barkada at maski ang mga kaibigan niya ay nandoon. Nakakita na naman kaagad ng babae itong si Timothy kaya ayun iniwan kami. Habang si Hanson naman ang kumuha ng mga pupulutan namin oo pinayagan kami ng tagapangalaga kay Shane na mag-inum sa bahay nila, nandoon din ang ibang kamag-anak nila Makoy. Actually late akong nakarating, kaya naiinisa ng barkada kasi nga late ako, pero taktiks ko lang iyon. haha. Biro lang, na-late kasi ako ang haba ng pila sa flowershop. Ewan ko ba kung bakit ngayon pa dumadami ng tao do'n sa flower shop.

Inabot ko kay Shane ang binili kong mga bulaklak.

"Para sa iyo," sabi ko na may kaunting ngiti sa aking labi at may kaba sa aking dibdib. Kinuha niya ito at saka inamoy.

"Ang bango, Ebong, parang ikaw." Saka ako inasar ng mga mokong kong mga kaibigan. Mga gago talaga! Hinila ako ni Shane at dinala ako nito sa kwarto niya may ipapakita raw ito sa akin. Buong puso akong sumama sa kanya at nang makarating na kami sa itaas ay parang nag-iba ang naramdaman ko, hindi ko mawari. Hindi ko maintindihan. Ewan. Basta bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpawisan kahit na malamig naman sa loob ng kwarto ni Shane.

"Umupo ka dito, wait lang ah? May ipapakita ako sa iyo." Sabi niya. So umupo ako sa harapan ng computer table niya't at may napansin akong isang pamilyar na imahe na nakalagay sa isang frame. Do'n biglang bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Hindi ako nagkakamali, hinding hindi ako nagkakamali. Kinuha ko ito at mas lalong tinignan ng husto, mukha lang siyang tumanda, pero hinding hindi nagkakamali ang mga mata ko. Alam kong siya iyon. nagkaroon lang ng kaunting lines sa mga kanyang mga mata, pero iyong mga tipid na ngiti niya. Alam kong siya iyon. Ang kulay ng kanyang mga mata, ang hugis ng kanyang ilong. Ang kanyang maliliit na tainga. Ang kulay rosas na labi niya.

"That's my mom." Rinig ko pang sabi ni Shane, napalingon ako sa kanya sa likuran. Kaagada akong napatayo at parang nakaramdam ang tuhod ko ng panghihina. Hindi rin ako makahinga ng maayos ng minutong iyon. iniwasan ko siyang tignan. Saka ako tumayo ng maayos, at nagpaalam sa kanya.

"Excuse me," paalam ko pa sa kanya. Saka ako nagmadaling tumakbo paalis sa loob ng kwarto niya at nang makasalubong ko si Makoy ay nagtataka ito bakit ako tumatakbo. Hindi ko na siya pinansin, kaagad ko siyang dinaanan lang at gano'n din ang ibang mga kaibigan kong alam kong nagtataka sa inasal ko ng gabing iyon. kung alam niyo lang. Kung alam niyo lang ang nararamdaman ko, ngayon. Naguguluhan ako. Naguguluhan na naman ako sa nararamdaman ko.

Tumawag si Makoy sa akin alas dose ng gabi. Mabuti raw at gising pa ako. Tinanong niya ako siyempre kung anong nangyari, sabi ko wala. Nagalit siya sa sagot ko. So kailangan kong mag-dahilan ng maganda para hindi niya ako pagdudahan, baka ano pang isipin no'n sa ginawa namin sa kwarto ni Shane. Kaya sinabi ko na nag-lbm ako at kailangan kong umuwi. Siyemper may follow up question siya, bakit hindi raw ako bumalik. Sumagot ko na nahihiya na akong bumalik at napagod din kasi ako kanina. So on and so fort.

Maya-maya ay napalitan ng boses ni Makoy ng isang magandang tinig ng boses ng babae, and it was Shane.

"Okay ka lang ba?" ito ang tinanong niya sa akin. okay? Hindi ako okay. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako okay kasi sobra akong naguguluhan sa nararamdaman ko.

"Mukhang 'di ka nga okay, kasi hindi ka sumasagot. Maski ang tibok ng puso mo, magulo. Marahil may gumugulo ngayon sa isip mo." Pareho nga talaga sila ng ina niya. Ang daling basahin ang tibok ng puso't isip ko.

"I'm sorry Shane, I'm sorry if I messed up your birthday party." Sabi ko.

"No! Don't think that way, okay naman ang birthday ko. Sayang 'di mo nakita iyong gusto ko sanang ipakita sa iyo..." kaso pinatay ko na ang tawag niya. Kaya pala gano'n nalang ang nararamdaman ko. Kaya pala pareho silang may kakaibang kakayahan. Kaya pala. Bakit hindi ko kaagad napansin iyon? sino ba naman kasi ang magkakapagsabi na mangyayari ang lahat ng ito.

Kinabukasan ay patakbong lumapit si Shane sa akin, pero tumalikod ako at iniwan ko ang kasama ko ng minutong iyon, si Timothy. "Uy, saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.

"Mag-c-cr lang ako." Sagot ko. At nagmadali akong naglakad, palayo sa kanya. Ayaw ko muna siyang kausapin. Baka kasi anong masabi ko. At baka maguluhan din siya. Alam ko sa mga minutong 'to, itong mga pag-iwas-iwas ko sa kanya ay nakakaramdam na siya ng ibang nangyayari sa akin. at alam kong katulad ko ay naguguluhan na rin siya sa inaasal ko. Noong nasa loob na ako ng banyo ay kaagad kong binasaa ng mukha ko ng tubig sa gripo. Saka ako tumingin sa harapan ng salamin. Ano bang nangyayari sa akin? bakit kailangan mangyari ang bagay na ito? nakabalik na nga ako, pero bakit parang patuloy parin akong minumulto ng nakaraan. Wala naman akong nakuhang sagot ng minutong iyon, kasi magulo parin ang isip ko.

Kaya pagkatapos kong magbanyo ay pinunasan ko ng tuyong panyo ang mukha ko't nagdesisyon na akong lumabas. Paglabas ko ng banyo ay nandoon ang lahat ng barkada nakaabang at pinalibutan nila akong lahat. At isang babae lamang ang nasa kanilang gitna. Walang iba kundi si Shane.

Isa-isa ko silang tinitigan. Napailing lang si Hanson, habang nakangisi naman si Timothy. At may mga tanong naman sa mga mata ni Makoy, habang si Shane naman ay parang nagmamaakawa ang mga mata nito na kausapin at wari'y nagsusumamo na kausapin naman siya. Kaya hinila ko ang kamay ni Shane at dinala ko siya sa isang lugar na kung saan makakapag-usap kami ng kami lang dalawa at walang ibang makakarinig.

Huminto kami sa likod ng gymnasium. Do'n ay binitawan ko ang mahigpit kong hawak sa kamay ni Shane. Kapwa kami hingal na hingal at kinakapos ng hininga sa pagtakbo ng minutong iyon. Nang napansin kong may butil ng tubig na biglang tumulo sa mga mata ni Shane. Kaagad akong lumapit sa kanya at pinunasan ito.

"Uy, bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya. Tinulak niya ako at saka siya tumalikod.

"Wala. Wala lang ito," rinig ko pang humikbi siya. Talagang umiiyak na siya. Nasapo ko ang ulo ko't hinila ang kamay ni Shane upang ipaharap sa akin muli. Humarap naman siya, tinignan ko ang mga mata niya. Parehong-pareho talaga sa ina niya. Medyo mataray, pero ang sarap titigan ng mga matang iyon.

"Hindi wala lang ang iyak, Shane. Hindi ka iiyak dahil lang sa wala, alam kong may dahilan ang pag-iyak mo. Tell me, pwede akong makinig." Saka niya ako pinaghahampas.

"Ang manhid-manhid mo. Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin ang mga bagay na iyan," doon na ako mas naguluhan sa mga nangyayari.

"Ano bang pinagsasabi mo?" habang pinipigilan siya sa paghampas niya sa dibdib ko.

"Gusto kita, Ebong. Gustong-gusto kita. Pero...." Nilock ko ang labi ko sa labi ni Shane. Madiin kong dinikit ang labi ko sa labi niya at unti-unti ko namang pinasok ang dila ko sa loob ng bibig niya. Kapwa namin nilasap ang lasa ng laway ng isa't isa. Ako ang unang kumalas sa halikan namang iyon. tumingin ako sa mga mata ni Shane, nahihiya ang mga titig niyang iyon. Alam kong una niya ako, mahigpit ko siyang niyakap. At muling hinalikan sa noo.

"Gusto din kita, Shane. P-pero, natatakot ako."

"Saan?" inangat niya ang ulo niya, mas lalo ko pang napagmasdan kung gaano siya kaganda.

"Natatakot ako na baka hindi naman tayo pareho ng nararamdaman." Pagsisinungaling ko pa.

"Alam mo na ngayon, pareho tayo ng nararamdaman. Ano kinakatakot mo," hindi na ako sumagot. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit at nanatili kami ng gano'n ng ilang minuto.

PORTALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon